TSINELAS

9 0 0
                                    

TSINELAS

"WHAAAA!!! Salamat po lola!"

Niyakap ko si lola ng mahigpit matapos niya ako bigyan ng bagong tsinelas na pula.

"Masaya ako apo na nagustuhan mo ang aking regalong tsinelas ngunit...."

Bigla siyang pinagpawisan na parang bang may nakakatakot na nangyari.

"A-ano po yun lola?"

"Ngunit... huwag na huwag mong iiwan sa iyong kwarto ang tsinelas na yan kapag ikaw ay matutulog."

H-huh?

WEIRD.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni lola at iniwan ko sa kwarto ang aking tsinelas.

TSK! Siguradong tinatakot lang ako ni lola.

___

Alas dose ng gabi. Nagising ako dahil sa ingay na para bang may tumatalon sa aking kwarto.

LETSE! Nag iingay nanaman ata nag kapatid ko.

"Ano ba bunso... gabi na ah, bakit hindi ka pa natutulog?"  inaantok kong sabi.

Ngunit nagpatuloy pa din ang ingay kaya minulat ko ang mata ko para pagsabihan ang aking kapatid.

"Ano ba---"

Laking gulat ko na makita kong tumatalon talon ang pulang tsinelas kahit na walang nagsusuot.

Kinusot ko uli ang aking mata para kumpirmahin.

Nagulat nalang ako nang makita kong nasa ulunan ko na ang tsinelas ko!

Bigla akong kinabahan sa nangyari. Ibinaba ko nalang ulit sa kama ang tsinelas. 

SHIT!

Minumulto na ba ako?

Imposible! Siguradong panaginip lang 'to.

Pinagsawalang bahala ko nalang at natulog ulit.


~~

Kinabukasan nawala na  parang bula ang aking tsinelas.

Saan napapunta 'yon?

"Bunso! Nakita mo ba ang tsinelas ko?"

Tss ... Siguradong siya lang naman ang nananakot sa'kin.

"Huh? Hindi ko alam ate."

Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya bumalik uli ako sa kwarto para hanapin.

Nagtaka ako nang makita kong nakapatong sa unan ang tsinelas ko.

WHAT THE--- Paanong---

TANGINAAAAA

Dahil sa takot ko, pinagsisira ko nalang at itinapon ang tsinelas sa basurahan.

Kinagabihan hindi ako nakatulog ng mahimbing dahil binangungot ako.

Nagising uli ako ng alas dose ng gabi.

Laking gulat ko nang makita ko uli na nasa ulunan ko nanaman ang pulang tsinelas.

SHIT! Natatandaan ko na sinira ko na ito at tinapon!

TAENAA! Minumulto na ba ako?

Bigla akong pinagpawisan nang may marinig akong yapak ng paa na papalapit sa akin.

*footsteps*

*footsteps*

*footsteps*

TAENAAAA!

Papalapit ng papalapit....

Naglakas loob akong lumingon.

SHIT!

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Isang lalaking duguan ang bumungad sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko!!!!

"S-sino ka?"

Nanginginig ako sa sobrang takot.

Bigla niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha at bumulong.

"Ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka."

RANDOM STORIES (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon