Chapter 1

402 18 1
                                    


Gracella

Tinitignan ko lang ang dati naming bahay. Nakakalungkot isipin na ang dating masaya at punong puno na kulay at biglang na wala. Sa isang iglap lang na palitan lahat ng kalongkotan. Kong pwedi ko lang sana ibalik lahat lahat gagawin ko maging buo lang ulit ang pamilya na meron ako noon.

Nakakainis lang bakit ba kasi hindi pa ako sinama nila ng sila'y umalis sana ngayon pati ako wala naren sa mundong ito. Bakit pa nila ako iniwan, paano pa ako mabubuhay ngayon nito kong ang tangin dahilan kong bakit ako lumalabad at nangangarap wala na. Wala na sila at hindi ko na kailan paman sila makikita.

Sa muling pagkakataon tinignan ko ulit ang bahay. Napapaluha lang ako sa labis na kalongkotan. Kahit ma sakit para sakin na iwan ang bahay na ito gagawin ko dahil ka pagnanatili pa ako dito lalo lang akong masasaktan.

"Grace, sure ka na ba na aalis kana? Pwedi ka naman dito tumira at tutulongan ka namin makabangon muli. Nan dito naman ang tito mo at maayos naman ang trabaho niya. Mabubuhay ka namin ng maayus."

"Tita, Okay na po. Wag po kayong magaalala sakin dahil kaya ko naman ang sarili ko. Pagsubok lang ito ng tadhana sakin. Palalampasan ko rin to. Magtiwala lang kayo."

"Ano ba kasi ang gagawin mo sa Maynila at bakit doon ka pa pupunta."

"Tita, susubokan kong maki pagsapalaran doon at doon naren ako magaaral. Kakayanin ko to basta alagaan niyo ang bahay na ito. Ang dami masasayang ala ala na nan dyan."

"Parang hindi ko na talaga ma babago ang takbo ng isip mo. Parang hindi na kita mapipigilan pa."

"Buo na kasi ang disisyon ko. Ayokong manatili dito at umiyak na lang araw araw. Mas makakabuti pa na makalimotan ko to at magpakalayo layo"

Tangin pagpunta lang sa Maynila ang tangin kong alam na paraan para hindi ko na maalala muli ang buhay ko na meroon ako noon nong completo pa ang pamilya namin. Ayoko rin na maging pabigat sa kanila ni Tita. Alam ko naman na kaya ako nilang buhayin pero na hihiya talaga ako at isa pa ayoko na talaga dito.

Simula nong iwan nila ako dito sinosumpa ko talaga sa sarili ko na hindi na ako babalik pa sa lugar na ito. Aminado akong maraming masasayang ala-ala ang nan dito pero sa tuwing tinitignan ko ang bahay namin lungkot paren ang umiiral sa puso at isip ko. Lungkot, sakit at pagdadalamhati.

"Maytitirhan ka na ba sa Maynila pag dating mo doon?"

"Opo Tita meron na. May kaibigan naman po ako doon at ang sabi niya papatirahin niya daw mo na ako sa apartment nila. Buti nga dahil malapit lang sa paaralan na papasokan ko kaya hindi na ako gagastos ng pamasahi "

"Basta grace kong kailangan mo ng tulong nan dito lang ako tawagan mo lang ako. Hito kunin mo na para ma katulong sayo." wika ni tita sabay abot sakin ng pera.

"Salamat talaga Tita. Aalis na po ako baka kasi ma iwanan ako ng barkong sasakyan ko."

"Dala mo na ba lahat ng kailangan mo?"

"Oo Tita nan dito na sa bag ko. Salamat talaga ma una na ako. Ingatan mo sana ang bahay namin. Ikaw na bahala."

Ngumiti lang sakin si Tita habang pinagmamasdan niya ang pagalis ko. Isang malongkot napamamaalam ang ginawa ko bago ko tuloyan makalabas sa baryo namin. Kahit masakit sakin wala na akong magagawa nan dito na ako kaya wala ng sukoan pa.

Alam kong hindi naman nila ako iiwan kong na saan man sila ngayon. Alam kong nasa likod ko paren ang pamilya ko at gagabayan nila ako sa kahit anong gawin ko sa buhay.    Tinignan ko lang ang maliit naming bayan at muli na naman tumulo ang mga luha sakin mga mata. Hito na ang huling araw na makikita kong muli ang lugar na ito.

Lugar na kong saan ako lumaki at nagkaisip. Ngayon isa na lang siyang ala ala sa akin isipan. Isang ala-ala na kahit kailan man ay hindi ko na mababalikan. Paalam dahil sumoko agad ako.  I made a choice to finally let go, because I can’t stand the pain, it’s time for my last tear to fall and smile again.

Pagdating ko sa loob ng barko minabuti ko munang umakyat sa taas para tignan ang napakalapad na karagatan. Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa Maynila sana sumangayun lang lahat sakin. Sana hindi ako mahirap sa bagong buhay nakakaharapin ko.

Alam kong magisa na lang ako ngayon kaya mas lalakasan ko na ang loob ko. Kailangan kong magtiwaka sa sarili ko na isang araw malalagpasan ko rin ito. Na isang araw kahit bumalik balik pa sakin ang mga ala-ala ko kasama ang masayang pamilya na meron ako noon hindi na ako masasaktan. Tatawa na lang ako dahil na lagpasaan ko ang lahat ng yun.

Na isang araw ma sasabi ko na lang sa sarili ko na okay na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Sana sa pagdating ko sa Maynila isang bagong pagasa ang sasalubong sakin. Isang pagasa na magbibigay kulay sa napakadilim kong mundo.

"Hoy! Babae gabi na at nan dito ka paren sa labas?" wika ng lalaki nasa likod ko.

"Nagpapahangin lang ako bakit masama ba?" sagot ko at hindi ko na siya nilingon ayokong ma kita ang itchura niya. Ang lakas ng loob niya na tawagin akong Hoy!

"Oo, paano kong lumakas ang hangin at ma tangay ka at ma hulog. Hindi ka ba nagiisip sa pweding mangyari sa buhay mo."

"Mas mabuti na ngayon, wala naman kasing say-say ang buhay kong ito."

"Ano bang pinagsasabi mo?" wika nito at na gulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko at pinaharap sa kanya.

Hindi ko alam kong ano ang pwedi kong sabihin ngayon sa kanya dahil na ninigas ako at hindi ma kagalaw. Sa buong buhay ko ngayon lang ako na kanita ng ganito ka gwapong lalaki. Ang ganda ng mga mata niya pati naren ang mga labi nito. Panigurado hindi siya umiinon o naninigarilyo dahil ang pink pink ng labi niya.

"Hoy! Tinatanong kita!" niyog-goy niya ang katawan ko kaya bumalik ako sa sarili kong katino'an.

"Kainis! Bitawan mo nga ako. Bakit ba kasi ginugolo mo ko dito."

"Hindi kita ginugulo nagtatanong lang ako kong bakit ka nan dito"

"Nagpapahangin lang nga! Ilang bisis ko bang dapat sagutin ang paulit ulit na tanong mo. Hindi ka ba nagsasawa?"

"Nagtatanong lang naman, bahala ka nga sa buhay mo. Wag mo kong si-si-sihin kong malalag ka dyan?"

"Anong paki mo? Buhay ko to kaya pa bayaan mo ko"

"Okay, kong sino kaman ang ganda mo kaso ang sungit sungit mo! Bye mahulog ka sana sa dagat para ma kita mo ang hinahanap mo!"

"Hoy! Kong sino kaman walang hiya ka! Nagiisip ako dito bigla bigla ka na lang manggugulo."

Huminga na ako ng malalim ng mawala na siya sa paningin ko. Ang lakas talaga ng loob niya na awayin ako. Gwapo sana kaso ang pangit naman ng ugali. Tinawag ba naman akong HOY! May pangalan kaya ako. Sana lang hindi na muli mag cross ang landas namin dito sa barko. Nakakainis talaga siya sarap niyang itapus sa dagat at iwan na lang.

Bakit ba kasi dumating pa siya. Hindi ko na tuloy alam kong ano ang iniisip ko kani na. Nakakainis talaga siya. Kong sino man siya ayoko ng makita ang pagmumukha niya.

---

The Way I love You - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon