Lawrance
Nakakatuwang isipin na na gustohan niya ang hinanda ko kagabi. Buong akala ko talaga magagalit siya sakin pero na gulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap. Ang saya saya ko talaga kahit na naghinatay ako ng mahabang oras kahapun. Pero kahit, na sulit naman lahat ng pagod ko.
Para naman talaga yun sa kanya. Buti na lang talaga napagsabihan ako ni Mama kahapun na birthday niya. Kong hindi, wala talaga akong alam. Hindi naman kasi niya sinabi sakin, sana kong sinabi niya ng maaga sana na ipasyal ko pa siya sa kong saan saan.
Sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari samin ka gabi. Kitang kita kong paano siya tumawa na walang halong kaplastikan. Ang ganda niya talaga ka gabi, sa tuwing tinitignan ko siya bumibilis lang ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa rin alam kong ano batong nararamdaman ko para sa kanya. Kasi sa tuwing kasama ko siya nawawala lahat ng pagod ko kahit na hindi naman ako nagtra-trabaho. Yong hipong gumagaan ang loob mo tuwing kaharap siya.
Kaso naiinis parin ako kay Vector. Akala mo kong sinong gwapo, mas gwapo pa nga ako sa kanya. Titiyakin ko na yun na ang huling picture niya na kasama si Gracella. Ngayon na friend na kami ni Gracella sa facebook mababantayan ko na kong sino ang mga taong nagbabalak ligawan siya.
"Sir. Lawrance nan dyan na si Gracella sa baba."
"Sige manang susunod na lang ako. Magbibihis lang ako sabihin mo na lang sa kanya na kumain na muna siya dahil may pupuntahan kaming dalawa."
"Sige po Sir."
Babawi ako ngayon sa kanya. Ipapasyal ko siya sa lugar na tiyak na magugustohan niya. Hindi ko parin pala na bibigay ang regalo ko sa kanya. Nagmamadali kasi ako kahapun na umalis, ayun na kalimotan ko dalhin.
Nagbihis na ako ng damit at short. Sisiguradohin ko na magiging masaya siya sa piling ko. Bumaba na ako dala ang regalo na binili ko kahapun. Sana ma gustohan niya ang bag na binili ko sa kanya at sana lang tanggapin niya.
"Aga mo naman dumating ngayon." nakangiti wika ko.
"Mas ma buti ng maaga kisa ma late ako."
"Ang sabihin mo gusto mo lang talaga akong makita. Ikaw talaga alam ko naman na hinahangaan mo ko."
"Ayan ka na naman. Asa ka!"
"Hito nga pala ang regalo ko." inabot ko na sa kanya ang malaking paper bag.
"Akala ko ba hindi mo na ako ri-rigalohan?"
"Nakalimotan kong ibigay yan kahapon sayo dahil na iwan ko. Wag mo ng tanggihan minsan lang ako nagiging mabait."
"May magagawa pa ba ako. Thank you!"
"Tara na, may pupuntahan ngayon tayo."
Magsasalita na sana siya ng bigla kong hatakin ang kamay niya. Nagmakarating na kami sa harap ng sasakyan, pinagbukas ko na siya at agad na akong pumasok. Ngayon wala ka ng kawala at sisiguradohin kong maiingit sakin si Vector dahil magkasama tayo ngayon.
"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong nito.
"Basta sumama ka na lang. Hindi ka naman mapapahamak hanggat ako ang kasama mo."
"Hindi pa rin ako nakakasigurado."
"Gracella, magtiwala ka lang."
Pinaandar ko na ang sasakyan ng simula na akong magmaniho. Pupunta kami ngayon sa Pampangga ipapakita ko sa kanya ang dati naming bahay. Miss ko na rin kasi na pumunta doon.
"Lawrance ma tanong ko lang?"
"Anong tanong na naman yan?"
"Paano kong tumigil na ako sa pagtra-trabaho?"
BINABASA MO ANG
The Way I love You - COMPLETE
RomanceYou make me smile in a special kind of way. I love you without knowing how, or when, or from where. l just love you.