Gracella
"Pagnaka pasa ako sa engineering ililibre mo ko?" bungad sakin ni Lawrance habang nagdri-drive siya nang sasakyan papunta sa school.
"Bakit ako? Ikaw kaya ang mayaman sating dalawa dito."
"Sige na, min san lang naman ako mag pa libre sayo. Kahit anong pagkain kakainin ko."
"Sure ka ba?"
"Basta wag lang yong mga pagkain na itinitinda sa tabi tabi. Sumasakit kasi ang chan ko doon."
"Sayang yun lang kasi ang kaya ng pera ko."
"Sasusunod na lang pag nagkasahod kana. Ililibre mo ako."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sakin pa talaga siya magpapalibre, ano naman ang ipapakain ko sa kanya kong wala akong pera. Hindi naman kasi pweding bilhan ko siya ng mga tusok tusok na pagkain sa labas baka magkasakit siya. Palibhasa kasi mayaman kaya bawal siya kumain ng kong ano ano.
Konuha ko na ang cellphone ko para e text si Vector na papunta na ako sa school. Nagusap kasi kamin ka gabi at humihingi siyang ng pabor sakin kong pwedi ko ba daw siyang samahan. Wala pa naman kasi siya ka kilala doon. Ayoko naman na iwan siya doon at isa pa doon rin naman ang punta namin ni Lawrance kaya isasama ko na lang siya.
To Vector.
Hintayin mo na lang kami sa parking lot. Malapit na kami.Pinatay ko na ang cellphone ko at tinignan muli si Larwance. Sana lang hindi siya gumawa ng kalokohan mamaya. Alam ko naman na may galit siya kay Vector.
"Sino ang ka text mo?"
"Lawrance, sasama daw satin si Vector. Wala kasi siyang kasama."
"What? Hindi pwedi. Ayoko!"
"Lawrance naman, isama na lang natin. Sige ka kapag hindi mo siya isasama hindi na lang ako papasok sa loob. Dito na lang ako sa labas maghihintay sayo."
"Gracella naman, bakit pa ba siya sasama satin. Malaki na siya at kaya na niya yun na wala ang tulong mo."
"Tsk, hindi na lang ako sasama sayo sa loob."
"Bakit ba kasi gustong gusto mo siyang isama? Hindi pa ba ako sapat para sayo at pati siya isasabay mo."
"Ano bang pinagsasabi mo? Gusto niya lang makipagkaibigan sakin. Kong ayaw mo hindi kita pipilitin."
Binaling ko na lang ang paningin ko sa bintana. Ano ba kasing problema niya kay Vector wala namang ginagawang masama sa kanya ang tao. Magpapasama lang naman siya, mahirap bang intindihin yun. Palibhasa kasi ang kitid ng ulo.
Nasa iisang department lang naman sila tapus ganon pa ang magiging ugali niya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi na lang ako sasama sa kanya sa loob, mas ma buti pa yun na lang ang gawin ko para hindi ko ma saktan ang damdamin ni Vector.
Pagdating namin sa parking lot na una na akong bumaba sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Naiinis pa rin kasi ako sa ugali niya, parang isip bata. Tumayo lang ako at wala akong balak na ulis dito. Umalis siya magisa tutal malaki na rin siya kaya na niya ang sarili niya.
"Gracella tara na."
"Magpapaiwan na lang ako dito."
"Payag na ako na sumama siya. May magagawa pa ba ako. Sabihin mo sa kanya na bilisan niya."
"Salamat Lawrance sabi ko na nga ba mabait ka."
"Ngayon lang to. Na saan na ba siya?"
"Hello, Gracella." bungad ni Vector.
BINABASA MO ANG
The Way I love You - COMPLETE
RomanceYou make me smile in a special kind of way. I love you without knowing how, or when, or from where. l just love you.