Foundation Week: Huli!

1 1 0
                                    

“Regalo ko ho.” ani ko kay Mr. Falcon. Inabot ko sa kaniya ang isang canvas na may litrato niya pati na si Mrs. Delia at Mr. Leo. Natuwa naman siya.

Nakakalungkot lang dahil mismong kaarawan pa niya nawala ang ina niya.

“Sinong nagpinta nito? Ang ganda.” ani mom. Sinenyasan ko naman si Mr. Falcon na ‘wag sabihin na ako.

“R-random visitors.”

“Oh, doon na muna ako sa veranda. Zel, hanapin mo ang kuya mo.” Tumango ako.

Tumikhim si Mr. Falcon kaya napabaling ulit ang tingin ko sa kaniya. “Bakit ayaw mong sabihin?”

“Uhm si mom kasi, hindi niya gusto ang pagpipinta.”

“Bakit hindi? Ikaw naman ang nagpipinta hindi siya.” Ngumiti lang ako. I'd rather lose my passion than my dreams.

Nagpaalam na ako dito at hinanap si kuya. Kasama rin namin ang tropa ni kuya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil tahimik at seryoso sila o maiinis dahil pagdating ng bahay balik sa pagka-monggoloid na naman ang peg nila.

“Oh nandito na si Zel.” Napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ni kuya Mark.

Tahimik akong tumabi sa kanila.

“Okay ka lang?” Bulong ni kuya, sapat lang para marinig ko.

“Yup.”

“Sabihin ko kay mom, uuwi na tayo. May pasok ka pa bukas.” anito kaya tumango naman ako. Pagod rin ako kaya mabuting umuwi na nga lang. Ni-rush ko kasi ang pagpi-paint sa litrato nila.

Pagkadating sa bahay, walang lingon-lingon akong pumasok sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama.

Pinikit ko ang mga mata ko pero may naalala ako bigla.

“Nakita kaya niya na ako naglagay? Kung alam ko lang na kalandian lang ‘yun ni Julia sana hindi ko nalang nilagay.” Humilata ako at tumingin sa kisame. Gusto kong mag-pinta.

Wala sa sarili akong tumayo at kinuha ang isang papel. Wala na ang paint brush at canvas ko kaya pagtitiyagaan ko nalang ‘tong papel at lapis.

Natatakpan ng bangs ang mukha niya dahil sa hangin. May nunal siya sa gilid ng mata at sa noo at mas nakapagdagdag ‘yun ng appeal niya.

He's holding a red envelope at seryoso ang mga misteryosong mata. Nakabukas ang isang button ng uniporme niya at may ballpen na nakasabit sa pocket niya.

Manipis ang labi niya at may matangos na ilong. May kaunti siyang balbas pero malinis pa rin siyang tingnan. Sa kanang tainga niya ay may nakasabit na isang earphone. Nasa bulsa ang kaliwang kamay.

Natigil ako sa pagguhit nang medyo malinawan ko na ang itsura niya. What the ef I am sketching Mr. Winston?

Gusto kong burahin ang ginawa pero napatitig ako bigla sa mga mata niya. I sighed. Inilapag ko ang drinawing sa lapag ng table. Kinuha ko muli ang papel nang may makalimutan. My penmanship.

By: Henzel Luque

I thought, ‘pag natapos ko na ang pagguhit makakatulog ako but I was wrong.

“Puyat na puyat?” Tumango lang ako at tumungo ulit. Ang sakit ng ulo ko pakshet.

Sa sobrang pag-iisip ko na baka nakilala ako ni Mr. Winston, hanggang alas-dos tuloy ay nagpagulong-gulong lang ako sa kama.

“To Mr. Daniel Winston, crush kita. From Red Envelope. Okay weird ang codename huh? Pero! Naks naman, ang dami yatang admirer ng presidente natin?” Umalingawngaw ang tinig na ‘yon sa paligid. Kanina pa sila announce ng announce, it's a confession booth though, karamihan puro Daniel ang bukambibig.

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now