Fallin'

1 1 0
                                    

Love is an art. It gives you aesthetic meaning; nevertheless most of the time, nostalgia feeling.

* *

Hindi katulad ng ibang love story ang storya na gusto ko. Masyadong cliché ang kilig. Paglipad ng paru-paru sa tiyan. Malakas na pagkabog ng puso.

I know in myself, I'm inlove in my craft, my masterpiece pero bakit ko ba nararanasan ang ayaw kong maranasan?

Tatlong araw matapos ang laro, we didn't win. Sila Daniel lang. I realize why they're competiting–for scholarship. Kaya bakit ko sila tatanggalan nun? I can see their determination.

“Zel!” Ang bola ay malapit ng bumagsak sa akin. Sorry.

Prrrrtt!!

Hindi tumama ang bola sa kabilang team. Hinayaan kong sa net lang tumama.

“Ayos lang ‘yan Zel.” Mika help me to stood up. Sinadya kong lakas ang pag-spike para hindi nila mahalata.

“Shit.” napatiim ang bagang ko. I am now serving.

Prrrtt!

Service error.

“Substitute!” Agad tumawag ng substitution si Coach. Kunot-noo niya akong tinignan.

“Nasa wisyo ka ba?”

“Oho.”

He heaved sigh. “Magpahinga ka na muna diyan.” Dahil sa pagkawala ko sa court mas nahirapan ang team.

12-20 Sila ang lead.

“Ayos ka lang?” Hindi ko namalayan na tinabihan ako ni Dane. Naka-tshirt na siya.

“Yup.”

“Here, uminom ka muna ng tubig.” Tumango ako at kinuha ang tubig sa kaniya. Nakita ko ang pag-uusap nila ni coach pero hindi na ako kumibo.

Nag-paalam akong mag-cr.

Tinignan ko ang repleksyon mula sa salamin. Sunod ang kamay kong may bandage. Ang pagod, practice.

Hinilamusan ko ang mukha at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa mukha ko.

Muntik ko ng masuntok ang taong bigla nalang akong inakbayan.

“Anong ginagawa mo?” Mula sa salamin ay nakita ko si Daniel na naka-tshirt na gray at medyo basa ang buhok.

“Kung ano ang nakikita mo.” Natahimik kami sandali, inalis niya ang braso niya sa akin at sumandal sa pader habang naka-cross ang braso at nakatingin sa akin.

May pimple ako sa ilong?!

Napasulyap ako sa ilong ko at tinignan ulit iyon sa salamin. Waaahh ang laki!!

“You're soft-hearted person. Mag-nu-nurse ka pa naman tss.” Nawala ang atensyon ko sa pimple at napatingin sa kaniya.

“Bakit? Anong masama doon?”

“Ang dali mong lokohin. You're so sensitive.” Napatikom ako ng bibig. Tama siya.

“You planned this, aren't you?” Kahit na naiintindihan ko kung ano ang pinupunto niya ay napatawa ako ng pilit.

“Anong sinasabi mo?”

“You can lie to everyone but not me. Nang marinig mo ang ‘scholarship’ nagbago ang isip mo na manalo. Sinadya mo ang net foul, outside, service error. I was looking at you the whole time.” Nabigla ako sa pagka-pranka niya.

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now