Because of.. me?

1 1 0
                                    

You'll never know unless you're interested.

* *

“Alcantara!” Ini-spike ko ang bola para hindi siya matamaan. Sabay kaming napadapa.

“Thanks.” Nauna siyang tumayo at tinulungan ako.

“Welcome.”

Three days nalang. Mas lalo kaming nag-pursige. I attend my class kanina sa boichem.

“Wow, Ms. Luque got the highest score followed by Mr. Ocampo.” Everyone clapped. Nginisihan ako ni Jane. Alam niya na tinuturuan ako ni Daniel.

“Magaling po kasi tutor ma'am!” Ngumiti lang si ma'am sa sinabi niya.

Bale, isang subject lang ang hindi ko ma-aattenan ngayon. I heard,  Bernard University ang kalaban namin–pati sa basketball.

“Roman!” Ti-noss ko ang bola kay Roman. Lahat kami nag-gigive way sa iba. Marami na rin ang band-aid sa kamay ko na hindi ko naman na pinansin.

Natapos ang practice nang mag-3 na ng hapon. Nagpahinga muna ako bago magpasyang maligo. Sobrang alinsangan rin, pati nga ang iba sa amin naligo rin.

Hinayaan ko lang na bumagsak ang buhok kong medyo mahaba.

“Bakit ganun? Ang ganda ng buhok natin tuwing bagong ligo?” ani Lopez. She has a point pero ayoko ng alamin pa ang sagot. Sumasakit masyado ang ulo ko.

Nauna na akong umalis bitbit ang bag at hindi ko inaasahan na makakasabay ko pala ang mga varsity player ng basketball.

“Ms. Artist!” Nginitian ko si Dane. Basa ang buhok niya, marahil sa pawis.

“Mr. Winton, Ms. Luque, pinapatawag ho kayo sa D.O” Napatingin silang lahat sa amin. May kumurbang ngisi sa labi ni Montes pati na rin sa iba.

Si Dane naman ay ngumiti ng pilit at kumaway sa amin nung sabay kaming umalis.

Nakasunod lang si Daniel sa likod ko kaya humarap ako sa kaniya. Prehas kaming natigilan dahil muntik na naming mabangga ang isa’t-isa.

“Why?” Tanong niya nung humarap ako.

“Sumabay ka sa akin mag-lakad, feeling ko spy ka na nakasunod sa akin.” He sigh. Sumabay na rin siyang maglakad.

“Mabigat ba ‘yan?” Tanong sa bag niya. ‘Yung pang-basketball player. Basta hindi ko alam tawag.

“Wanna try?” Pinanliitan niya ako ng mata. Umiling agad ako.

“No thanks.”

Tahimik naming narating ang D. O.

“Have a seat,” Gaya ng sabi ni dean, naupo kami.

“Kamusta ang pag-aaral?”

“Okay lang po,” ani Daniel. Nagdadalawang isip tuloy ako kung nag-aaral ba ako ng mabuti o? “Pati rin ho siya.” Napatingin ako bigla sa sinabi niya.

“Good. So anyway, kaya ko kayo pinatawag dahil nagustuhan ni Mr. Ramos ang painting niyo.” Napakunot ang noo ko. Hindi ako nag-paint.

“Uhm, dean baka ho nagkakamali kayo. Hindi po ako sumali sa contest. Ano hong painting?”

“Alicia, pakikuha ng mga canvas.” Nilapag ng secretary ni dean ang dalawang painting sa harap namin.

Yung painting ko–kami ni Dane na sumasayaw. At painting ni Daniel.

Nasabi ng isang estudyante na ikaw raw ang nagpinta nito.” Hindi ako naka-imik.

“Gusto sana ni Mr. Ramos na kunin kayo para sa engagement party nila. Ang magkasintahan na ‘yon ay mahilig rin sa pagpipinta. Pero labis niya talaga kayong hinangaan kaya personal siyang lumapit sa akin. Nais niyang iguhit niyo silang mag-kasintahan–in exchange hindi ko pa alam sa kanilang dalawa.”

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now