Lost

1 1 0
                                    

It's not about it's physical appearance. The feeling itself.
* *

They're busy creating their masterpiece. Unti lang ang nasa artroom but some students are taking a look as they passed by.

The judge were sitting on the left side. Kanina pa bumubuntong-hininga si Jane. Badtrip talaga siya kay Jane. I wonder, si Daniel pa rin ba ang pinipinta niya?

It's been 1 hour. May ilang medyo patapos na. I can't clearly see their piece dahil medyo malayo kami–to avoid distraction daw.

Kami lang ni Jane ang narito. Wala sina Diane at Tyron. Absent si Tyron, busy naman si Diane sa pag-aayos ng test papers sa office ni Ms. Serna.

“Mom! Sasali ako ng contest.” Hindi niya ako tinapunan ng tingin but I saw her smile.

“Good. Aim the first spot.” Agad akong tumango. I'm so determined to aim the first spot.

“Ms. Martha, sige na po!” Naiiyak na ako. Paano ba naman kasi, kompleto na raw ang participants.

“Sorry hija.” Magdamag akong nakakulong sa art club. Lahat sila kasali, lahat ng members, nakakatawa lang dahil para akong na-left behind kahit hindi naman. I just focused on creating my craft. Ginamit ko ang imahinasyon ko. Ang emosyon, ang bawat pagdampi ng brush ko sa canvas.

Until I found myself looking at that girl.

Ang nasa paligid niya ay napakanda. Parang nasa isang paraiso kumbaga ngunit siya–ang babae mismo sa larawan ang nagpapasira non. Napakalungkot ng awra.

Kung titigan mo ang nasa paligid niya ay mamamangha ka. Para kang nasa ibang mundo ngunit ‘pag tumingin ka na sa kaniya, parang Mag-hahalo halo ang emosyon mo. Masaya. Malungkot. Depressed. Lively. Bitter. Sweet.

Kinuha ko ang canvas para sana itapon sa labas pero.

“Ang basura, nagpipinta na naman.” Napatingin ako kay Kate. Siya ‘yung babaeng naka-braid na taga section 4.

Nagulat ako nang tapunan niya ng juice ang canvas. Nasira. Wala na ang halo-halong emosyon. Iisa nalang ang iisipin ng mga taong makakakita nito. Basura.

“Hindi ka sumali? I thought you're competiting? Sinira pa niyang kamag-aral mo ang gawa mo at hinayaan mo lang?! Look at these! Basura! Hinayaan mong ganituhin niya ang gawa mo?” I was hurt. Hindi ko hinayaan, kusang nangyari. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Akala ko aaluhin ako ni mom, but it didn't happen. Mas pinag-mukha niyang basura ang gawa ko.

That day when I decided to stop my...passion.

I'm sensitive as fvck.

“Teh, hindi ka okay.” Napabalik ako sa reyalidad. Tapos na? I saw them looking at me in a pitiful way. Si Julia na mataray, nagtatakha akong tinignan. Apat lang kaming nandito. Wala na ang judge.

Pati si Daniel nandito. Nakatitig sa akin. Parang binabasa niya ang iniisip ko.

Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha ko kaya natataranta ko ‘yong kinapa.

“T-tara na. Congrats.” Huling wika ko bago hilain si Jane palabas.


World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now