Moon

1 1 0
                                    


Nagtakha ako nung palabasin ako ni manang nang akma akong papasok.

“Hija, umalis ka muna.” Ngumiti siya ng pilit. Eh??

“Sige na hija.” Napakamot ako ng ulo bago bumuntong hininga at umalis. Bakit ba ako pinapaalis ni manang??

Sabi ko papasok ako ng school but then I choose not to. For some reasons. But now I don't have a choice, may 30 minutes pa. Papasok nalang ako. May uniform pa naman ako sa locker.

“No uniform?” Agad akong hinarang nung guard.

“I'm a student po, may uniform ako sa locker.” Tinignan niya ang I.d ko bago ako papasukin.

I wore my uniform bago tahakin ang room.

“Muntik ka ng ma-late.” Salubong agad sa akin ni Jane.

“Dapat nga hindi ako papasok eh.” Binatukan niya ako.

Hinampas ko naman siya sa balikat. “Aray naman!” Sadista talaga ‘tong babaeng ‘to tss.

“Bukas na ang finals tapos aabsent ka pa? Tss! Well anyway, tutulungan kita sa susuotin mo!”

“Susuotin??”

“Duh sa date niyo ni Daniel!” Agad kong tinakpan ang bunganga niya. Nakakain ba ng mega phone ‘to?

“I'm not sure if I'm going.”

“Bakit naman?”

“Birthday nung kaklase ko nung highschool, si Mia.”

“Ba naman ‘yan!” Napangiwi ako. Mas disappointed pa siya sa akin. Wews.

Buong oras ay pinokus ko nalang ang isip sa pag-aaral.

“Ay puting balbon–Dane?!”

“Shh.” Napatikom ako ng bibig nung suwayin ako nung isang estudyante.

“Nakakagulat ka.” aniko sa mahinang boses. Natawa naman siya ng mahina.

“Sorry.” Halos pabulong niyang sabi.

“Ano nga palang ginagawa mo dito?” Ngumiti siya at may kinuha sa bag na kung ano.

“Here's my present.” Inabot niya sa akin isang keychain na pa-canvas at may nakapintang...

Ich liebe dich

“Anong meaning nito?” Nagkibit balikat lang siya.

“Aalis na pala ako, aral mabuti!” Ginulo niya ang buhok ko at agad umalis. Tinitigan ko naman ‘yung keychain. Anong salita ‘to??

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising nalang dahil may tumutusok sa pisngi ko.

“Ano ba yan eh.” Mahinang inis na aniya ko.

“Haha. Ms. Luque, magsasara na ang library.” Napabalikwas ako ng bangon at nilingon ang paligid. May dalawa pang estudyante.

“Harry??”

Ngumiti siya. Gulat nung sinabi ko ang pangalan niya. “Kilala mo ako?”

“Yup, nasabi ng kaklase ko.”

“I see, mauuna na ako Ms. Luque. Napadaan lang talaga ako rito nung makita kitang natutulog.” Laking pasasalamat ko kay Harry nang gisingin niya ako. Inayos ko na ang mga gamit at nag-inat inat habang binabagtas ang daan patungong waiting shed. Hindi sumabay si Jane sa akin dahil may importante raw siyang gagawin. Weird.

Nang tumigil ang bus sa harap ko ay agad rin akong sumakay. Katabi ko ang isang babaeng may anak na tantsa ko ay 4 years old?

Nakatingin ito sa akin kaya nginitian ko siya.

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now