Are we dating?

1 1 0
                                    

From Daniel:

Hindi ka makakapunta? Same. Maybe some other time.

Bumuntong hininga ako it's Sunday. We supposed to have a date–teka bakit nga ba kami mag-da-date? I don't know pero nag-suot lang ako ng simple dress dahil may pupuntahan ako.

“Naks dalaga!” Napairap ako kanila kuya. Mga walang magawa sa buhay!

I drove my car at agad akong nakarating sa venue.

Napangiwi ako dahil may mga media na naman pagkapasok ko.

“Tita Meds!” Agad kong tinawag ang mommy ni Mia. Saktong paalis na rin ang kausap nito.

“Hija!” Hinalikan niya ako sa pisngi at ganun rin ang ginawa ko.

Napalinga ako sa paligid. “Nasaan po si Mia?”

“Nasa garden, nandun rin ang mga kaklase mo.”

Tumango ako at nagpaalam. Si tita Medina ay nakilala ko noon noong nag-groupings kami sa mansyon nila Mia. Ka-sosyo rin siya ni mom, that's why medyo close kami.

Mula sa malayo ay tanaw ko na agad ang iilan. I wonder, ano kayang itsura ni Jane kapag nakita ako? Haha.

“Andiyan na pala ang bestfriend ni Lastimosa.” Napatingin silang lahat sa akin. Ang gaganda nilang tingnan!

“Waaahhh!!” Agad akong niyakap ni Jane kaya nagtawanan sila.

“Hoy Roderick! Anong tinatawa-tawa mo d‘yan?!” ani Jane at sinapok ito.

“Mas lalo kang naging pandak nung tumabi ka kay Luque.” Pinaghahampas ni Jane si Valenzuela kaya nagtawanan kami.

“Be!!” Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko sila Bianca. My former members. Mga kasama ko noon sa arts club.

“Instant reunion ba ‘to? Hahaha.” Nagtawanan kami sa sinabi ni Paulo, joker sa room namin.

“Beh, sumali kami ng team sa Cagayan para sa painting contest, gusto mong sumali??” aya ni Pres.

“Naku, baka magbakasyon kami.”

“Ganun ba? Sige next time huh??” Ngumiti lang ako.

“Guys, tara pasok na tayo sa loob.” Sinundan lang namin si Mia.

“Z! Kainis talaga ‘yang Roderick na ‘yan! Bakit ko ba ‘yan naka-pareha ng school? Tsk!!” Pag-aalburuto ni Jane habang nakahawak sa braso ko.

“Fate siguro?”

“Ew ha!” Natawa lang ako.

Naupo kami sa gitnang table, siguro ay mga otso lang kaming nakapunta sa batch dahil nag-tatake pa ng exam ang iba.

“I'm not really into this. Hindi ako mabonggang tao. I'm contented celebrating my birthday with my families and friends. Pero napaisip ako, isang beses lang sa isang taon ako mag-celebrate ng birthday kaya why not lubos-lubusin? Haha. Thanks to my mom, na nakaisip ng lahat ng ‘to. To my dad na lumipad–not literal haha talaga rito para makasama kami. To my friends out there! It's been years pero ganun pa rin ang ambiance tuwing mag-kasama tayo. Thanks to all na nakapunta. I'm really glad, sana mag-enjoy kayong lahat. Thank you.” Nagpalakpakan kaming lahat matapos magsalita ni Mia.

Nagpatugtog sila ng kung ano at may iilang mga businessman na nakikipag-sosyo rito.

“Zel, ‛diba marunong kang mag-piano? Tugtugan mo naman ako!” ani Mia at nginitian ako. Yeah, I learned playing piano noong bata ako, si lola–mama ni papa, ang nagturo sa akin. Nalaman lang naman nila na marunong ako nung wala na kaming choice at may sakit ‘yung mag-paplay ng piano sa play namin. As a walang dulot, nagpresinta na ako. Yeah, wala akong dulot noong panahong iyon.

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now