Actions

1 1 0
                                    

“I-I didn't pass?!” Halo-halo ang emosyon ko. I didn't fvcking passed the exam!

Alam ko sa sarili ko na marami akong nasagutan na tama. How is that possible?!

Nagpunta ako ng Dean office at nagtakha naman si dean nung pumasok ako.

“Sorry ho. Pero gusto ko pong makita ng answer sheet ko at ang answer key sa exam.”

“Hija hindi pwede–”

“Dean I didn't passed! Bakit ho ganun? Nag-review ho ako ng ilang buwan, alam ko hong marami akong tamang nasagutan.” Napahimas siya sa noo.

“Oh sige, ipapa-scan ko ulit ang papers mo.”

“Salamat ho!”

Wala sa sarili akong naglakad sa campus. Nakapasa ang karamihan sa amin maging si Jane.

“Teh, alam kong hindi ayos ‘yon. Hintayin nalang natin papers mo. Alam ko namang ginawa mo talaga best mo eh. Mas masipag ka pa nga sa akin mag-aral.” Inabot sa akin ni Jane ang panyo niya. Naiiyak ako pakshet. Lahat ng pinaghirapan ko nawala ng ganun nalang?! Ano ng sasabihin ni mom?! Pinayagan na nga niya akong mag-take ng Bsn basta makapasa ako tapos ganito pa nangyari? Shet!

Umiyak lang ako hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng kung sino. Inangat ko ang tingin sa kaniya.. Daniel.

Seryoso siyang nakatingin kung saan. Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Pinahid niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

“I don't know what happened. But I'm here.” Hinalikan niya ang tuktok ng buhok ko. Sana all.

“Why are you laughing?” Tanong niya.

“S-sana all. Sana all ganiyan. Ang sweet mo ah? Hindi halata na may ganiyan kang side.” Pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Stop pretending you're okay when you're really not.”

“Hindi naman ako nag-pepretend ah? M-masaya talaga ako.” aniya ko at suminghot. Inayos niya ang buhok kong nililipad at tinalian ‘yon.

“H-hindi ako pumasa.” Nakangusong wika ko. Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

“K-kinausap ko si dean. Sabi niya, ipapa-scan niya ulit. Bakit ganun? Alam ko nasagutan ko naman ng tama ‘yon lahat?” Nanatili siyang nakikinig.

“‘Wag mo nga akong yakapin! Pda tayo ew.” Ngumisi siya ngunit hindi pa rin ako binibitawan.

“Told you. I'm serious about asking you to be my girlfriend.” Nailang naman ako. Ang vocal niya kainis!

“Bakit mo nga pala ako binigyan ng moon necklace noong birthday ko?” aniya ko at kumalas na ng yakap. I somehow feel better.

“Hmm.” Hmm? Lang? ‘Yon lang sagot niya? Kagaling.

“What does moon symbolizes for you?” Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to. Binalik sa akin ang tanong.

“Uhm nagbibigay liwanag sa gabi?” Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

“Exactly.” Huh? Ano daw?

“You don't get it do you?” Pinisil niya ang pisngi ko. “You're always lighten my mood through the darkest side.” Napanganga ako at natawa naman siya.

“You made me fall by your beauty. All over again.” Natigilan ako ngunit natawa rin ng awkward.

“A-ano ‘yan? Nag-coconfess ka? Haha–”

“If that's what it looks then maybe?” ahsfdhsgs!!!!!

Para iwasan ang awkwardness, napalingon ako sa likod niya. Saan nagpunta si Jane?

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now