Sweat

1 1 0
                                    

Ano nga bang ginagawa ko rito?

“Ayos ba?” Si Mika. Natuwa siya nang malamang part na ako ng team. Hindi muna nila ako pinaglaro at pinanatili lang ako sa bleachers para manuod. Sabi ni Coach, obserbahan ko raw muna ang team. Kanina lang, sinukatan na rin ako ng jersey. Luque, 14.

“Yup. Ang galing.”

Uminom siya ng tubig at hinila ako papunta sa kabilang court. “Panuorin natin basketball team!” Sumunod ang ibang ka-team namin para manuod. Agad naman kaming napansin ni Coach Ty.

“Tapos na kayo? Very good.” Actually, malaki-laki ‘tong gymnasium. Parang venue lang ng mga nag-coconcert, ganun kalaki.

“Nuod kami Coach ah?” Hinayaan kami ni Coach. Masasabi kong seryoso talaga sila sa pag-papractice. Wala akong alam sa pagbabasketball pero laging 3-pointer si Daniel.

“Ang galing! Swerte natin napapanuod natin practice nila!” dinig kong komento nung isang ka-team namin. May ibang nag-checheer sa mga players na hindi ako pamilyar.

“Ms. Artist! Para sa‘yo ‘to!” Napangisi ako nung nag-dunk pa si Dane. Kinutusan siya agad ni Montes pati ni Galves.

“Naks, kilala mo si Velasco?” ani Mika at kinapitan ako sa braso.

“Yup. Hindi naman ganun ka-close.”

“I see, masyado talagang jolly ‘yang Velasco. Feeling close.” Natawa ako sa sinabi nito. She's kinda right though.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at pinicturan sila. Number 11 is laughing, number 2 is preparing to shoot the ball, number 5–which is Dane is pouting, number 21–Montes placed his hands on his waist, number 14–which is Daniel, is looking at my spot–wait.

Unti-unti kong ibinaba ang cellphone at hindi na siya nakatingin. Diretso siyang naka-pokus sa ring.

Kinabukasan, kasama na rin ako sa pag-papractice. Medyo nag-aalangan pa ako dahil may quiz kami ngayon, good thing dahil medyo nakapag-review ako kagabi.

“Zel!” Ti-noss ko ang bola papunta kay number 8 at pinasa niya ‘yon sa kabilang side. 3 over 3 lang kami. Sabi ni coach, ‘wag naming i-pressure ang sarili at mag-enjoy lang. Up until now, wala pa rin ‘yung totoo naming coach. Hindi rin sigurado si Coach Ty kung kailan siya darating.

“Ayos. Kitatiks nalang mamaya!” Parehas kaming nag-iba ng daan matapos magbihis, kinuha ko ang panyo sa bulsa pero mukhang naiwan ko pa yata sa locker. Hassle.

Wala akong nagawa kun‘di bumalik ako sa baba. Pawis na pawis ako. No choice.

“Class hours na, here.” Nagulat ako at napatigil nang may isang panyong sumapok sa mukha ko. Agad ko ‘yung tinanggal, I saw a man running–oh shet! Alas dos na!

“Thanks!” Buong lakas kong sigaw, alam kong hindi naman niya ‘yon narinig. Marahil naka-akyat na siya.

Kinapitan ko ang panyo at agad tumakbo pabalik ng room. Kulay black ‘yung panyo at sobrang lambot. Saan kaya ‘to nabibili?

“Good afternoon.” Naalerto kami sa pagpasok ni Prof.

“Quiz number 3, 1/8 paper.” Maraming naguluhan pero agad kumilos.

“Sa harap, ilagay ang malaking pangalan. Section. Subject. Quiz number.” Agad kaming sumunod.

“Number 1, three major groups of parasites.”

Sobrang liit ng pagkakasulat ko sa Protozoa, Helminths, and Arthropods. If I know, kung makapag-quiz ‘tong si ser wagas.

“Number 2!” Maraming may gustong umangal. Aral pa more.

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now