Didn't make it.

1 1 0
                                    

Hindi ko na sinundan pa si Daniel, bumaba na rin ako ng kotse nang makababa si Zel.

“Good afternoon, Doc.” Marami ang bumati sa akin–I mean sa kaniya.

Ang amoy ng hospital ay talagang napaka-familiar.

Pinanuod ko lang ang sarili ko na operahan ang isang pasyente. Ganito kaya ang buhay ko ‘pag hindi ako naging anak ni mom? Should I be happy? Swerte pa rin ang pamumuhay ko rito dahil may magandang trabaho, may nobyo, mga kaibigan at simpleng pamilya. Yup, simple lang ang pamilya ko rito. Hindi ganun kahirap pero masasabing may kaya.

Proud ang mga magulang ko sa akin dito. I even pursue my passion here.

I should be glad dahil mag-kaiba man ang mundo ko parehas pa rin akong maswerte–maswerte nga ba?

Kung pipiliin ko ba ang buhay ko rito, hindi na ako magiging invisible? Hindi kaya ako magsisisi? There still part of me na gusto ang present life ko. For unknown reason.

“Successful na naman, congrats doc.” Napakasaya siguro sa pakiramdam na tawaging Doc.

“Thanks Alf.” Lumabas na siya ng O. R kaya sinundan ko muli siya.

Wait–bakit ko ba siya sinusundan? Hindi ba dapat mag-stay lang ako sa secret room para makabalik agad ako?

“Nurse, pakidala naman nito.” Hindi ko na siya pa pinansin at agad nagtungo sa secret room. 2025, baka mas maayos na ang machine!

Na-eexcite kong binuksan ang pintuan at...

Bakit.

W-wala na sila Kira?

Malinis. Walang bakas na kung ano rito. Wala na rin ang time machine.

Dismayado akong umakyat paitaas.

“Hi, boyfriend mo Doc? Nice catch.” Napatingin ako sa kausap ko. It was Jane! Kasama ang hindi pamilyar na tao. Wait–I thought sila magiging sila ni Dane??

“Yep, si Calvin.” Matangkad siya, singkit. Kahawig niya ang pininta ko noon, ‘yung babaeng doctor at ‘yung lalaking singkit.

“Ingatan mo siya pre. Kung ayaw mong turukan ka niyan ng syringe.” Maski ako ay natawa sa sinabi ko. The heck.

“I won't Doc.” Nakangiti ani nung Calvin.

“Paano, mauna na kami Doc Luque.”

“Sige, ingat doc!” I was surprised. Kaibigan ko ba rito si Jane?? Kung tatanungin, mas makulit si Jane sa present life ko. It's not her usual thing.

“Ang bagal mo!” Napalingon ako sa paligid matapos mawala ang hilo. I checked my calendar. 2020. Shet isang taon lag ang lagpas ko!

Nag-jojogging ako kasama si Dave. Pinunasan nito ang pawis ko at binigyan ako ng tubig. Cringy.

“Why don't we go for a vacation?” ani Dave habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay niya. I hate it when someone's touching my hair.

Next month na.” Napangiwi si Dave.

“Kakasimula palang ng buwan ng Mayo babe. Four weeks? Nah, you're driving me crazy.”

“Hahaha. I love my patients.”

“Yeah, I can see that. Pero ‘wag mo namang pagurin ang sarili mo. Alright?” Bahagya pa niyang kinurot ang pisngi ko. Geez.

Year 2015.

“Everyone, please welcome the birthday celebrant, Ms. Fiah Luque!” Lahat nagpalakpakan. Nasa mansyon kami, magarbo ang disenyo ng paligid.

World Without Me (C.m.p.l.t.d.)Where stories live. Discover now