Princess's pov
Maaga pa lang ay handa na akong pumasok. Its 6:00 am. I already ate breakfast and all. I'm basically trying to find things I could do to past time. Kinakabahan din ako ngayon for unknown reason. My gut is trying to tell me something but I couldn't figure it out. I was wake until 3 in the morning thinking what could it be. I'm surprised I still woke up pretty early.
I decided to read books. Kahit naman matalino ako sa Math di ibig sabihin nun na magaling na ako sa lahat ng subject. Mahilig lng talaga ako magsolve at magbasa ng mga libro. Kung sa tingin nyo eh matalino ako, sus, wala akong laban kay Kath na ni minsan di ko nakitang humawak ng libro.
Napatingin naman ako sa side-table ko ng tumunog yung cellphone ko. Si Julia tumatawag. Aba! Ang aga ata nagising ng isang toh! Ibinaba ko muna ang libro ko at kinuha cellphone.
Sinagot ko ito agad at ni-loudspeaker. Wala naman ako kasama dito sa bahay ko eh. That's right. I have may own house.
"Oh? Problema mo?"
"Gising ka na ba?"
"Hindi pa Julia! Tulog pa ako. Kaya nga kita na sasagot kasi tulog ako diba? GAGA!" Wala ding common sense tung babaeng to eh.
"Hahahaha! Sorry naman. Napakahighblood mo talaga. Anyways punta ka sa Main office natin by 6:45 am. May gustong sabihin sina Chief Amanda at Cristopher. Magmotor ka na lng. Paunahan tayo sa school mamaya. Hahaha! Bye!" Ani nito at binabaan ako.
Ang galang nito ah!
Since wala naman akong ginagawa, pupunta na lang ako doon. Ano kaya ang gusto nilang pag-usapan?
___________________________________
It was 6:25 am ng marating ko ang main building namin. Pinakita ko naman sa security ang i.d ko. Nag-bow pa ito bago ako pinapasok. The building was quiet yet busy. Maraming nagmamadali habang may dala-dalang mga folders. Mukhang may bago na namang mission. I smirk at the thought.
Dumertso ako sa elevator at hindi pinansin ang mga matang nakatingin. This is a 102 storey building. That's because they skipped 13 and just went straight to 14. The highest floor is reserved for, the best undercover agents. In short, reserved para sa amin.
Lahat ng napapadaan ay napapayuko kapag nakikita ako. Kita ko pa ang paghanga nila sa kanilang mga mata. Di ko nalang sila pinansin at pumasok sa elevator at pinindot ang 101th floor button.
Ilang minuto ang hinintay ko bago marating ang 101th floor. Agad ko namang tinungo ang main office namin. Dito kami binibigyan ng mga misyon.
Agad kong binuksan ang pintuan. Nagulat pa ako ng makita na yung dalawa, si Julia at Stella. Ako na lng pala kulang. Ang aga pa ah! Akala ko pa naman ako yung mauuna. Masyadong ding excited tung dalawa eh.
"Goo-"
Naputol ang sasabihin ko ng may dalawang lumipad na kutsilyo patungo sa akin. Agad ko naman itong nailgan ng walang kahirap-hirap. Sinamaan ko ng tingin ang mag-asawa.
"Nice to see you again, Agent Yasmin!" Chief Amanda beamed, as if she and her husband just didn't threw knives at me. She's 45 years old but she looks like she's in her twenties.
"Nice reflexes. Buti naman! Kundi masasayang yung pagtra-train ko sayo. " Nakangiting ani naman ni Chief Cristopher. Ma'am Amanda's husband. Both of them are in their forties but they look like teenagers. Pwede pala yun? Sana everything.
"That would never happen." I smirked at them and sat beside Stella. They both smiled at me na tinanguan ko lang.
"Now that the best Agents are now here, let's talk. Its been a while since I last talked to you."
YOU ARE READING
Protectors of the Campus Royalties
Teen FictionApat na babae ang papasok sa Zyxatious Academy para maisagawa ang ang isang misyon. Protektahan ang Hari an ang mga Prinsipe. Would they be able to protect them? Or Would the enemies claim victory? Plus, what if Cupid decided to play around with t...