Chapter 18 - Lose-Lose Situation

250 11 0
                                    

Princess's pov

"Jan sa 57th Avenue Cess." Agad akong lumiko habang tinitignan ni Julia ang daan kung saan pumunta ang subjects namin. Gamit namin ang sasakyan ni Stella. Buti na lang nagdala ng sasakyan ang isang toh.

Huwag na kayong magtaka kung bakit pwede na kami mag-drive. Benefits of being an agent.

"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Stella na hanggang ngayon ay walang kaming mahanap na sagot.

Pinark ko ang sasakyan sa madilim na parte nang lugar. The place is secluded. Ni isang sasakyan wala kang makikitang dadaan. Nasa liblib nakatayo itong mansion na pinasukan ng subjects namin.

"Tara, doon sa bintana."

Agad kaming bumaba at kinuha ang sariling baril. Dahan dahan kaming lumapit sa malaking bintana ng mansion. Nauna maglakad si Kath habang nasa likod naman ako at tinitingnan ang paligid. May mga guwardya sa harapan pero di naman kami nakikita dahil sa may bandang likod kami pumwesto.

Habang papalapit kami ng papalapit sa bintana ay lumalakas ag mga boses. Nakabukas kasi ang bintana kaya kitang kita at rinig na rinig namin ang nangyayari sa loob. Buti naman sa first floor lang sila.

Nakita namin sina Felix na nakaupo pabilog sa dining table at may isang babaeng nakatayo patalikod sa amin. May katangkaran yung babae at may blond na buhok. Sino toh? Alam kong may kapatid na babae si Zion pero sa pagkaka-alala ko kasing itim ng uwak ang buhok non. Yung tatlo naman walang mga kapatid na babae.

"So, have you studied her profile?" Tanong nung babae. Profile? Nakita kong tumango si Kaleb.

"Good. You know what to do. Make sure you do it right this time." Tumango silang apat at tumayo na. What is happening?

"If anyone gets in the way, by all means, do what you want."

"Don't mess it this time Royalties." May diin na pagkakasabi nung babae.

Agad kaming tumakbo pabalik sa sasakyan ng lumabas sila at tumungo sa sasakyan ni Giovanni.

Tahimik lang kami habang sinusundan sila. Papunta na ng school ang tinatahak nilang daan. Medyo malayo layo kami para di naman kami mahalata.

"Sino kaya yung babae? Kapatid ba yun ni Zion?" Nakita ko ang pag-iling ni Kath. Well, she knows more than any of us. Plus, may kinalaman sa subject niya yung pinag-uusapan namin.

"It doesn't make any sense if it was Zion's younger sister. That woman back there is way too tall. And plus, Zabrina's hair is pitch black."

"Baka nagpakulay ng buhok?" Di naman imposible na nagpakulay ng buhok yung batang kapatid ni Zion diba?

"Maybe, but I'm 99% sure that it wasn't Zabrina." Tama din naman kasi siya. Medyo maliit kasi si Zabrina, yung kapatid ni Zion, kaysa doon sa babae kanina. At base sa information tungkol sa Anderson's, medyo boyish si Zabrina. Eh yung babae kanina nakasuot ng sobrang iksi na palda na halatang kinulang sa tela, naka-heels at naka crop top.

"But that's not our concern," She paused and sighed.

"My question is, what were they talking about? What profile? Who's profile did they study? And why would they need to study someone's profile?" Walang sumagot.

Doon pumasok lahat sa utak ko. Sino yung tinutukoy nung babae kanina? May di ba nasali doon sa impormasyon na ibinigay sa amin tungkol sa subjects namin? Why do I feel like something's missing in that information?

"Bakit feeling ko may tinatagong malaking sekreto ang royalties?"

"Dapat ba nating alamin o hahayaan na lang?" Aniya ni Julia. Huminto ako dahil red light at tiningnan ang direksyon ni Kath. Malalim siyang napabuntog hininga.

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now