Chapter 10- Be part of the Royalties

288 10 0
                                    

Julia's pov

"Long time no see agents." Bulong ni Deniel. He's Deniel Williams. An agent as well. He specializes in hacking. Magsasalita na sana ako ng may biglang umupo sa tabi ko at umakbay sa akin. Agad kong tiningnan kung sino ito. Napairap na lang ako ng makita kung sino ito.

"Yow wassup troublemakers." Ani ng lalaking umakbay sa akin. Denver Williams, twin bother ni Deniel, he specializes in hand guns.

Mas matanda si Deniel kaysa kay Denver. Magkamukhang magkamukha ang dalawang toh, kaya mahihirapan ka talagang ibahin sila sa una. Pero katagalan, mapapansin mo ang pagkakaiba ng kanilang ugali. Deniel is so much mature than Denver who is childish. Agad ko namang hinawi ang kamay nito. Feeling close ang abnormal.

Umupo naman si Deniel sa tabi ni Cess. Nakalimutan kong dito din pala nag-aaral ang abnormal na kambal. Magkaka-edad lang kami.

"Galing niyo din ano? First week palang ng school sikat na sikat na kayo." Nang-aasar na ani Deniel at kinain yung donut niya. Umirap naman ako. Ang bilis lumipad ng balita ah.

"Matagal na kaming sikat noh." Maarteng ani ko. Tumawa naman yung dalawa.

"Anong ginagawa niyo daw sa royalties room? May narinig akong mga bulungan na may nakakita daw sa inyo sa library ng royalties." Ang dami talagang mga chismoso at chismosa dito sa school ano?

"Wala kaming section remember? Dun daw muna kami sabi ng Dean until mapasa namin yung examination sa Monday. What's the big deal of being in the royalties room anyways?" Bored na sabi ni Stella.

"That room is for the Royalties. ONLY for the royalties. Anong ine-expect niyo? Syempre pag-uusapan kayo. Royalties ba kayo?" Sagot ni Denver. Napasimangot na lang ako. Lahat na lang ginagawang nilang big deal. Tumahimik muna kami at kumain.

Deniel and Denver are our childhood friends. Like us, they've been trained since we were 10 years old. And we grew up together, magkakaibigan din kasi ang mga magulang namin. Nagkahiwalay lang dahil sa mga misyon. Naputol ang katahimikan ng magsalita si Kath.

"Hey TWINS, why aren't trying out for our team?" Nabaling yung tingin naming lima kay Kath na hindi inaangat ang tingin. She was busy looking down at her food. Di naman agad nakasagot si Deniel.

Napa-isip naman ako sa tanong niya. Our building is divided into three groups. The the lowest group are the trainees or beginners. They received easy missions. They are trained by Chief Amanda and Cristopher and us. The middle-group, sila yung may karanasan na at nakakatanggap na ng mas mahihirap na misyon.

And lastly, our group. We are the strongest out of all agents. The four of us are stronger than most males, believe me. The twins right now are in the middle-group.

Of course, every mission comes with a price and a payment. Sahod kumbaga. The harder and longer the mission is, the bigger the payment is. But we really don't care about those things. We do this job because we chose to and we love it.

Every mission we complete, we receive a gold pin as a reward. Kaming apat, marami na kaming na collect na pin. Yung dalawa din marami na pero mas marami yung amin.

We have:

Kath- 628 pins

Cess- 598 pins

Stella-592 pins

Me- 587 pins

Xavier- 501 pins

Lucas- 559 pins

Deniel- 460 pins

Denver- 460 pins

Laging magkasama yang kambal, kahit pagdating sa mga misyon.

Chief Amanda and Cristopher made a rule that if you accumulated more than 300 pins, you are required to join the highest group and train the trainees. The twins are the only ones who have that many pins who hasn't tried to join our team. They wanted to get stronger and better first before they join our team.

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now