Chapter 20- Moments

268 14 2
                                    

Princess' pov

"So dito gaganapin ang event?" Inikot ko ang paningin at sinuri ang bawat sulok ng venue. May malaking stage sa harapan at may mga nakakalat na musical instruments doon. The hall is humongous yet it looks so empty. Sabi kasi ni Zion na di ito masyadong nagagamit dahil sobrang mahal ang rent nila dito. Usually sila lang ang mga gumagamit.

"Ano bang color theme ang gusto ni Mr. Gonzales?" Tanong ni Julia habang naglalakad papalapit sa stage. Pagkatapos namin magikot-ikot ay dumertso kami dito. It's already 2 in the afternoon kaya tirik na tirik yung araw. Magpapalamig muna kami hanggang sa di na masyadong mainit.

"Mr. Gonzales wants us to choose. Tayo na raw bahala sa lahat." Ani ni Kaleb na ikinatango ni Julia.

"We could do purple and gold." Julia suggested. Mahilig kasi si Julia pagdating sa mga ganito. She is the perfect option when it comes to celebrations and parties.

"That'll do. Also, can you guys do us a favor?" Zion looked at us.

"Sure. What is it?" Kath answered. Wow. Ngayon ko lang napansin na di na masyadong tahimik si Kath. Well, when it comes to Zion anyway.

"Could you maybe perform? Sing or dance?" He asked at mukhang naiilang pa. Perform?

"Pwede naman. Pero kailangan ba?" Tanong ko. Kung di naman required bakit pa? Tinatamad ako eh. At tska, baka isipin ng mga estudyante na masyado kaming nagpapasikat.

"Not really. Gusto lang namin makita kayong mag-perform. At para naman may konting entertainment. For sure, mababaliw sa inyo ang buong school." Nakangiting ani ni Felix. I sighed. I don't really mind. Matagal tagal na rin naman nung last kaming nakapagperform sa harap ng maraming tao. And I actually miss it.

"Sure! Basta ba magp-perform din kayo." Natigilan sila sa sinabi ni Stella at mukhang nagda-dalawang isip. According to their profiles, this four gorgeous men can sing and dance. So why not put it into the test? Girls for sure would go crazy. Well except for us.

"I don't know..." Natawa kaming tatlo sa reaction nung tatlo, Si Kath naman napangiti! Si Kath ngumiti! OMG! Once in a blue moon lang to mangyari.

"Sige na! The more the merrier!" Pagpipilit pa ni Stella. Ako naman dali-daling kinuha ang cellphone at pinicturan si Kath. Agad ko rin namang itinago ng makakuha ng isa.

"Sige na nga." Labag sa loob na sagot ni Giovanni. Napangiti si Stella sa sagot ni Giovanni.

"Let's go and sit down and talk about the preparations."

***

"Hoooo! Ang sakit ng likod ko!" Tumayo si Julia at nagstretch. Grabe ilang oras ba kaming naka-upo lang at nag-usap. It's already 7 in the evening. Di man lang namin napansin ang paglubog ng araw. Natapos naming pag-planuhan ang event, kulang na lang ay ang isagawa ang plano. Meron naman daw tutulong sa amin magdecorate pero siyempre di namin pwedeng iwan na lang sa staff ang responsibility.

Sabi ni Zion dapat nandito kami palagi para maiwasan ang pagkakamali. We wanted the event to be perfect para naman isipin ng school na hindi lang pagpa-paganda ang alam namin. Tsk! May talent rin kami pagdating sa mga ganito noh!

"Why don't you guys spend the night here? May hotel naman." Natigilan kami sa sinabi ni Giovanni.

"Wala ba kayong balak umuwi?"

"We were supposed to go home earlier but, masyadong na tayong ginabi. Napapalibutan din tayo ng mga puno, mahihirapan tayong umuwi." I can't really disagree. Marami kasing pasikot sikot ang dinaanan namin kanina. Wala ring masyadong street lights dahil nga nasa gitna kami ng kagubatan. Plus, the risk of them being in danger is high if we go home.

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now