Chapter 19- The Secret Behind Her Eyes/UodxHopeless Romantic

260 12 0
                                    

Julia's pov

"Class dismissed. Enjoy your long weekend." Halos mapatalon ako mula sa inuupuan sa saya. Salamat at natapos na din.

"Tara na sa room para masimulan na yung plano para sa anniversary ng school." Agad akong nagligpit ng gamit. Hay! Oo nga pala! Pagkatapos ng meeting may training pa mamayang gabi! Kainis naman!

*Royalties room*

"Dito ba gaganapin sa school ang event?" Napatingin ako kay Kaleb ng umupo ito sa tapat ko. Agad rin ako nag-iwas ng tingin. Simula nung nag-sorry ako sa kanya ay di na kami nag-usap. Bakit naman kami mag-uusap?! Close ba kami?!

"We were actually thinking to celebrate it in a private resort?" Ay sosyal! Private resort talaga?

"Sa mga nakaraang taon kasi dito lang sa school cine-celebrate. Kaya naisip namin na bakit di nating gawing field trip?" Maganda naman yung idea ni Felix pero...

"The budget?" Kath asked. Yun din yung iniisip ko. San kami kukuha ng pera?

"Ah, about that. We we're planning to use our own resort." Napanga-nga ako sa sinabi ni Zion. Ano pa nga ba? Nakalimutan kong mga rich kid pala ang mga toh.

"We have a hotel with an indoor pool. We also have restaurants and a beach." Psh! Edi wala na palang pro-problemahin!

"We could check the venue tomorrow if you guys want." Naks! Free food to mga pare!

"Sure! Yun lang ba? Magkakanya-kanya ba tayo bukas?"

"Nope. We're using Kaleb's van. But it's up to you guys." Ani ni Giovanni.

"Sasama na lang kami. Tinatamad kami eh." Stella. For sure sumasakit lang ang katawan niyan. Akin din naman eh. Hassle kung maghihiwalay-hiwalay pa kami.

"It's all settled then!"

*Fast forward*

"Ready na ba ang lahat?"

"Ready na!"

Agad na nagmaneho yung driver nina Kaleb papunta kung saan man. Dalawa yung van na nagamit namin, di naman kasi kami magkasya sa isa lang. Maaga kaming nagkita-kita sa restaurant na kina-inan namin dati. Ako, si Stella, Kaleb at Giovanni ang magkasama dito sa van. Sila Kath, Cess, Zion at Felix nandoon sa kabila.  Naisip namin na mas okay kung kasama namin sa van ang sariling subjects. Tsk! Dapat kasama ko si Felix mylabs eh! Sige lang Cess, pagbibigyan na muna kita sa ngayon dahil subject mo siya.

"Saan niyo gusto mag-lunch?" Tanong ni Giovanni.

"Ok lang ba kung sa resort na tayo kumain?" Pagpapatuloy niya.

"Kahit saan basta may makain. Di naman kami mapili pagdating sa pagkain." Sagot ko. Kahit ano basta pagkain!

"Sige, dun na lang tayo kumain. Dude, sabihin mo kay Zion na sa resort na lang tayo kakain."

"Bakit ako? Ikaw kaya tumawag kay Zion!"

"Ayaw ko nga! Sisigawan lang ako nun."

"Kaya nga ikaw na tumawag!" Problema ng dalawang toh? Tatawagan lang ang sariling kaibigan nag-iinarte pa. Well, ganun din naman kami kay Kath eh. Hehehe. Nakakapigil hininga rin. Baka murahin pa kami.

"Si Felix na lang tatawagan ko! Mahal ko pa tenga ko." Ganun ba sila katakot kay Zion?

Ni-loudspeaker ni Kaleb ang cellphone. Ilang ring at sumagot si Felix.

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now