Chapter: 5

1.4K 29 0
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 5

Talagang sobra na ako nagmamadali sa pagpasok, problema pa halos puno pa ang elevator. Hindi ako pwedeng ma-late at baka lalu lamang ako sungitan nang lalaking yun.

Pagka-bukas ay nagmamadali akong pumasok, mabuti na lang walang tao. Pa close na sana nang may pumigil sa pintuan, nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino yun.

"You're late!" Sabi ni Dexter at agad na pumasok sa loob

Halos dalawa lang kami sa elevator, 

"Siya din naman late?" Sa isip ko medyo sumulyap ako sa kanya at nakita ko na tahimik lang ito.

"Ang gwapo niya sadya, ang problema napaka sungit." Bulong ko.

Bumukas na ang elevator at naunang lumabas si Dexter, nakasunod naman ako. Pansin ko ang mga tininginan nang mga babae kay Dexter, kahit naman sino ay mapapatingin talaga sa kanya. Sobra kasi ng gwapo nito, kakaiba ang charming matangkad pa at hindi siya maputi kundi moreno. 

"Ay ang gwapo naman! Sino ba yan!" 

Tila tili nang isang bakla sa opisina namin, napapailing na lamang ako at halos bumangga. Napatingin ako sa kanya, huminto pala siya.

Agad na lumingon si Dexter at tumingin sa mga naroroon.

"Listen, i'm Dexter Ferrer. The only son of Chairman Roberto Ferrer.  Alam ko na alam na ninyo ang nangyari sa aking ama, at dahil kailangan muna niya magpahinga ako muna ang papalit sa kanyang pwesto. Is that clear!" 

Parang iisang tao na nagsing-ayon ang mga empleyado at lahat nang naroroon.

"Is that clear, Zia!" 

Napa atras ako nang medyo lumapit ang kanyang mukha, lagi na lang siya ganito sa'kin nakakainis siya pakiramdam ko ang puso ko parang tinatambol. 

Muli nang humakbang si Dexter at pumasok sa opisina, pagka pasok ay agad siyang naupo alam niyang nakasunod si Zia dahil siguradong tuturuan siya nito sa ibang mga gagawin sa kumpanya.

"Eto yung mga papeles na kailangan pa pirmahan nang Papa ninyo, pero alam naman na nang lahat na kayo ang pipirma dito." Sabay lapag ko nang mga folder 

Saglit na kinuha yun ni Dexter at binasa.

"Tatawagin na lang kita kapag kailangan kita, ayoko masyadong naiistorbo sa mga ginagawa ko."

"Opo." Tumalikod na ako, kung siya ayaw maistorbo ganun din ako. Ayoko nang mga tulad niya, kumabaga sa babae ang taray-taray niya.

Naramdaman na ni Dexter na lumabas si Zia, agad siyang sumandal at naalala ang kagabi.

Halos gabi nang bumalik siya sa hospital, nagulat pa siya dahil doon natulog si Zia.

"Wala ba siyang uuwian?" Tanong niya sa sarili, dumiretso na siya at pinagmasdan ang ama.

Totoong sumama ang loob niya noo nang hindi nito mailigtas ang ina, pero wala na din siguro siya magagawa. Nangyari na ang mga bagay na yun, at kailangan na kalimutan. Hinawakan niya saglit ang kamay nang ama,

"Magpagalaing ka Pa,minsan na nawala si Mama ayoko pati kayo." Bulong niya at bumuntong hininga.

Nadinig niyang tila gumalaw ang sofa kaya lumingon siya, pansin niya na giniginaw si Zia.

Agad siyang humakbang palabas nang kwarto, habang naglalakad sa hallway ay hindi maalis sa isipan niya ang itsura nito. Nakabaluktot, at tila ginaw na ginaw. 

Napahinga siya nang malalim at pumuntas sa Nurse station.

Muli siyang bumalik sa kwarto na may dalang kumot, kinumutan niya ito. Hindi siya mahilig makipag entartain sa babae maliban kay Chescka, at sa ngayon na ginagawa niya ay eto isang Zia ang kanyang kinukumutan.

Napailing na lamang siya at muling lumabas.

"Hindi ko alam kung anu ang papel niya kay Papa, para sa'kin mukha lang siya isang simpleng empleyado." Bulong niya at binasa na muli ang mga papeles.

~

"Hoy Zia na nerd!" 

Napalingon ako kay Rissa na nakatingin sa'kin, isa sa mga naiinggit sa pwesto ko dahil ako ang mas tumaas ang posisyon kesa sa kanyan.

"Bakit?" Tanong ko

"Ang gwapo nang anak ni Chairman, hindi bagay na ikaw ang secretary niya!"

"Rissa, bumalik ka na lang sa trabaho mo." Sagot ko lang, ayoko kasi makipagtalo sa ngayon lalu at wala ako sa mood sa dami nang trabaho.

"Listen to me Zia, ipapakita ko sayo na hindi ikaw nag nararapat na secretary dito. Lalu ngayon na wala si Chairman, wala kang kakampi!" 

Napailing na lamang ako,

"Rissa! " tawag si Shine at lumapit.

"Bakit mo ginugulo si Zia?" 

Lumingon ito at ngumiti, sabay lapit kay Shine.

"Ikaw, baguhan ka pa lang dito. At wag na wag kang nakikielam ha!"  Sabay lingon kay Zia at muling tingin kay Shine.

"Makaalis na nga dito, nakakadiri mga itsura ninyo!" Tila may halong pandidiri ang tono at nagmamadaling lumayo.

"Akala niya ikinaganda na niya ang pagkakaroon nang malaking dibdib, at makapal na make up!" 

Natawa ako sa sinabi ni Shine at sumandal.

Lumapit naman si Shine,

"Wag mo sila pansinin, naiinggit lang ang mga yun!" 

"Pinababayaan ko lang sila, kasi alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawa." Sagot ko at tinanggal saglit ang salamin para punasan.

Napatitig si Shine sa kanya.

"Alam mo, maganda ka lalu kung walang salamin. Kung nag-aayos."

"Hindi naman kailangan noh, ayos naman na ako dito." Sagot ko naman.

"Sige, babalik na ako sa table ko. Sabay tayo mag lunch ha!" Paalam ni Shine.

Tumango ako at ngumiti, napansin ko na hindi yata nagtatawag si Mr. Sungit kaya tinapos ko na lang ang mga ginagawa sa computer ko.

#AuthorCombsmania

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon