Chapter: 7

1.3K 32 0
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 7

Nakababad sa shower si Dexter, bigla-bigla pumapasok sa isipan niya si Zia lalu ang mukha nito kanina.

Nang makita niya ito na tila malungkot ay para bang nakaramdam siya nang habag na ngayon lamang niya naramdaman. Bigla siya napailing at pinatay na ang shower, agad siyang lumabas nang shower room at nag roba.

Pagkalabas nang banyo ay agad siyang naupo sa study table, may sarili siyang study table para sa mga trabaho. Hinawakan niya ang mouse at pinindot, lumabas roon ang picture nila ni Cheszka. 

Napasandal siya nang upo, matagal na silang magnobya at sobra niya talagang mahal ito. 

Minsan ay madalas din silang mag-away lalu kapag nauubos ang oras niya sa trabaho, minsan din naman na hindi din siya nito pakinggan at mas madalas na lumabas kasama ang mga kaibigan.

Napailing na lang muli, lalu kapag naalala niya na may bago na ito habang siya ay umaasa na magkaka-ayos silang dalawa.

~

Nagmamadali na naman ako, grabe bakit ba laging ang hirap maghanap nang taxi. Halos mabibilis ang hakbang ko nang bigla akong natalisod..

"Tingnan mo ang tanga-tanga talaga ni Zia!" Sabi Rissa na siyang humarang nang paa niya para matalisod ito. Sabay tawanan nang mga tao sa opisina.

Halos hindi ko makita ang salamin ko kaya pilit ako nangangapa, sobrang labo at medyo sumakit ang tuhod ko dahil sa nangyari.

Nang may naramdaman ako na mag-abot sa'kin, mabilis ko isinuot at laking gulat ko na ang Boss ko pala yun.

Biglang natahimik ang mga nagtatawanan, at magsisi-talikod na sana.

"Walang aalis!" Utos ni Dexter.

Lumingon muli ang mga nakakita at tumawa sa nangyari kay Zia.

Itinayo ni Dexter ito, totoo pala ang sabi nang kanyang ama na bully si Zia kaya lagi niya ito kinakampihan.

"Sino gumawa nun?" Tanong niya.

"S-sir, hayaan niyo na po." Bulong ko. Pero naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko nang mahigpit.

"Hindi! Anung hayaan!" Sabay tingin sa mga empleyado na naroroon.

"Sa tingin ba ninyo, nakakatuwa ang ginawa ninyo?" 

Napatingin ako sa kanya, parang nanunuod lang ako nang mga teleserye sa tv,nakikita ko ang Prince Charming ko na tila pinagtatanggol ako.

"Sino gumawa nun?!"

Para akong nagising sa sigaw ni Dexter, at napatingin sa mga naroroon parang walang may gustong sumagot o umamin.

"Wala talagang aamin? Pwes lahat kayo tatanggalin ko!" Panakot ni Dexte.

"Sir si Rissa!" Agarang sagot nang isa

"Opo sir, si Rissa nakita namin!" Sabat nang isa isa at turo kay Rissa 

"Nakita ko din sir, si Rissa po talaga!" May dumagdag pa.

Halos manlaki ang mga mata ni Rissa nang sisihin na siya nang lahat, 

"Teka, teka bakit ako lang!" Sabay turo sa sarili.

"Takot pala kayo mawalan nang trabaho, kaya ang bilis ninyo magsumbong!" Sabat ni Dexter 

"Sir, please! Hindi ko na po uulitin! Nakikiusap po ako!"pakiusap ni Rissa at tumingin kay Zia

"Zia please, sorry talaga hindi ko sinasadya. Please sorry." Sabay lapit ngunit tinabig ito ni Dexter para mapunta sa kanyang likuran.

Nagulat ako sa ginawa niya,

"Sir, nag sorry na."

"Sorry is not enough, lahat kayo rito ay empleyado. Kung may posisyon man kayo na mataas o mababa, wala pa din kayong karapatan na tapakan ang iba!"

Parang gusto ko tuloy maiyak, naalala ko ang Don. Ganitong-ganito kapag ipagtanggol ako.

"Kung tutuusin mataas posisyon ni Zia sa inyong lahat,  pero hindi ko siya nakitang nag-taray sa inyo kundi kayo pa ang bumubully sa kanya." Lumingon siya kay pansin niyang nakayuko ito.

Muli na din siyang lumingon sa mga naroroon, 

"Magtanda na kayo! Maliban sayo!" Sabay tinging kay Rissa

Sunod-sunod ang lunok niya

"Sir, sorry po pakiusap!" 

"I have my final decision! You're fired!" Sabay talikod 

Nagulat na lang ako na hinawakan na muli ang kamay ko at tangay-tangay niya ako habang naglalakad.

Lumingon ako at nakita ko si Rissa na luhaan, gusto ko sana matuwa dahil mawawala na ang isa sa mga mahilig mambully sa'kin pero naroroon pa din ang awa sa puso ko.

Nakarating na sila nang opisina ni Dexter, binitawan na niya si Zia at agad na naupo sa couch...

Nakatingin lang ako sa Boss ko, lalu nang sumandal ito pumikit parang pagod na pagod.

"La-lalabas na po ako sir." Paaalm ko 

"No, sitdown!" Utos niya

Sa totoo lang makapangyarihan ang utos nito kaya agad akong naupo, pero hindi ako tumitingin sa kanya.

Umayos si Dexter at tumingin kay Zia.

"Ga'no katagal na nilang ginagawa yan?" 

Huminga ako nang malalim, hindi ko alam kung kailangan ko pa sagutin ang tanong niya. Pero mas mainam siguro na malaman niya.

"Mula mag trabaho po ako dito, kasi- kasi halos ulilang lubos ako." 

Napatitig si Dexter dito.

"Maaga kasi ako nangulila, tapos habang nagta-trabaho ako dito nagaaral ako. Madalas akong late,madalas akong nakakatulog." Saglit ako huminto, tumulo na kasi ang luha ko.

"Tapos nang makita ni Don Roberto ang lahat nang paghihirap ko, sinubukan niya ako ilipat nang posisyon. Masadaming kumutya sa'kin, pinag isipan ng kung anu-ano." Huminto na ako at tumingin sa kanya.

"Pasensya na sir, pero may trabaho pa po ako." Sagot ko  at tumayo na

Napatayo din si Dexter at pinigil ang braso ni Zia.

Napalingon ako at nakikita ko ngayon ang mga titig niya sa'kin.

"Simula ngayon, wala nang aapi sayo."

Ngumiti ako sa kanya, medyo lumuwag ng nararamdaman ko sa ngayon.

"Salamat Sir." Yumuko pa ako.

Tumango lang si Dexter at binitwan na ag kamay niya.

Nang maramdaman kong bumitaw siya ay agad na akong lumakad palabas nang opisina.


#AuthorCombsmania


My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon