Chapter: 26

1.2K 32 3
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 26

Nagmamadali ako nang malaman ko na nasa hospital ang Don, bigla ko isinantabi ang nararamdaman kong sakit at eto halos humahangos akk para lang makarating sa kanya at malaman ang kalagayan niya.

"Zia!" Tawag ni Leslie.

"Nasaan ang Don?" Halos pumatak na agad ang luha ko. Lalu at pansin ko na ICU na yun, bigla ako napa-iling at mabilis na pumason sa pintuan.

Hindi ako makahinga nang maayos, mahal na mahal ko ang Don at ito na halos ang nagturo sa'kin para hindi yapakan nang iba.

Pagkalapit ko ay agad ko hinawakan ang kamay niya, mas lalu ngayon lumabo ang paningin ko nang dahil sa luha.

"Dapat, masaya kayo ngayon kasi Birthday ninyo." Sabi ko medyo inalis ko muna ang salamin ko at pinunasan.

Muli ko ulit sinuot.

"Sirz diba gusto mo na tawagin kitang Papa, Pa magpagaling ka please, please." Naiiyak kong sabi at halos hindi ito umiimik at ganuon pa din ang itsura maliban sa tubo na nilagay dito.

~

"Bwiset!" Naiiritang sagot ni Chescka, nasa hospital siya dinala ni Cher dahil nawalan siya nang malay sa suntok ni Zia, lalu at may black eye siya.

Nagulat pa siya nang may biglang sumulpot sa kwarto niya.

"Dexter! Nag worried ka ba sa'kin kaya-"

Halos hindi na niya maituloy dahil sinakal siya nito.

"Che-cher!" Tawag niya.

"Mapapatay kitang! Hayup ka!"

"Sir tama na!" Awat ni Cher.

Binitawan naman siya ni Dexter at humarang na si Cher.

"Are you, crazy!" Nahihirapan pa niyang sabi dahil masakit ang ginawa sa kanya ni Dexter.

"Sino kaya mas baliw sa'tin! Dahil sa ginawa mo inatake ang Papa!"

Tila napatigil ang dalawa,

"Wala akong kinalaman dito sir." Sabat ni Cher at lumayo.

"Hoy!" Tawa niya at muling tumingin nang masama kay Dexter

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!"

"Oh! Umamin na sa'kin ang binayaran mo!" Lumapit muli siya dito

Medyo natakot na si Chescka.

"Hindi lang ito mararanasan mo kapag hindi mo oa inamin sa'kin ang kasalanan mo!"

"Yes, yes. Gusto ko lang siya mapahiya, at masaktan ka, dahil sinaktan mo ako. Alam mong mahal kita!"

"Oh, really!" Sabay hawak sa braso ni Chescka

"Nasasaktan ako Dexter!"

"Pinakita mo lang sa'kin na hindi ka talaga nababagay sa tulad ko! At ito itatak mo, once na gumawa ka pa nang kalokohan may paglalagyan ka na. At pinaka tandaan mo, hindi na kita mahal si Zia lang ang mahal ko!" Binitawan na niya ito at agad na tumalikod para lumabas.

Nakahinga naman siya nang maluwag sa paglabas ni Dexter.

~

"Dex?"

"Kamusta si Papa?" Tanong niya

"Wala pang balita." Sagot nang tita Leslie niya

Papasok na sana siya ngunit bigla siya pinigilan ni Leslie.

Napalingon siya dito.

"Bakit tita?"

"Nasa loob si Zia, tinawagan ko siya. Pero binilin niya na huwag ka muna pumasok hangga't andiyan siya."

Tumango na lamang siya at naupo saglit, hindi na niya alam ang gagawin. Biglang nasira ang masaya nilang pagsasama ni Zia at eto nasa bingit pa nang kamatayan ang kanyang Papa.

"Dex."

"Di ko na alam ang gagawin ko, pakiramdam ko ang sama-sama kong anak. " bigla siya naiyak

Tumabi naman si Leslie at hinagod ang likod niya

"Kasalanan ko din kasi, hindi ko sinabi na nagkausap ni Chescka. Nag pretend lang ako na wala siyang gaagawin, ang totoo hindi ko siya naipagtanggol sa mga taong pinagtawanan siya."

"Hindi mo kasalanan yun Dex, si Chescka lahat ang may gawa nito kaya huwag mong isisi sayo."

"Naging kampante ako, hindi ako nag inat. Nagkamali din ako kahit sino talagang yun lang ang iisipin."

Napasandal na lamang siya, sobrang sakit nang ulo niya at lahat yun ay kagagawan ni Chescka.

~

"Tulog siya, baka gusto mo siya silipin?"

Ngumiti lang siya at tumango, agad siyang tumayo at pumasok sa ICU.

Agad niyang napansin si Zia na nakahiga ang ulo sa tabi nang kanyang ama.

Parang noong una lamang niya itong nakita at naramdamang tumibok ang puso nang gabing iyon para kay Zia.

Lumapit siya at hinaplos ang buhok nito, alam niyang ayaw siya nitong kausapin, hindi niya ito mapipilit lalu at madaming nangyari sa ngayon.

"I'm sorry hon." Bulong niya, wala nga naman siyang nagawa kanina lalu nang makita itong umiiyak. Gustong-gusto niya nga pagsusuntukin ang mga tumatawa at nagbubulongan.

Huminga na lamang siya nang maluwag at hinubad ang suot niyang amerikana, nilagay niya ito sa likod ni Zia dahil masyadong malamig sa ICU.

"I love you." Bulong niya at muli nang lumabas.

Lumandas naman ang luha ko at dumilat, hindi naman ako makakatulog kaya sinubukan ko ipikit ang mata para magpahinga.

Hirap na hirap ako sa ngayon lalu ang damdamin ko, hindi ko pa alam ang gagawin sa ngayon pero isa lang muna ang dapat asikasuhin at yun ay walang iba kundi ang Don.

#AuthorCombsmania

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon