Chapter: 25

1.2K 30 2
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 25

"Ready ka na?" Tanong ni Dexter.

Napangiti ako habang nakahawak sa kamay niya, kinakabahan ako dahil siguradong mas madaming bisita dahil birthday ni Chairman.

Naka-black midnight dress ako, with slit sa kanan na hita. One long shoulder ang style niya at tila madaming tila pakinang na disenyo siya pinakalaylayan. Nakapusod ngayon ang buhok ko, at kaunti lang ang make up.

Habang papasok ay ganuon na lamang ang tinginan sa amin nang mga tao, pati na din nang mga kakilala at mga taga opisina, napansin ko din si Ma'am Leslie.

"Wow, mas lalu gumanda ka iha!" Puri nito.

"Thank you po sa inyo Ma'am Leslie, hindi ko makakalimutan lahat nang tinuro ninyo." Sagot ko

"Bakit Ma'am?" Sabat nang Don.

"Happy Birthday Pa!" Unang bati ni Dexter.

"Happy Birthday po!" Sabay yakap ko sa kanya.

"Salamat iha, you're so stunning and beautifull!" Sagot niya.

"Pero hindi mo kailangan mag Ma'am kay Leslie dahil kapatid ko siya."

Nagulat ako sa sinabi nang Don, at tumingin kay Dexter. Simula pa lang kasi ay Leslie lang ang tawag niya dito.

"Wag ka na magtaka iha, ayaw kasi ni Dexter na mawala ang pokus mo kapag nalaman mo na mag-Tiyahin kami, so i decided na lang na tawagin niya ako sa first name ko." Sabat ni Leslie.

"Naiintindihan ko naman po." Sagot ko.

"Okay, maupo na tayo dahil kumpleto na kayo na naririto." Masayang sabi ni Don Robert.

~

"Chescka, ready na." Wika ni Cher.

Ngumiti lang si Chescka habang nasa itaas siya at pinagmamasdan ang mga ito.

"Ito ang pinaka magandang palabas sa lahat." Bulong niya habang umiinom nang wine.

"Buti na lang at nabayaran ko agad yung mag play, kaya sigurado ako na susunod sila."

"Tingnan natin ang tapang nang Zia na yan ngayon, lalu kapag nalaman nang lahat kung sino talaga siya." Sinamahan pa niya nang tawa at lumingon kay Cher.

"Cheers!"

Ngumiti din si Cher at nakipag toast dito, muli siyang lumingon sa pwesto nila Zia at Dexter.

"Dudurugin ko din ang puso mo, tulad nang ginawa mo sa'kin Dexter." Bulong niya sabay inom muli nang wine.

~

"Would you like to dance?" Yaya niya kay Zia.

"Mambo no. 5 na naman ba?" At sinamahan ko nang tawa.

Natawa na din si Dexter, tinanggap ko ang kamay niya at tumayo.

Nakatingin naman ang don at si Leslie habang papunta sa gitna ang dalawa.

Soft music lang amg tugtog kaya medyo, mabagal lamang ang mga galawa namin.

"I love you." Bulong ni Dexter.

"I love you too."

Pero biglang dumilim ang paligid, at nawala ang music napahinto kami pati na ang ibang sumasayaw.

"Bakit dumili at nawala ang music?" Tanong nang Don.

Agad naman umilaw ang spotlight at tumutok kay Zia medyo nasilaw ako dun.

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon