Chapter: 10

1.3K 28 0
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 10

Halos, inaantok pa ako nang bumangon. Wala naman pasok, pero kanina pa may tila doorbell ng doorbell sa apartment ko.

"Sigurado ako, yung kapitbahay ko na naman yun." Reklamo ko, sinuot ko ang salamin at tuluyan nang tumayo. Sinuot ang roba at hinayaan ko nang hindi magsuklay, mag aalas cuatro na ng madaling araw ko nakatulog kakaisip. Mabuti na lang at walang pasok.

Pinabayaan ko na ang buhok ko na magulo, at diretso na sa pintuan.

"Bakit ba?" Halos tanong ko na nagkakamot pa nang likod at humihikab.

Napatitig naman si Dexter sa kanya lalu nang tumaas bahagya ang damit nito, maputi pala si Zia at mas bagay pala dito ang bagong gising.

Natawa din nang lihim si Gerald habang pinagmamasdan nila ang dalaga sa ginagawang paghikab.

Napadilat ako at tinakpan agad ang bibig, napasunod ako nang sunod-sunod.

"Nakita na namin." Sabi ni Dexter at diretsong pasok sa loob nang apartment.

"Naku, sir hindi-hindi pa ako nakapag linis!" Nahihiyang kong sabi pero nakita kong silang naupo sa sofa.

"Maganda pala ang apartment mo!" 

"Teka, teka bakit po pala kayo naririto?" Tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba ang deal ninyo ni Dexter?" Si Gerald ang sumabat.

Bigla ako napakamot, ngayon na nga pala ang simula nang pagpapa-tutor ko.

"Eh, sir. Hindi kinakabahan ako, baka magkamali ako?" 

 "Relax ka lang Zia, may mga tutor ka at sigurado ako na madali ka matututo dahil matalino ka." Sagot niya at tumingin sa buong apartment, hindi naman talaga magulo pero siguradong hindi pa ito nakakapag-linis ngayon.

Muli siya tumingin dito.

"Magbihis ka na, may pupuntahan tayo."

"Opo!" Sagot ko at nagmamadaling bumalik sa kwarto.

~

Namangha ako sa ganda nang bahay na pinuntahan namin, grabe parang sa mga napapanuod ko lang na telebisyon, ang mga gamit ay halos puro babasagin pati na din bawat gilid ay may salamin.

Nakikita ko ang repleksyon ko, para nakakahiya talaga na ang isang tulad ko ang ipapakilala lang kung kanino.

"Zia!" 

Lumingon at sa pagtawag ni sir Gerald kaya nagmamadali akong tumakbo para makalapit agad sa kanila.

Paakyat kami sa paikot na hagdan, pagdating sa taas ay may terrace na makikita. Maluwag iyon, pansin ko ang babaeng nakatalikod.

"Leslie!" Tawag ni Dexter.

Lumingon ang babae at ngumiti.

"Kanina ko pa kayo hinihintay!" Salubong niya sa mga bagong dating.

Bumeso-beso ito kay Dexter at maging kay Gerald, pagka-dating sa'kin ay ngumiti ito.

"Don't be nervous."

"Pa'no nito nahulaan na kinakabahan ako?" Sa isip ko, lumapit pa siya at tila umikot ikot para pagmasdan ako.

"She look perfect, mukhang hindi siya mahirap ayusan." 

Nadinig kong sabi nito.

"Matalino si Zia, kaya i'm sure hindi ka din mahihirapan magturo sa kanya Leslie." Sagot ni Dexter.

Huminto si Leslie at humarap sa kanya.

"So, you are Zia?" 

"Yes , Ma'am."

"Mali!" 

Nagulat ako sa pagtaas ng tono nito, pero ngumiti din siya agad.

"Nag uumpisa na tayo, kaya dapat ang maging sagot mo ay ganito." Sagot nito.

Umayos ito nag awra, parang awra nang isang class n tao.

"Tanungin mo ako, tulad nang ginawa ko kanina."

Tumango ako.

"So, you are Leslie?" 

"Yes, a pleassure to meet you Zia." May halong lambing at mapang akit ag bosea nito na sinabayan nang kaunting ngiti.

Nadinig ko ang palakpak ni Sir Dexter kaya lumingon ako.

"Good! So, iiwanan muna namin sayo si Zia."

"No problem Dex, akong bahala sa magiging girlfriend mo." Nakangiting sagot ni Leslie.

Lumingon si Dexter kay Zia.

"Dito ka muna, may mga aayusin lang kami ni Gerald okay!" 

"Opo sir." Sagot ko.

"From now on, sanayin mo ang sarili na tawagin akong Honey." 

"Po?" 

Ngumiti muli si Dexter at lumapit kay Zia,halos lunapit ang mukha nito at nagpunta sa punong teynga.

"Girlfriend kita, kaya hon itatawag mo sa'kin." Bulong niya at muling tiningnan ito.

"Is that clear?" 

Tumango ako kahit ng totoo ay gulong-gulo pa ang isipan ko sa mga nangyayari.

"Good girl!" Sabay lingon kay Lesli.

"Ikaw na bahala sa kanya!" 

Tumango ito at ngumiti.

Nakita kong palayo na sila at naiwan na akong mag-isa.

"Zia, listen to me. Isipin mo na lang na hindi ito play kundi totoo, para maging komportable ka. Sinabi sa'kin ni Dex na matalino ka, kaya alam ko na kayang-kaya mo to!" 

Ngumiti ako kay Leslie, tantya ko ay mga nasa 40's na ang edad nito. Palagay naman ang loob ko, pero susubukan ko pa din na kayanin ang mga ituturo sa'kin.

~

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Gerald.

"Maghahanap lang tayo ng mga damit na babagay sa kanya, papalitan na natin mga luma niyang damit." Sagot ni Dexter na siya mismo ang nagda-drive.

"Dex, baka kapag na-full make over si Zia, main-love ka?" 

Ngumiti lang ito pero hindi sumagot.

"Iba yang ngiti mo ah?" Puna ni Gerald

"Tumigil ka nga diyan, puro ka kalokohan. Tinutulungan ko lang din siya, gusto ko kasi kahit na matapos pagpapanggap namin maging komportable siya sa sarili niya. Yung hindi na siyang mukhang makaluma, para hindi na din ma-bully."

"Weh, yun ba talaga?" 

"Hindi habang buhay, andiyan kami ni Papa para ipagtangg siya." Dagdag niya 

"Eh, di kapag nag-boyfriend siya o nag-asawa. Mabait si Zia i'm sure may makikilala siya."

Napasimangot bigla si Dex, at hindi n umimik. Para kasing may kung anu lang sa sinabi ni Gerald.

"Baka nga pala may boyfriend yun, hindi natin natatanong."

"Mukhang wala naman siyang nobyo, kaya shut up!"

Natawa na lamang si Gerald at naiiling.

"Kahit kelan, hindi kita nakita naging ganito sa babae. Kahit nga kay Chescka noon. Aba mukhang may kakaiba kay Zia ahh!" Tukso muli nito at tawa.

Naiiling na lamang si Dexter at tinuloy lang ang pagmamaneho.

#AuthorCombsmania

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon