Chapter: 24

1.1K 28 3
                                    

My Arrogant Boss

Chapter : 24

"May dapat kang malaman?" Halos nakangiting sabi ni Cher.

Napataas ang kilay ni Chescka.

"Dapat maganda yan, dahil hanggang ngayon bwisit pa ako!" Naiinis niya sabi lalu at laman lahat nang balita si Zia.

"I'm sure, matutuwa ka!" At nilapag nito ang isang brown na envelope.

Agad naman kinuha yun ni Chescka at binuksan, nakita niya ang mga litrato ni Zia. Dalawang klase iyon isang mukhang tatanga-tanga at isang make over. Sa isang litrato ay makikita ang suot nitong naglalakihang salamin.

Napahinto siya at naalala ang babaeng nakita niya dati sa opisina ni Dexter nang unang bumisita siya at makita ang dating nobyo.

"Wait a minute.." Bulong habang tumatayo.

"Oh, my.... Isang nerd na mukhang tatanga-tanga lang pala yun?" Bigla siyang natawa.

"Oh, diba? Maganda ang balita ko?" 

"Yeah, super ganda. Sobra niya ako pinahiga well it's about time to revenge!" Sabay tawa at hindi mapigilan ang hindi mapigilan ang matawa kapag tinitingnan  ang litrato.

~

"Come in!" Sigaw ni Dexter habang busy sa mga binabasa niya.

"Hi!" Bati ni Chescka at agad na lumapit para maupo.

Hindi ito inaasahan ni Dexter, kaya huminto siya sa pagababasa at sumandal.

"What are you doing here?"

"Ganyan mo na ba itrato ako, matapos mo ako ipagpalit sa isang nerd?" Sabay ngiti.

Biglang naningkit ang mata ni Dexter na tila gusto magtanong sa ibig sabihin nito.

"What are you talking about?" 

Ngumiti siya at tumayo.

"Kilala ko na si Zia, siya yung babaeng nakatayo dito na may malalaking glasses at mukhang basura!" Pang-iinsulto niya.

Napatayo si Dexter at agad na nilapitan ito at hinawakan sa braso.

"Huwag mong matawag-tawag na basura si Zia!" 

"Bitawan mo ako!" Reklamo niya binitawan naman siya ni Dexter.

"Bakit mo siya tinulungan?" Tanong niya.

"Anu bang pakielam mo?!"

"Gusto ko lang malaman, may masama ba? Hindi ko siya guguluhin huwag kang mag-alala." 

Huminga nang malalim si Dexter.

"So, bakit mo siya tinulungan?" 

"Ayoko lang siya maapi pa nang ibang tao, hindi sa lahat nang oras naririto ako o si Papa." 

Lumapit siya bahagya at hinaplos ang dibdib nito.

"Ibig sabihin, kinuha mo siya para pagselosin lang ako?"

"Oo,"

"Ginamit mo lang pala siya, para bumalik ako sayo."

"Tama, dahil mahal kita." Sagot niya.

Ngumiti naman si Chescka at lumayo para tumalikod.

"Mahala kita noon, pero hindi na ngayon."

Lumingon siya na nakataas ang kilay.

"Anung ibig mong sabihin?"

"Nagising na ako, nagising ako sa katotohanan na hindi ikaw ang babaeng karapat dapat para habulin pa!" 

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon