Chapter: 13

1.3K 29 4
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 13

"Kanina ka pa palakad-lakad?" Tanong ni Gerald 

Hindi mapalagay si Dexter, medyo kinakabahan. Nakabihis na siya at hinihintay na lamang si Leslie at Zia.

"Sa tingin mo?" 

Natawa si Gerald,

"Ikaw nakaisip nang planong ito, don't tell me na medyo."

"Shut up!" Sabat niya nang makita si Leslie at nakangiti sa kanya.

"Dumating na pala kayo?"

Ngumiti si Leslie, 

"A little nervous?" Tanong nito.

"Medyo, where is she?" Tanong niya 

"Well,  here she is!" Lumingon muli si Leslie

Napatingin si Dexter sa bagong pasok, nakalugay ang buhok nito na tila inayos at kinulayan, bagay din dito ang damit na midnight dress na kulay red. 

Mas lalu siyang namangha nang makita na ang mukha nito.

Naalala ko ang mga turo ni Ma'am Leslie, lalu ang pagpungay nang mga mata habang nakatingin sa mga tao. Sabay ngiti.

Napatayo si Gerald, tila kahit siya hindi makapaniwala at hindi halos makilala si Zia.

"Grogeous." Sambit ni Dexter na nakangiti habang lumalapit kay Zia.

"You're so, beautifull."

Muli ako napangiti, grabe hindi ako makapaniwala sa puri niya sa'kin parang mas lalu akong kinilig.

"Shall we?" Kinuha ni Dex ang kamay niya at halos iniyakap sa braso niya.

Lumingon ako kay Leslie at ngumiti,

"Thank you po Ma'am!"

Gumanting ngiti ito,

"Enjoy the night iha." Sabay tingin kay Dexter

"Huwag mong pabayaan si Zia, maliwanag." 

"Don't worry, she was in a good hand." Sagot ni Dexter at ngumiti muli kay Zia

"Uy teka! Kasama ako ha!" Habol ni Gerald 


~

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Dexter

"Hindi naman," sagot at lumingon sa kanya.

"I'm okay Hon!" Sinamahan ko pa nang ngiti, minsan lang ito at kailangan ko lubusin. Kahit sa ganito na lamang maging nobya ako nang isang Ferrer.

"Good, sanayin mo lang sarili mo." Bulong niya sabay hawak sa kamay nito.

Huminga na lamang ako nang malalim, at malapit na kami magka-harap ni Chescka, magkakaharap kami na hindi niya malalaman kung sino talaga ako. Kahit kabado gagawin ko to.

~

"Wala pa yata si Dexter?" Tila naiinip na bulong ni Chescka sa kanyang assistant

"Baka wala siyang ma-isama?" Nang iinis din na sagot nito

Natawa lang si Chescka, nakita niyang palapit na si Allan kaya umayos siya at ngumiti.

"Nice dress." 

"Thank you darling, parang na-late ka yata?" 

"Oh, ang dami kasing tao sa labas. Parang may pinagkaka guluhan ang mga photographer."

Napataas ng kilay si Chescka, 

"Talaga?" At napansin niya  ang pagkaka-gulo nang mga tao sa bagong dating.

"What a?" Hindi na niya tinuloy at sinalubong ang mga ito.

Panany naman ang ngiti ko sa mga kukuha ng litrato sa amin, pansin ko na sa beywang ko na nakahawak si Dexter. Kailangan ko tiisin ito kahit medyo nakaka-ilang.

"Finally, you're here Mr. Ferrer!" 

Napalingon ang iilan kay Chescka, maging si Zia at Dexter.

Lumapit ito na nakangiti habang nakasunod nama ang nobyo na si Allan.

"And who's the lucky girl?" Agad niyang tanong at tinitigan ang babaeng kasama ni Dexter.

Ngumiti ako kay Chescka,

"Brazil, Zia Brazil!" Pagpapakilala ko sabay ngiti nang at titig din sa kanya, turo kasi ni Leslie na kung ga'no katitig sa'kin ang kaharap ay dapat kong tumbasan.

"Oh, nice name. Are you Dexter one of his girl-"

"Correction, his girlfriend. By the way nice party." Putoo ko sa sasabihin niya.

Napilitan ngumiti si Chescka, 

"Welcome!" Sabay talikod na nito, nauna na siyang humakbang at tila iniwan si Allan.

"Nice." 

Nadinig kong bulong ni Dexter, medyo kinabahan ako sa mga sagot ko. Pero kailangan ko tandaan mga turo ni Ma'am Leslie na hindi ako dapat magpakita nang takot, tsaka boyfriend ko si Dexter Ferrer at ako girlfriend niya ngayon.

Muli ako napangiti at inalalayan niya ako para makahanap nang mauupuan.

#AuthorCombsmania

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon