Chapter: 8

1.3K 30 0
                                    

The Arrogant Boss

Chapter: 8

"Mukhang problemado ka ah?" Tanong ni Gerald at inabutan siya nang beer.

"Thanks! Hindi naman, may iniisip lang ako." Sabay inom nang beer na nasa bote.

Napailing na naman si Gerald.

"Chescka?"

Ngumiti siya bahagya at umiling.

"Iniisip ko din yun, pero di pa naman kami nagkikita." 

Tila nagtaka si Gerald sa sagot ng pinsan.

"Eh, sino iniisip mo ngayon?" 

"Si Zia, hinahayaan niya kasi ang sarili niya na maapi." 

"Baka iba na yan!" Sabay tawa nito.

"Tumigil ka nga." Tumayo na si Dexter.

"Sabi kasi ni Papa, wag ko daw pabayaan si Zia. Lalu sa mga taong nang aapi dito."

"Hmm, pero mahirap yan. Baka mapunta sa love!ayieeh!" Sabay tukso nito na tila kinikilig pa.

Umiling na lamang si Dexter at ininom muli ang beer.

~

Hindi naman ako makatulog, halos kanina pa ako pabaling-baling sa higaan. Hindi halos nawawala sa isipan ko ang mga ginawa ni sir Dexter, nakangiti ako habang hinahawakan ang kamay ko. Pakiramdam ko na hawak pa din niya yun at hinahawakan, 

"Nakaka-kilig, libre lang mangarap at wala naman siya dito." Bulong ko sabay bangon, inabot ko ang salamin ko at isinuot.

Kinuha ko din ang stuffed toys ko at niyakap sabay sandal.

Talagang nayayabangan siya dito sa una, hindi nga sila magkasundo at lagi siyang sinisigawan. Pero mula nang gabi na payungan siya nito at ihatid ay tila nagbago ang lahat.

"Tulad kanina." Para siyang Prinsipe at ako yung naaping Prinsesa, grabe pa yung hawak niya sa mga kamay ko na parang ayaw na akong bitawan.

"Hala! In love na yata ako!" Kinikilig kong sabi at halos hindi mapalagay sa aking kama, muli ako nahiga at sa kisame tumingin. Talagang kinikilig ako, ayos lang na mangarap atlis kahit sa ganito maging masaya ako.

~

Pangiti-ngiti ako habang naglalakad sa papunta sa opisina, nang mapansin kong nagkakagulo.

Agad ako lumapit at nakiusyoso, inayos ko pa salamin ko para makita kung sino yun.

"Ahh, dumating na pala yung model." Bulong ko, grabe ang ganda talaga niya. Pinagpala ang kagandagan nito at talagang tinitingala nang lahat.

"Ang ganda niya noh?" 

Lumingon ako sa nagsalita, hindi ko siya kilala pero madami siyang hawak na damit.

"Oo, sobrag ganda." Sagot ko at muling tumingin.

"Sigurado na mas lalung maiinlove na naman si Dexter!" 

Napatigil ako at muling lumingon,

"Anung-anung ibig mo sabihin?" Tanong ko

"Girl, si Chescka ay dating nobya ni Dexter Ferrer. Hiwalay na kasi ang dalawang yan, pero i'm sure pag nakita niya muli si Chescka maiinlove na naman siya."

Parang may kirot yun sa dibdib ko, oo nga naman mga katulad lang ni Chescka ang pwedeng magustuhan ni Dexter, at siguradong wala akong panama doon. Katawan pa lang nito, mukha pati na rin ang mga magagarang damit na suot.

Umiling na lang ako at umalis na sa mga nag guguluhan, dumiretso na akong pumasok sa loob nang opisina.

~

"Talaga?" 

"Oo, papunta nga siya dito." Sagot ni Gerald.

Napatayo si  Dexter at inayos muna ang sarili, gusto niya maging formal pa din kapag nagkita sila ni Chescka.

Nabigla pa siya nang may pumasok, pero hindi si Chescka kundi si Zia na nakasimangot.

"Eto na mga papeles niyo sir!" Sabay lapag nang mga folder, kanina ang saya-saya ko pero nawala lahat yun.

Pansin ko pa na tila nag ayos siya nang itsura niya.

"Kala naman niya mapansin siya." Sa isipi ko lang.

"Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Gerald 

Umiling lang ako, pansin ko na binabasa ni Sir Dexter ang binigay ko.

"Good morning!" 

Halos lahat kami ay napalingon sa bagong dating, tila ma-awtoridad din ang boses.

Napatayo si Dexter, ang tagal din na hindi nila nagkita ni Chescka. Mas lalu nga itong gumanda.

Umiwas ako lalu at kitang-kita ko ang mga titig ni Sir Dexter sa ex-girlfriend niya, mukhang na inlove na naman siya dito.

Lumingon si Chescka sa babaeng nakatayo sa gilid, ngumiti siya at muling tumingin kay Dexter.

"Long time no see, i didn't expect na ikaw sa ngayon ang Chairman." 

"Nagpapagaling lang si Papa." Pormal niyang sagot.

"Sitdown." Alok niya.

"No need, hindi ako magtatagal." Sagot niya at lumingon sa kanyang assistant.

"Ang invitation." 

Lumapit naman ito at may inabot na sobre. Kinuha yun ni Chescka at lumapit sa table ni Dexter.

"I would like to invite you, kahit ilan isama mo. Kahit girlfriend mo isama mo. It's my party, at dahil part ako nang company you all welcome." Sabay ngiti at lapag nang invitation.

Tumalikod na ito, ngunit lumingon bahagya.

"I hope your happy now, dahil masaya na ako kay Allan ngayon." At muling pinagpatuloy ang lakad diretso labas nang opisina.

Parang ako ang hindi makahinga sa mga eksenang iyon, napansin ko si Dexter na nakayuko.

Nakita ko din si Gerald na sumenyas, kaya tumango ako lumakad dahan-dahan palabas.

"Dex?"

"I'm okay." Sagot niya at pinagmasdan ng invitation.

"She want a game, and i need to play."

"What do you mean?" Takang tanong ni Gerald.

Ngumiti lang si Dexter.

~

"Taray ninyo ma'am ha! Nakita niyo ba yung mga mata ni Sir halos manlaki nang makita kayo?"

Ngumiti lang si Chescka.

"I know, Dexter still in love to me. Alam ko gagawa nang paraan yun para lang bumalik ako sa kanya." 

"Pero babalik ba talaga kayo sa kanya?"

Lumingon siya at tumaas ang kilay,

"Of course, si Dexter lang naman ang mahal ko. At hindi lang yun, kailangan ko siya para mas lalu din ako sumikat." Sabay ngiti at muling taas nang kilay.


#AuthorCombsmania




My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon