Chapter: 22

1.2K 33 3
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 22

Naka-ayos na ang lahat pati make-up ko, kinakabahan lang talaga ako dahil official na itong pagmomodelo ko.

"Please lord tulungan mo lang ako." Sa sarili ko lang sabay hinga nang malalim.

"Ready ka na Zia?" Tanong sa kanya nang photographer.

Ngumiti ako at pinilit ko na kalmado ang sarili, tumayo na ako at humakbang palabas.

Madami nang tao at halos naka set na ang lahat, hinahanap ko si Dexter pero di ko siya makita.

"This way Ms. Brazil." 

Sumunod na ako at pumwesto na sa itinurong pwesto, pinilit ko talagang kumalma at nagsimula na ng pictorial.

~

Nagmamadali si Dexter para makaabot sa pictorial ni Zia, nakita niyang nagsisimula na ang mga ito.

"Bakit ka nagmamadali?" Biglang harang ni Chescka naka-two piece lang ito sabay lapit kay Dexter.

"Alam ko naman na ako lang ang mahal mo, and i'm willing to gave you a chance." Halos maarte nitong tono.

Medyo lumayo si Dexter sa kanya.

"I'm sorry pero may girlfriend na ako." 

"What? Talaga bang ipagpapalit mo ako sa babaeng yun!" Inis nitong sagot.

Napansin ko si Dexter na kausap si Chescka naka two piece pa ito at sigurado ako na pinipilit nito kausapin ang boss ko  pansin ko dahil nagtatalo sila medyo nainis ako.

Tinaggal ko ang doble ko at hinayaan ko na naka two piece lang ako, bahala na gusto ko ipagmamalaki ko na kayang-kaya ko din magpa-sexy.

"Oh my! It's perfect!" Tuwang-tuwa ang photographer.

Dahilan kung bakit napalingon si Dexter, agad niya nakita ang itsura ni Zia kaya natabig niya si Chescka.

"Dexter!" Habol nito.

Nagmamadali siyang lumapit.

"What the meaning of this?" Tanong niya at agad na kinuha ang tuwalya sabay lapit kay Zia.

"Mr. Ferrer?" Tila nagtataka ang photographer.

"Teka, anung ginagawa mo?" Tanong ko dahil binalik niya ang suot ko.

"Hindi mo kailangan mag two piece sa pictorial, ayoko may makakitang iba nang katawan mo." Seryoso nitong sabi.

At lumingon sa mga staff niya.

"Nakakuha na kayo nang magandang shot?"

"Yes sir!"

"Good, erase ninyo ang mga two piece photos niya ayoko may ibang makakita sa katawan nang nobya ko!" 

Sa sinabing iyon ni Dexter ay para akong hindi makahinga, ang puso ko parang sobrang tuwa na ewan. Lalu nang hinatak na niya ako kaya napasunod ako sa paglakad niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad kami, mukhang seryoso siya hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagagalit.

Nakarating na kami sa kwarto, agad kami pumasok dalawa.

"Sitdown!" 

Napaupo naman ako, parang bumabalik na naman ang ma-awtoridad nitong boses. 

"May,may nagawa ba ako?" Agad kong tanong sa kanya.

Lumingon si Dexter at nakita ko ang titig niya sa'kin.

"Huwag muna uulitin yun."

"Ang alin?" 

"Ang mag hubad sa madaming tao! Damn!"

Nagulat talaga ako sa pagtaas nang boses niya, pero hindi dapat ako magpa-takot. Tumindig ako at lumaoit sa kanya.

"Sino ka para sigawan ako? At hindi ako nakahubad, may saplot ako!" Medyo tumaas na din ang tono ko dahil sa inis.

Napatitig lang siya kay Zia, 

"Damn." Mura niya sa isip, nagselos siya bigla at nainis sa ginawa nito. Ayaw na ayaw niya may ibang makakita nang kagandahan nito, kung papipiliin ay sa kanya lamang.

"I'm your boyfriend"

"No! You not! Nagpapanggap lang tayo, hindi mo ako pagmamay-ari Mr. Ferrer! Sa ngayon nakikita ko na lumalabas na naman ang pagiging arogante mo!" Tumalikod ako ngunit bigla niya ako hinawakan sa braso.

"Who told you na nagpapanggap tayo!" Sabay hatak nito at hinalikan ang labi ni Zia.

Hindi ako makagalaw hindi ako makahinga, tanging nagawa ko ay mapapikit at i-feel ang halik ni Dexter. 

"Oh my god!" Para ako natutuliro nang mga oras na yun, sobra passion nang kiss na yun. 

Hindi ko namalayan na sa beywang ko na siya nakahawak.

"Kung nanaginip ako ayoko magising." Tili nang isipan ko.

Pero naramdaman ko na huminto siya at hinaplos ang mukha ko kaya napadilat ako.

"You're mine and i'm yours" bulong ni Dexter.

Di ko pa din maintindihan palabas pa ba ito, eh bakit ako kinikilig.

"Zia, naiintindihan mo ba sinasabi ko?"

Umiling ako dahil talagang hindi ko naman maintindihan.

"Hindi eh."

Ngumiti si Dexter at hinawakan ang mga kamay ni Zia.

"Alam ko na di ka maniniwala pero, hindi ko na maitatanggi ang damdamin ko Zia. I fell in love to you, and yes ayoko na magpanggap tayo. Gusto ko na talagang maging boyfriend mo ako, and i hope na masagot mo ako?"

Natulala ako sa kanya, nananaginip ba ako. Totoo na ba ito, si Dexter Ferrer.

"Mahal kita Zia."

Bigla na lamang pumatak ang luha sa mata ko, hindi ako malungkot ahh hindi ko lang kasi na-expect.

Sabay tawa, ay naku mababaliw ako.

"Hindi nga?" Napatakip ako sa labi ko dahil kinikilig ako.

Natawa na si Dexter.

"Bakit ka tumatawa?"

"Kinikilig kasi ako!" Hindi ko napigilan masambit at natawa muli, parang di ako makahinga.

"Kinikilig ka? Ibig sabihin?"

Tumango ako at yumakap kay Dexter sabay pikit.

"Kung panaginip ito, ayoko na magising. Nagselos ako kanina nang makita ko kayo kaya naisapan ko gawin ag bagay na yun. Iniisip ko kasi, baka magbalikan na kayo at iwanan mo na ako, ang hirap kaya nang ganun."

Gumanti din nang yakap si Dexter at huminga nang maluwag.

"Hindi kita kayang iwan at palitan, kasi ikaw ang nasa puso ko. Lahat nang sinabi ni Papa totoo, mas mahirap magpanggap kung totoo na nararamdaman mo."

Kumalas ako at tumingin sa kanya.

"Teka, kelan mo naman nalaman na gusto mo ako?" 

Ngumiti si Dexter.

"Noong gabi na nakita kita sa ospital, kinumutan kita. Hindi ako mahilig mag take care nang babae kahit si Cheska. Pero ikaw parang may kakaiba sayo."

"Asus, tama na nga kinikilig lang ako." Nakakainis ha talagang kinikilig ako sa kanya.

Natawa muli si Dexter at niyakap siya.

"Pagbalik natin sa manila, sabay tayong haharap kay Papa. "

Ngumiti na din ko at mas humigpit ang yakap kay Dexter, ngayon masasabi ko na talagang mas masaya ako dahil totoo na ito at hindi na kami nagpapanggap, swerte ko dahil si Boss pala ang forever ko.

#AuthorCombsmania

My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon