Chapter: 16

1.3K 31 3
                                    

My Arrogant Boss

Chapter: 16

"Good afternoon!"

Napahinto si Dexter sa pagsasalita, may kausap siya nang mga oras na yun. At talagang nasopresa siya sa pag punta ni Chescka.

"Can we continue this later?" 

"Opo sir!" Sagot ni Shine, na sa ngayon ay tumatayong Secretary niya. Tumayo na ito at nagmamadaling lumabas.

"What a surprise, anu maipaglilingkod ko?" Pormal niyang tanong 

Lumapit si Chescka at tumindg lang sa tapat nang table niya, hindi ito umupo kundi tinitigan lamang si Dexter.

"What is your game?" 

"I'm not playing, how about you?" Balik tanong ni Dexter.

"Dex, i know you. Pipitsuging babae lang ang kinuha mo para ipalit sa'kin?"

"Excuse me!" 

Napalingon si Chescka at napatayo naman si Dexter, lihim siyang napangiti dahil sa suot nitong formal attire. Hindi talaga makikilala na si Zia ito.

Lumapit naman ako, tamang-tama pala ang dating ko at eto siguradong nakikipag-ayos na sa boyfriend ko. 

"Oopps,boyfriend?" Sa isip ko lang.

"Miss, Chescka Ramirez what are you doing here?"

Lumunok lang muna siya bago tumitig dito.

"Ahm,-"

"I heard what you said, and the words na tinawag mo akong pipitsuging babae!" Putol sa balak niyang sabihin, medyo nakakaya ko sumagot dahil pakiramdam ko may kakampi ako at yun si Dexter na nakangiti lang sa'kin sabay kindat pa 

"Siraulo talaga itong boss ko." Sa isip ko.

"Okay, fine! Sino ka ba talaga? Miss Zia?" 

Tumingin ako kay Chescka at binigay sa kanya ang hawak kong folder, kinuha niya yun at binuklat habang ako naman ay humakbang.

"I was born in Paris, both my parents is lahing pinoy. Nagkakilala kami ni Dexter two years ago after ninyong mag-break!" Diniin ko yung salitang "break" at tumingin sa kanya.

Muling napalunok si Chescka.

"I'm not pipitsuging girl, dahil nag aral ako at nakapag tapos. And i'm one of the model ng Ferrer!" 

Biglang napatitig si Chescka, hindi siya makapaniwala na model din ito tulad niya at yun ang nakikita niya sa folder na binigay nito pati mga litrato. Muli siya napatingin dito at lumipat ang tingin kay Dexter.

Bahagya siyang ngumiti.

"So, pinalitan mo na pala talaga ako! " muli siya lumingon kay Zia at lumapit.

"I hope na talagang ikaw ang mahal niya, baka kasi ginagamit ka lang." Sabay ngiti nito at tumalikod na para iwanan silang dalawa.

Bumuntong-hininga ako nang maka alis na si Chescka at naupo, pagod na pagod ako sa Pictorial ang aga-aga kasi namin dumating.

"Hey"

Nabigla ako sa ginawa ni Dexter na paghaplos nang mga balikat ko, parang minamasahe. Totoo ba to? Or imagine ko lang, pero ang sarap sa feelings. Parang nakaka antok.

Napangiti na lang ako.

"Na-stress ka ba hon?" Bulong ni Dexter.

Grabe hindi ko na namalayan na lumapit na pala ang bibig niya sa teynga ko. 

Halos parang kuryente yun na dumadaloy sa buo kong pagkatao. Pero bakit ganun? 

"Ok lang ako." Sagot ko para mawala yung nasa isip ko, nagiging green minded na tuloy ako.

Huminto si Dexter at humakbang, agad siyang naupk s tabi nito sabay hawak sa kamay ni Zia.

"Let's go outside, hindi pa ako nag lunch. Hinintay talaga kita."

Akalain mo nga naman na ang dating arogante, mayabang, suplado pero ubod ng gwapo kong boss ay eto niyayaya ako kumain sa labas.

"Lalu tuloy ako naiinlove sayo." Sa isip ko habang nakatitig kay Dexter.

"Bakit ang ganda ni Zia, simple lang siya ngumiti pero parang may hatid sa'kin na kakaiba yun." Sa isip ni Dexter. Tumayo na siya at hawak pa din ang kamay nito.

Napatayo na din ako at hindi lang yun, kundi yumakap sa braso niya. 

"Shett, ang bango talaga niya " kinikilig kong sabi sa sarili ko, bahala mainggit sa'kin si Chescka atlis ako muna ang Girlfriend niya.

~

"Gerald!" 

"Uy, Dex! Ikaw pala, kamusta kayo nang Gf mo?" 

Natawa si Dex.

"Aba, ngiting-ngiti ka ha? Mukhang naiinlove ka na kay Zia ha?"

"Sira!" Pero talagang iba na ang dating ni Zia sa kanya, lalu kanina habang kumakain sila.

Ang dami na niyang piniling Restaurant, pero sa Jollibee nito gusto kumain.

Talagang natatawa siya dahil hindi ito maselan, lalu at gusto nito ang madaming gravy.

"Pangiti-ngiti! " tukso ni Gerald.

"Hay, tumigil ka nga may aasikasuhin tayo. Lalu sa unang magiging project ni Zia." Sagot niya at naunang lumakad patungo sa kanyang kotse, kanina pa niya hinatid si Zia at siguradong nagpapahinga na ito.

~

Hindi pa ako inaantok, basta nakatingin lang ako sa mga magazine kung saan makikita ang iba't-ibang babae na modelo.

Naalala ko bigla si Dexter, napapansin ko na naging mabait na siya at lagi nakangiti.

"Bagay sa kanyan naka-ngiti ang gwapo niya lalu!" Kinikilig ako at kinuha ang binigay niyang stuffed toys, ewan ko kung anu naisip at binigyan ako nang ganitong laruan. Pero atlis meron ako nayayakap.

"Hay, gusto ko na din siya yakapin. Sobra!" Bulong ko na talagang kinikilig kapag naaalala ang mga eksena namin.

#AuthorCombsmania


My Arrogant Boss ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon