🔥Kabanata 28🔥
Charmaine:
Dimitri. 09212345678
Call him? Text? Naiinis kong ibinalik ang phone ko sa higaan at bumaling. I covered my eyes with this pillow. Ba't ko naman siya i-te-text? Worst, tatawagin? Ngayon pa talaga, Maine? Kinastigo ko ang sarili ko ngayon.
I layed on my stomach and my hand crawled back to my phone.
Delete. Kelangan kong i-delete ang number niya. Right!
"Medic, stand-by! I repeat, medic stand-by!" Dinig ko sa radyo ko that I hanged on the window. I put down my phone. Hindi ko duty ngayon pero raradyohan ko si Doc. Reneir. Mukhang naka-red alert na naman ang kampo—kita ko ang pagtatakbuhan ng ilang mga sundalo.
"Doc. Reneir?"
"Doc. Charmaine, merong reported ambushed na naman sa first post ng 21IB."
"May casualties?"
"Meron, isa. May tama daw. I'm heading to now, doc."
"Sige. Balitaan mo nalang ako." I heaved a sigh. Grabe talaga ang mga rebelde sa Butan—kapwa Pilipino laban Pilipino—papatay at papatay sila.
I went back to my single bed. Nasa isang military dorm ako ngayon. I checked my time, so I still had four-hour of rest. Bumalik na naman ang atensyon ko sa phone number ni Dimitri. I blocked him actually kaya hindi niya ako matawagan or ma-kontak.
I swiped unblock and remove from block list.
I had decided!
Isang ring lang ng phone niya then, i-de-delete ko na.
I dialed his number. Hinintay kong mag-ring at kinabahan ako habang naghihintay ngayon—but it only beeped a busy tone.
Okay. Hindi naman nag-ring, so hindi ko e-de-delete. Saka ako nahiga ulit. Kumusta na kaya siya? I mean, masaya na ba siya ngayon? I wished he had a happy family with..Clara.. My painful wish.
***
Naka-idlip ako sandali. After waking up, I immediately prepared myself for my night shift duty. I wore my medical suit and grabbed my stuffs with me saka lumabas ng kwarto ko.
"Nasa recovery room na siya—grabe.. Ang gwapo-gwapo sa personal ni Dimitri!" My foot froze.
"Hays salamat naman! Sinabi mo pa—no wonder habulin ng mga babae. Siya pa talaga ang mismong naghatid ng mga relief goods dito sa Butan?" D-Dimitri is here? At ba't nasa recovery room siya? Sumikdo ang dibdib ko.
"Ah, excuse me," Sabat ko sa dal'wang nurses sa hallway.
"Ay, doc. Maine. Good evening po." Bati nila. I smiled pero hindi umabot sa tenga ko.
"How's the patient?" I want to be sure by not bringing out his name.
"Si Mr. Dimitri Istafani po, doc? Stable na po siya, doc. Nasa recovery room pa siya ngayon." I nodded and silently thanked them saka malalaking hakbang na tinungo ko ang RR where I saw doc Reneir na papalabas galing sa loob.
Iba ang tingin niya sa'kin ngayon.
"Is he fine?" Emotions flooded me. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko ngayon—he's here in Butan and he's wounded! He traced me here at kahit alam niyang delikado sinuong pa rin niya. Crazy Dimitri!
"Wala ka bang bilib sa'kin, Doc Charmaine? Tss." Ngumiwi sa'kin si Reneir pero kaagad na ngumiti. He was teasing me with his smiles. Gusto ko siyang batukan—para siyang naging aso! "..but he's fine now. May tama siya sa balikat and the surgery went well. You can get in and check him—pero bawal na muna ang yakap, doc, okay?" Ayst!
"He's married, remember? Ba't ko naman siya yayakapin?" I got an owled eyes here. Pero gusto ko na talagang tumakbo papasok sa kwarto at kumustahin ang lagay niya—but I trust doc Reneir, of course.
"He went here in Butan—to see his true love."
Tinampal ko siya sa noo. Hindi ko alam kong matutuwa ako o ano kung yun talaga ang sadya ni Dimitri dito—that would be another wreckage to his family.
Nakatayo ako ngayon sa paanan ng hospital bed niya. He was tightly closing his eyes and seemed at peace in sleeping. May benda ito sa balikat.
Dimitri. Lumapit ako rito to closely looked and see his face—kung hindi ba ito isang ilusyon lang dahil sa kakaisip ko sa kaniya lately after hearing out his..marriage with Clara..
I miss you.. Sobrang na-mimiss ko siya. Yes, I know—it should remain in my thoughts—only in the deepest of my thoughts.
Kasal na siya.
Pag-ma-may-ari na siya ng iba.
I should not risk his life again—like the last time. After two hours of staying in the recovery room, I instructed the nurse to monitor and gave him his dosage. Hours or so, magigising na siya.
***
I was at the canteen. Nalaman kong kasama niya ang ibang mga volunteers mula sa kaniyang kompanya para personal na magdala ng relief goods sa Butan when rebels tried to attacked and get their goods. Mabuti at naagapan ng mga military ang pagtangkang pagnakaw ng mga rebelde—Dimitri bought three trucks loaded of stuffs para sa mga naghihirap na kumunidad sa Butan.
"Doc Charmaine, the patient of ward 1 is conscious already," Radyo sa'kin ng nurse na naka-monitor kay Dimitri sa ward. Bumili lang ako ng mineral water sa canteen—I felt so tense inside that it dried out my throat.
"Great. That's..great." Glad he finally woke up.
"H-Hinahanap niya kayo, doc. Sabi pa nga niya, tatayo siya sa hospital bed at hahanapin niya kayo sa buong kampo 'pag hindi ka nagpunta rito ngayon mismo.." What?! Dimitri and his stubborn head!
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 2: FORBIDDEN YOU
Tiểu Thuyết ChungDimitri Istafani and Charmaine Dela Fuentes