🔥Kabanata 29🔥

3.2K 63 1
                                    

🔥Kabanata 29🔥

Dimitri:

"Is she coming?" Ulit kong tanong sa nurse. She nodded several times. I just woke up but I sensed Maine's presence earlier—she was with me. I felt a bit dizzy tuwing tatangkain kong bumangon gaya ngayon pero gusto kong umupo—I felt useless and a weakling kung nakahiga lang ako sa hospital bed.

"Yes po sir. Pero hindi pa po kayo pwede tumayo, e." She said. Nataranta ito kanina sa sinabi ko—and I knew Maine was on her way in my ward. May mga tatlo akong kasama sa ward—they were all wounded soldiers at matamang nakatingin at nagmamasid.

"I just want to seat down." I could still feel pain pero hindi na katulad kanina—maybe it's the surgical incision or something.

"Gusto niyo po ng water, sir?" The nurse asked me with her wide smile. I knew that kind of smile.

"Yes, please. And if you may get my personal belongings?" Hindi ko kasi napansin ang phone ko at mga iilan kong personal na gamit.

"Opo, sir Dimitri! E, dadalhan ko na rin po kayo ng prutas.." I arched my brows but nodded anyway. Ba't ang tagal ni Maine?

"Pambihira. Hindi man lang tayo inalok ng tubig ng nurse na yun," Maktol ng isang sundalo pero hindi ito sa'kin nakatingin. I trailed my eyes sa kakalabas na nurse sa ward. Ganun ba?

"At dadalhan pa kamo ng prutas. Tss. 'pag gwapo ka nga naman talaga, pre." Dinig na dinig ko ang sinabi nila kaya napatingin ako sa kanilang tatlo na bigla namang nagbaling ng mga tingin sa kung saang direksyon.

"Sir Dimitri, ito na po.. Tsaka prutas niyo po—masustansya yan.." She brought a liter of mineral water and some fruits—but only for me.

"Thank you. Kulang pa ng tatlong tubig—I have company here, miss. Tsaka, prutas na rin para sa kanila.." I plastered a smile to the nurse. Nang biglang bumukas ang pintoan at siyang pasok ni Maine. Napalis bigla ang mga ngiti ko sa nurse—well, I deliberately smiled para makisuyo din sa tatlong kasamahan kong nagmamaktol dito.

"Ay, doc Maine. Lalabas lang po ako." The nurse also placed my personal things beside me.

"Maine," She neatly tied her hair in a bun and leave few side bangs and wearing this white medical gown—she's undeniably gorgeous. Sa isiping nag-vo-volunteer siya sa isang lugar congested with men!

"Dimitri, you can't just scare the nurse like that. Hindi mo ito lugar." Would she really greeted me this way? I puffed an air out from lungs—I missed her so much. Gusto ko ngang isigaw, e—but I gotta respect these resting soldiers here in the ward with me.

Medyo napalakas ng sara ang bagong pasok na nurse dahil marami itong bitbit na tubig. "Ay, sorry. Heto na mga tubig niyo.." We were both eyeing the elated nurse serving bottles of water to the stunned patients. Sekretong nag-thumbs up sa'kin ang tatlo. Tsk.

"Sir Dimitri, tawagin niyo lang po ako sa station kung meron pa po kayong request. Doc Maine, sa station lang po ako.." Maine sharply eyed at my direction at nakaarko din ang isang kilay nito. The nurse finally went out the ward—she was obviously flirting at me.

Maine:

Naniningkit ang mga mata kong tiningnan ito. Kahit pa my heart was thrashing loud finally seeing him again after three months.

Enjoy na enjoy niya ang pakikipag-usap kay nurse Myca, huh.

"Well, Mr. Istafani. Mukhang wala ka namang seryosong health issues—call the station when you need something." Sabi ko saka tumalikod na rito pero 'agad niyang hinuli ang kanang kamay ko and pulled me closer to him—awtomatikong lumapag ang mga kamay ko sa dibdib niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon—I wished he'd never hear it!

"I miss you, Maine." Then he held my hand. Napaatras at lumayo ako ng kunti sa kaniya nang biglang bumagsak ang tubig na iniinom ng isang sundalo na nasa katabing bed nito.

I cleared my throat.

"I'll see you around, Dimitri." At lumabas ako ng ward. Of course, I missed him too! Hindi naman nawala yun, e—gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kaniya na sobrang tanga niya at nagpunta pa siya sa Butan.

Pero may mga nakamatang mga pasyente sa tabi nito at mukhang silent audience naming dal'wa. Tsk! I silently thanked God that he was eventually fine after the surgery.

***

Kinabukasan, I was called early by the brigadier General, Sir Delfin. Habang papunta ako sa opisina nito wala akong ibang maisip na pwede naming pag-usapan ng General—not unless the incident happened last night with..Dimitri?

Some soldiers saw how attached we were and Dimitri yelled those words—syempre, alam ng lahat ay kasal na siya!

I'd be totally reprimanded!

Mahinang katok. "Come in, Doc. Charmaine." At alam na ng nasa loob kung sinong nasa labas. Tss. I held the knob and pushed the door open.

"Good morning, General—p-papa?" Papa Leandro! Nasa tabing silya at nakaupo si papa Leandro.

"Good morning, hija. Your father is here—looking for you." Dahan-dahan akong lumapit sa dal'wa. I felt guilty towards my father—paano nalang at 'pag nalaman nitong nandito rin si Dimitri?

"Thanks to Dimitri for sending your location, hija." Si Dimitri? Dimitri told my father? Tumayo ito—he seemed..tired.

Masyado ko ng pinapahirapan si papa Leandro! But..I just wanted his family to moved on without bugging their inheritance over me. Kaya nga ako nag-withdraw for their sake.

"And Mr. Istafani is stable now, Leandro. Pwede na rin siyang makauwi." My eyes silently questioned papa. Ngumiti ito ng malapad—hindi ko masyadong naiintindihan pero ang alam ko—hindi siya galit! I reached my father and embraced him.

"I'm sorry, papa," Napapikit ako. I visioned memories when I was still young—si papa Leandro palagi ang kalaro ko. "sorry kung..umalis ako ng walang paalam.." Bumigat ang dibdib ko. I felt papa's tight embrace around me. I felt so relieved—and loved from my father.

"Don't be sorry—it's my fault. I miss you and I wish you to go home—may pag-uusapan din tayo tatlo ni Dimitri." I wiped my tears away and looked at my father. A-Anong pag-uusapan naming tatlo?

Good Boys Gone Bad Series 2: FORBIDDEN YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon