🔥Kabanata 4🔥
Charmaine:
Nakaharap ako sa maliit nilang salamin. I was checking my forehead's wound. Alam ni papa Leandro na kababalik ko lang—I was wondering kung paano nila lulusotan si papa? Ano na naman kayang kasinungalingan?
I breathe hard nang kunin ko ang plaster mula sa sugat ko—it's still fresh, parang hindi bumubuti. Well, alcohol nga, e, wala sila rito.
"Magandang umaga!" Napaiktad ako nang biglang bumungad sa pintoan ng kubo si Dither. Ano na namang ipinunta niya rito? Kahapon, halos gabi na itong nakauwi.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya when his eyes were glued straight to my wound. There something in his eyes—it was so familiar that I really deviate myself not to recall it.
"Nasa bukid sila ni Mang Nestor." Inirapan ko siya saka ko ibinalik ang plaster sa noo ko.
"Uy, madumi na yan! Ba't mo ibinalik—your wound surely will get infected." Of course, alam ko! Pero huli na. He came near me like an expert checking my forehead. Wala akong nagawa—I was frozen by his sudden action.
I was now staring at his eyes. Startled by how he was so concerned over me!
"Wala ka na palang plaster at pang-disinfect sa sugat mo.. Let's go—ipagamot na'tin yan, Maine." W-What? Sabay hawak sa kanang kamay ko and dragged me out the house. H-Hey!
"No, ayoko." Sabay bawi sa kamay ko na 'agad rin naman niyang kinuha ulit. Ayst! "H-Hey! What's wrong with you!?" Pumiksi ako. Hindi naman ako galit—nagulat lang ako sa aksyon ng isang estranghero na katulad niya.
"If ever ma-infected yang sugat mo, Maine—walang pera sina Mang Nestor para ipagamot ka—"
So?! I couldn't help not to raise my brow habang inaayos niya ang bike niya ngayon. "At ikaw, meron kang pera, ganun?" Pinasadahan ko siya ng tingin. At aangkas ako sa bike niya?
"Oo naman," Kiming sagot niya sa'kin saka sininyasan akong maupo sa may gawang tabla na nasa harapan. "Isuot mo 'to.." Ibinigay niya sa'kin ang kaniyang suot2x na sombrero.
"At ba't mo naman ako tutulongan?" Seryoso kong tanong rito. Matama niya akong tinitigan and then he heaved a sigh.
"Dahil gusto kita," Ano? "..dahil gusto lang kitang tulungan. Dali na, angkas na." G-Ganun ba? I was so doubtful pero alam kong may punto siya—I need this wound to be at least, treated and medicated properly.
Tahimik naming binabaybay ang daan patungong bayan sakay ng bike niya ngayon. 'Di ba ako masyadong mabigat? I mean, ang bagal ng takbo ng bike.
Mahangin ang lugar at kahit saan ka tumingin, maraming puno kaya malilim ang daan kahit pa man ay mainit ang panahon.
All my life, I had been living in luxury. Kahit nasa malayo ako—papa Leandro made sure that I had the most convenient life. I never imagined I would missed this peaceful life in the coutry side. Kasama noon si mama..
Dimitri:
This? This is a good exercise! I didn't know why I was doing this to myself—pretending that I was a nobody to this woman.. But one thing na alam ko?
I am happy.
Kahit hindi naman niya ako nginingitian—okay lang. Excited akong bumalik kaagad dito. Actually, my plane landed an hour ago—kina Mang Nestor kaagad ang tungo ko. At binili ko pa ang isang kubo na katabi lang nina Mang Nestor.
"Narito na tayo." Itinabi ko ang bike sa gilid ng kalsada. For how many years, ngayon lang ulit ako naka-padyak ng bike ulit.
"Mataas pa ang pila." She noticed the long queued line of the patients outside Doctor Patrick Sandoval's clinic.
"Ako ang bahala." I again reached her hand saka hinila siya papasok sa loob. She was wearing this floral hawaiin shirt na obviously ay hindi sa kaniya dahil sobrang luwag at ang abot hanggang paa na palda nito. Everyone was eyeing at us and I was hoping that my 'magsasaka-look' wouldn't gave any clue to all of the patients here.
"Good morning po, doc." I greeted the astonished doctor with our entrance. Medyo hesitant pa si Maine na pumasok dahil sa pila pero—this doctor knew me. Kaibigan ko rin si Patrick so, okay lang.
"Di—" Nagulat ito. I immediately signalled him to cut it off.
"Dither po, nakilala niyo pa po ako?" Tulalang tumango naman siya. Sakto ring katatapos lang niya sa isang pasyente.
"D-Dither, right. Of course, maupo kayo.." I smiled at my friend here. He's playing smart too! Meron din siyang isang clinic sa syudad—he's also a family doctor kaya madali lang sa kaniya na makilala ako kahit pa man sa suot ko ngayon.
He started to check Maine's wound and treated it properly without blinking her eyes. Was she made of stone? I was expecting her to be frightened, at least.
Pero hindi, e.
She was hard as stone.
Damn.
"So, what's with the game? Who is she, huh?" Nauna ng lumabas si Maine and guess Patrick here badly wanted this conversation.
So, wala pang balita na may nawawalang turista sa lugar? He would have known! Pero mukhang wala naman..
"She's a friend. Anway, I shall go now. I could trust you, right?" Nailing ito. Of course, what I meant was for him not to tell anyone na nagsadya ako sa clinic niya.
Saka nagmamadali na akong lumabas ng clinic. Maine was standing outside and seemed searching the busy road.
"Hey, anong meron?" Tanong ko. Tiningnan ko rin ang gawing tinitingnan niya. She seemed agigated and anxious. What happened?
"Yung bike mo—ninakaw." What!?
***
Charmaine:
He should had seen his face. Lalo na ngayon na naglalakad lang kami pabalik sa barrio nila. His face was so problematic. Kasi naman, kina Mang Nestor yung bike!
Tsk. Sinulyapan ko siya. If only, I had my credit card and gold cards—I could bought him a new one. He truly helped me today—I didn't expect such arrogant man the first time we met turned to a gentleman.
"Don't worry too much, Dither—bibili ako ng bago. I can't promise when pero bibili ako." Medyo nagulat pa siya nang sabihin ko yun. Why? Ayaw niyang maniwala? I have lots of money! Hindi dahil sa mayaman ang pamilya ko but I worked hard in Russia to earn my own cent.
"Hindi ako nagwo-worry sa ninakaw na bike—at sa tingin mo talaga hindi ko kayang bumili ng bago?" Naiinis ang tono niya ngayon. Did I say something bad? He switched his moods like crazy! Lumabi pa nga ito sa'kin. Tss! Look at him, suot niya ngayon ang tattered niyang maong na kupas at paos niyang t-shirt. Sa tingin ko naman talaga at hindi siya bagay sa kaniyang postura—he is just..too handsome.
"Alam kong wala kang pera, Dither. Tsaka, hindi masamang aminin na wala ka talagang pera.." Sagot ko rito. Napamuga siya ng hangin saka natawang bigla. May sasabihin pa sana ito nang matapilok ako sa isang bato at nasira pa talaga ang hiram kong tsinelas ni Manang Ester! Hayst..
This is crazy.. Gusto kong matawa sa sitwasyon ko ngayon. Nanakawan na nga kami ng bike—nasira pa ang tsinelas ko at mukhang malayo-layo pa ang lalakin namin ni Dither.
"I'll carry you, hop on. May sugat ka pa sa paa kaya mahihirapan ka lalo 'pag walang tsinelas.." Then he offered immediately his back for me. Jeez.. Why is he doing this? And why am I feeling so..flattered?
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 2: FORBIDDEN YOU
Ficção GeralDimitri Istafani and Charmaine Dela Fuentes