🔥Kabanata 10🔥

4.2K 66 3
                                    


🔥Kabanata 10🔥

Charmaine:

Was I too harsh earlier? I was here standing and waiting in queue sa poso na malapit lang naman sa bahay. Marami din ang nakapila. Kasama ko si Nico para mag-igib ng panligo ko pero may hinatid pa siya sa bahay nila. I was standing here and hell, all were eyeing at me. They were gossiping as if, I couldn't hear them out. Tsk.

"Yan nga, yan yung babae kanina na talagang sinundan si seniorito.."

"Aba, ambisyosa pala yan."

"Naku, sinabi mo pa. Siguro gustong bingwitin si seniorito dahil nagagandahan siya sa sarili niya. Hmp. Hindi naman masyado—isang ligo ko lang naman yan.."

Lumakas pa lalo ang hagikhikan nila na nasa likuran ko lang. Ang ibang tao ay sa kanila na nakatuon at hindi na sa'kin. Malapit na ring dumilim.

"E, maganda naman talaga—artisahin, e."

"Hmp. Kaya ba gagamitin niya yun para akitin si seniorito? Naku, ikakasal na nga kay Clara, e.."

"Pero mas maganda pa siya kay Clara. Aminin natin.."

"Pero que bago-bago dito sa baryo—kumakarengkeng na 'agad. Siguro prostitute yan sa syudad kaya ganyan ang ayos kasi may maintenance."

Dun naningkit ang mga mata ko. What did she say? Nilingon ko sila in slow motion—if only they had seen their stunned faces right now. Kung nakamamatay lang ang tingin.

"Can you repeat what you said?" Nakaarko ang kilay nilang dal'wa pero bigla ring bumaba dahil sa tanong ko. I am not kind to animals. Kakatay ako 'pag gusto ko..

"W-What?"

"Aysus! Marunong yang magtagalog 'no—pero sige, ingleshan mo rin!"

"What did you just say about me working as what in the city?" I repeat pero gusto ko na silang pag-uuntuging dal'wa. Sunod-sunod na lumunok sila ng laway habang ang isa'y umatras. But this one, who called me 'prostitute' had her guts to face me—bitches were all here too. Akala ko sa mansyon lang meron.

"I said---kuwan, I say—you..is..p-pr—"

"Ituloy mong sabihin ang salitang yan—at ipapasok ko 'tong isang balde sa bunganga ninyong dal'wa. Hindi na nga kayo magaganda—ang sasama pa ng ugali ninyo." Nanggagalaiti kong sabi but in a low tempo. Lasapin nila ang bawat salita ko ngayon dahil wala akong pakialam kung hanggang saan ang sungay nilang dal'wa. "At sa susunod na nang-tsi-tsismis kayo, hinaan niyo pa yung boses niyo para 'di ko marinig at nang hindi ko isaksak 'tong balde sa malalaki ninyong bunganga." I sharply stared at the two before I turned away bitbit ang isang balde ng tubig nang biglang may mga kamay na umawat sa'kin at inagaw ang balde mula sa kamay ko.

Sino pa?

"Ako na," Dimitri. Isa pa 'to, e! This. This was exactly what I was talking about kanina nang sabihin ko sa kaniya yun! See? Kung anu-ano nalang ang mga naiisip ng mga tao laban sa'kin dahil lapit siya ng lapit!

This was because of him!

"At kayo," I didn't anticipate his move right now. Hinarap niya ang dal'wang tsismosa na nakaaway ko ngayon. Narinig niya ba?

" 'Wag niyong pagsalitaan ng masama ang girlfriend ko. Ako ang unang makakabangga ninyo. Maliwanag?" A-Ano..!? Anong sinabi niya?! Naiwan akong nakatanga at kung hindi niya pa hinablot ang kamay ko ngayon and pulled me away with him—hindi ako gagalaw.

"A-Anong sinabi mo—what the hell did you just do, Dimitri?" I couldn't believe he said with ten people or more around us—narinig lahat ng sinabi niya habang ang alam ng lahat ay ikakasal siya! "..the f**k's wrong with your brain? Ikakasal ka tapos sasabihin mong girlfriend mo ako!?" Where's your brain, stupid! Gusto kong idagdag! Hindi siya nagsalita at tuloy-tuloy lang ang lakad namin pabalik sa bahay nina Mang Nestor.

Good Boys Gone Bad Series 2: FORBIDDEN YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon