Minsan kahit yung sarili nating timpla ay 'di na masarap. Minsan yung parehong dami ng halik at yakap ay 'di na sapat. Minsan yung dating damdamin ay 'di na nanunuot katulad ng sampyong tila di na makilala sa isang singhot.
Ginamit natin yaong salitang minsan sapagkat diyan nagsisimula ang panlalamig na 'di na napupukaw ng kahit na anong uri ng kape. Diyan nagsisimula na kahit alam mong 'di na asukal ang inilagay mo sa iyong kape kundi asin, sinubukan mo paring hinalo sa mainit na tubig kasi di mo na nahanap sa asukal ang dati nitong tamis.