Kagalakan natin noon ang lumabas 'pag gabi dala yung flashlight tinutumbok ang mga sanga o mga halamang hagunoy o kaya ay sa mais. Masaya tayo kapag pagsapit ng gabi nakikita natin yung gagambang pa ikot-ikot habang tinatahi ang bahay upang makakain sa lilim ng palabang buwan.
Kagaya mo, masaya ang buhay kahit pinapaikot ng taong mahal mo. Ang gagamba pagsapit ng araw, mamawala ang sapot at tayong mga bata hinahanap-hanap ang sapot upang mahanap ang nagtatagong gagamba.
Pamilyar? Ikaw yan, nagkakilala kayo isang gabi, isang halik minahal mo na, pagsapit ng umaga, wala na siya, hinahap-hanap mo kahit nagmumukha kang tanga. Gagamba ka! GAGA- M-alamang BA- liwala.