Saranggola

71 5 0
                                    

Minsan napakalakas ng hangin tinatangay nito ang mga bagay na magagaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Minsan napakalakas ng hangin tinatangay nito ang mga bagay na magagaan. Nakita ko yung bata na kinuha yung saranggola niya at pinalipad ito. Makikita mo yung sayang namutawi sa kanyang mga mata. Di nagtagal napagod siya kaya pagkakita niya sa sanga ay itinali niya ito dito.

Napansin kung ang isang batang tinatanaw siya sa malayo ay tumakbo nang mabilis at kinuha ito. Pagkatapos ipinalipad ito ng mas mataas pa at mas sinubrahan ang saya niya na patalon-talon pa ito kapag sobrang lakas ng hangin.

Masaya akong napagmasdan ang saya ng dalawang bata.

Teka! Parang iba yung inasahan mong kuwento? Nasanay ka kasing tingalain yung taong 'di pa ra sayo, kaya inakala mong damputan ito ng bagay na pagmamay-ari na ng ibang tao.

_petertomas

HAY NAKU! HAIKUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon