Kung 'di mo magpatulog, pagpatulog pud mo!
Alam ko marami na ang napagsabihan ng isang kapitbahay dahil kahit impunto alas dos na ng gabi,"ibuhos-na-ang-beer-sa-aking- lalamunan" tempo ang nagpapasaya sa malamig na gabi at nanlalamig na puso ng isang kabarkada. Sigurado ako binato na rin kayo dahil nung pinagsabihan na manahimik ay di pa rin natinag at mas tumindi pa ang kulitan . Alam ko napakasaya ng mga panahon na iyan. Alam niyo rin yan.
Pass muna pare, tapos sasaluhin ka ng kasama mong alam na mahina kang nilalang pagdating sa inuman, minsan nga nagiging biro na ang namatay na lasinggo dahil nilumot yung baso, Uy! Nasabi mo na yan sa katropa mong marami yung salita kasi nililito kayo dahil tatakas na kapag walang nakakita? Pamilyar? Mention mo! Kilalanin natin!Ngunit sa lahat ng inuman, maraming kuwentong barkada ang napakahirap kalimutan. Maraming mga tawanang naririnig pa rin hanggang sa ngayon kasi umaalingawngaw sa taenga. Marami ring luha ng kabarkadang naluko, napaasa, nasawi, nabasted, at higit sa lahat ipinagpalit kasi di kagwapohan ang nagugunita.
Shat mo na pare, shat mo muna yung isang baso ng alaala niyong magkakaibigan, shat mo muna yung mga payo mong kinalimutan kasi " mahal ko kasi pare eh! Di ko kaya! Yung parating tugon niya, at shat mo muna pare para sa mga kaibigan mong naalala mo habang nagbabasa ka nito.
Uy! Natakam! Wag muna pare baka makulong ka! May ban pa, mas mabuti munang marinig ngayon ang mga katagang " Pass mo na ako pare".
_petertomas