May kakilala ka bang kinindatan lang na inlab na? O di kaya ay nanalo lang ng Mr. At Ms. Nutrition kala mo artista na umasta? Meron siguro? Pero di ko naman sinasabing mali, sa ibang POV baka mali talaga.
Noong hayskul tayo napakarami ng mga ganitong kaeskwela, baka nga naranasan mo rin? Napakamot ka bigla? May naalala ka? Baka yung bestfriend mong naging Ms. UN tapos di ka na pinansin kasi di na kayo ka level, o di kaya yung kaibigan mo sa Grade 8 na nagkaroon ng kasintahan sa Grade 10 kaya akala na kung nakajackpot, iniwan ka bigla?
Yung akala nila noon na nagliliwanag na sila kasi naging sikat sila sa loob ng isang lingo ay hindi ko namang sinasabing mali kasi nadaragdagan nga ang kumpyansa nila sa sarili, ngunit sabi kasi nung guro ko sa kolehiyo nung first year ako, " Sa inyo ramong bukid sikat". Pamulat yun na hindi ka talaga nagliliwanag sadyang inakala mo lang.
Yung punto lang mga kaibigan kahit sa taas nang naabot mo, matuto kang magpakumbaba kasi may mga taong mas matalino, mas maganda, mas wasto, mas magalang, mas talentado, mas may pinag-aralan, mas may asal, at mas may kakayahan na di mo man nakita o narinig na pinangalandakan nila kung anong meron sila ay talagang nakahihigit talaga.
Huwag mong sabihin na alam mo na lahat, bigyan mo parati ang sarili mo ng espasyo upang sa bawat araw, binibigyan mo ito ng pagkakataong matuto.
_petertomas