Torpe #1. Si Badboy:
Siya yung mahilig mangasar sa babaeng gusto niya. Wala yatang araw na hindi siya magpapapansin. Kung minsan masyado ng effective yung pamamaraan niya na halos mabwisit na sa kanya yung babaeng “gusto niya” na lagi niya inaasar. Mukhang hindi makausap ng matino. Torpe siya na hindi magawang umamin ng direkta kaya ang tanging paraan na lang niya ay biru-biruin si babae. Mukha man siyang nangaasar, eh may halong katotohanan sa loob- loob niya. -
Torpe #2. Si Mr.Smile:
Siya naman yung friendly sa lahat ng babae kaya hindi mo malalaman kung sino talaga ang gusto niya. Magaling siya magtago dahil kahit siya mismo ay nagagawa pang tuksuhin sa iba ang babae na gusto niya. Pero sa loob-loob niya eh kumikirot-kirot na ang puso niya dahil sa ginagawang kaplastikan para lang hindi maipahalata ang kanyang feeling. Pero kung magaling ka kumilatis. Iba pa rin ang pakikitungo niya sa nagiisang babaeng yun, kaysa kung paano siya sa iba. -
Torpe #3. Si Poker Face:
Siya yung walang-pakelam na torpe. Hindi ka niya aasarin, hindi ka kakaibiganin, bihira ka lang niyang kakausapin. Minsan kapag tipong may kailangan lang talaga siya, doon ka lang niya kikibuin. Suplado kumbaga. May pagkamisteryoso rin dahil nga hindi mo siya lubusang makikilala kung hindi ka pa eeffort. Hindi mo mahahalata na may lihim na pala siyang pagtingin dahil napakagaling niya talagang maglihim. Pero kahit ganyan siya, lihim siya gumagawa ng paraan upang mapalapit sa’yo. Mahalaga na para sa kanya yung mga simpleng hiraman ninyo ng ballpen o kung ano man pagkakataon na mapapalapit siya sayo. -
Torpe #4: Tipikal: Siya yung tipikal na torpe na karaniwang alam ng mga babae. Yung shy type, yung natatameme kapag kausap na ang babaeng gusto niya. Yung nahihiya kapag magkatabi na sila. Yung madalas asarin ng barkada niya o yung tinutulungan pa ng barkada niya para lang mapalapit sa babaeng gusto niya. Medyo mahina ang loob. Hindi lang siguro niya alam kung paano gagawa ng daan upang mas makagaanan pa ng loob si babae. Siya yung madalas umiyak kapag nalalaman o nakikita na may ibang gusto si babae. Epekto na rin marahil ng panghihinayang niya na sana ginawa niya ang ganito, ganyan.
(© https://smilewhenithurtsmost.wordpress.com )
Alin kaya sa apat na yan si Iman ? Basahin niyo nalang.
Mag-comment at mag-vote ! -JeyDi ♡♡♡
BINABASA MO ANG
THE CYCLE (hiatus)
Novela JuvenilMinsan may mga pangyayari sa buhay natin na mauulit ng mauulit. Magmamahal ka masasaktan ka. Susuyuin ka niya magkakaayos kayo. Tapos iiwan ka ka rin niya. Pero sa kabila ng lahat , darating ang araw na magtatagpo at magtatagpo parin kayo. Pakawalan...