Inip na inip akong nakikinig sa professor ko habang nagtuturo sya. Wala ako sa mood mag aral ngayon dahil inaantok pa rin ako. Ni review ko naman na ang discussion nya ngayon at pakiramdam ko ay wala naman akong matututunan sa kanya dahil puro pagbabasa lang ang ginagawa nya. Nagbuntong hininga ako at dumukdok sa table ko, nagsimula akong gumawa ng tulog. Kakapikit ko pa lamang ay agad na akong kinalabit ng katabi ko.
"Hoy makinig ka. Wala akong kokopyahan mamaya sa quiz." Bulong sakin ni Alira dahil alam kong ayaw nya ng subject na 'to.
"Bala ka dyan" Sagot ko sa kanya at nagsimula uling matulog pero hindi ata ako patatahimikin nito dahil pilit parin syang nangangalabit
"Ano ba Alira? Inaantok ako" Medyo napalakas kong sabi. Nagulat sya at biglang napatingin sa paligid, saktong sakto ang pagtatama ng mga mata namin ng prof ko sa harap habang nagtuturo.
"Patay" narinig kong bulong ni Alira dahil alam nyang mapapagalitan kami.
"Miss Alvarez and Miss Alvaro stand up" Kalmado ngunit masungit na sabi ng prof ko. Agad na tumayo si Alira at medyo kinakabahan pa. Napapailing na lang ako sa katangahan ng kaibigan ko. Kung sana ay hindi n'ya ako ginising, hindi sana kami mapapansin.
"Si Alvaro lang ba ang tinawag ko?" Tanong ng prof namin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumatayo.
"Tsssss" tamad akong tumayo at tumingin sa kanya
"Ano'ng pinag bubulungan n'yo ? Baka gusto nyo i share" Nakataas ang kilay nya habang nagsasalita
"Ginigising ko lang sya sir. Ayaw nya po kasi makinig sa'yo" Malakas na sabi ni Alira. Peste pala to, nilaglag pa ako. Kaibigan ko ba talaga sya? Sinamaan ko lang sya ng tingin,pang asar na ngiti lang ang sagot nya.
"Really? Miss Alvarez ?" Tanong nya sa akin
" Inaantok ako" walang galang kong sagot sa kanya. Natawa sya at nailing sa sagot ko
" Recite the 1987 Philippine Constitution Preamble Alvarez , pag na recite mo ay makakaalis kana sa klase ko" panghahamon nyang sagot.
Napairap ako dahil puta preamble lang pala eh. Mabuti na lang ay kinabisado ko 'to kagabi.
Tahimik ang klase habang si Alira naman ay nakatangang nagiintay ng sagot ko. Nakangisi naman ang bwiset kong prof.
"Sir! Di mo pa po nga yan natuturo" Sabat ni Alira, Nakonsenya siguro ang gaga
"We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution" oras na marecite ko iyon ay agad ko'ng kinuha ang bag ko
"Bye sir" Nang aasar kong sabi sa kanya, nakita ko pang lumapad ang ngisi nya dahil sa ginawa ko na 'yon.
Pagkalabas ko ng room ay agad akong dumiretso ng library para matulog dahil sa antok ko. Kung hindi naman dahil sa inutos nung prof ko na yon ay hindi ako mapupuyat. Nilabas ko ang makapal na hard copy ng ginawa kong report para hindi malukot, Mamaya ko na iaakyat sa kanya. Naisip ko ang kabastusan ko sa kanya kanina ngunit alam kong wala lang sa kanya 'yon. We're close actually. Isa ako sa mga pinagkakatiwalaan nyang estudyante. Parang kapamilya na ang turing ko sa kanya kung minsan nga lang ay na iissue akong teacher's pet.
Nilabas ko ang cellphone ko para i text si Alira, sinabi kong im just in the library para matulog. Hindi ko na inantay ang reply nya dahil alam kong nag q-quiz na sila ngayon. Nilabas ko din ang earphone ko at sinaksak sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Being found
RomanceSienna Elora Alvarez, A girl with a strong personality. Inlove sa lalaking malaki ang koneksyon sa kanya Kaya hindi maaring maging sila. A lot of trials and challenges ang maghihiwalay sa kanila but their love is strong and powerful.