Chapter 9

14 0 2
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sagot nya sa akin. Hindi ito tama. May fiancé sya at hindi dapat sya nagiging ganito sa akin. Hindi ko maintindihan. Kumunot ang noo ko.

"Hindi pwedeng ayaw mo Isaac. Iyon ang tama at alam mo yan" Sagot ko sa kanya at nanatiling nakakunot ang noo ko.

"Bakit kailangan kong mawalan ng pake sa'yo? Kaibigan kita" Sambit nya

"Exactly! Kaibigan mo ako! Kaibigan mo lang ako at may girlfriend ka na, ikakasal kana" May diin ang bawat salitang binibitawan ko. Hindi ko sya pwedeng hayaan na maging ganito kagago kahit nagugustuhan ko ang mga ginagawa nya sa akin ay mali.

Ilang sandali kaming natahimik, walang nagsasalita. Bumuntong hininga ako at tumayo na ngunit.

"I'm not inlove with her" sambit nya at bakas sa boses nya ang pagka seryoso. Umupo muli ako sa tabi nya at di makapaniwala. Paanong hindi nya mahal eh umabot sa puntong ikakasal sila.

"Paanong hindi? Eh magpapakasal na nga kayo" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Lumingon sya sa akin.

"Hindi ko gusto. Si mama lang ang may gusto and the reason why I'm here in the Philippines is to escape. Tumakas ako para hindi matuloy ang kasal ngunit alam kong sa mga susunod na panahon ay matutuloy pa rin" pagpapaliwanag nya. Kung ganon ay wala syang nararamdaman sa babaeng papakasalan nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Wala pang nagmamay ari ng puso nya ngunit may may nagmamay ari sa kanya.

"Is the girl, like you?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na inisip ang sarili ko at inisip na lang sya. Wala pala syang karapatang pumili ng mamahalin. Ganon ba talaga pag mayayaman? Fixed Marriage ba talaga ang sagot para umangat pa lalo ang kompanya o ang kayamanan nila. Iyon ba talaga ang mahalaga? Wala ba talagang halaga ang tunay na laman ng puso.

"She's inlove with me." Sagot nya sa akin. Natahimik ako doon.

"We're friends but I don't have special feelings for her. My Mom like her so much for me. Pumunta ako ng Pilipinas because I want to enjoy my life, i want to live my life the way I wanted to kahit sa maiksing panahon lang. Walang nagawa si Mama, hinayaan na lang nya ako dito. But I know susundan nya ako dito." Malungkot na kwento nya, kung ganon ay napakahirap pala ng buhay nya.


Nahahati sa dalawang desisyon ang puso ko. Hahayaan ko ba na mahulog ako sa kanya sa maiksing panahon? Ngunit hindi rin naman ako sigurado sa nararamdaman nya sa akin.


O pipigilan ko na ang sarili ko habang maaga pa nang sa ganoon ay wala akong pagsisisihan kapag dumating ang araw na kailangan ko na syang pakawalan. Hindi ko na alam. Maraming bagay ang hindi sigurado.


"Wala ka bang balak ipaglaban ang nararamdaman mo? Susundin mo talaga ang Mama mo?" Tanong ko sa kanya,hindi ko alam ang takbo ng isip nya ngunit kung ako yon ay hindi ko hahayaang kontrolin ang buhay ko lalo't alam kong hindi ako magiging masaya.


"Wala. All my life sinusunod ko sya. Ang hiling ko lang naman sa kanya ngayon ay hayaan nya muna ako" Sagot nya. There! Wala syang nararamdaman sa akin. Hindi nya kayang suwayin ang gusto ng Mama nya kaya alam ko na ang patutunguhan nito. Masasaktan lang ako sa dulo.

Ngunit bakit parang ayos lang sa akin? Bakit parang gusto ko lang hayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya sa maiksing panahon? Parang gusto ko na lang sulitin yung oras na makakasama ko sya. Tanga na kung tanga pero 'yon ang gusto ko. Bahala na. I'll just go with the flow. I want to make him happy.

"If that's the situation. Can you spend your little time with me? I want you to live your life the way you wanted to but pwede mo ba akong isama don?" Walang alinlangan kong sagot sa kanya, Hindi ko alam ang magiging kahihinatnan nito, ang alam ko lang I want him to be happy. I want to be part of his life for a short period of time, kahit alam kong ako ang talo pagdating sa dulo. Sugal na 'to.

Being foundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon