Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko si Isaac. Katabi ko sya ngayon sa jeep at naka kunot ang noo. Medyo malayo kasi ang terminal ng bus kaya kailangan pang mag jeep.
"Sana kasi dinala natin yung sasakyan." Aniya. Umirap na lang ako sa kaartehan nya. Damn this guy! Mas maarte pa sa akin. Gustong gusto nyang dalhin ang sasakyan nya ngunit hindi ko pinadala. Mga 2-3 hours kasi ang byahe at naka depende pa iyon sa traffic.
"Wag ka na mag inarte, Nandito na nga tayo eh" Naiinis na sagot ko sa kanya. Nahirapan kasi kaming sumakay kanina sa jeep dahil punuan naman palagi at nakipag siksikan talaga kami. Ano ba kasi ang naisip nya at sumama pa sya sa akin? Nagpapahinga na lang sana sya.
"Hindi ako nag iinarte, Inaalala lang naman kita" Sambit nya ngunit pabulong. Hindi nya alam na mas mahirap ang pag ko commute na ginagawa ko dito. Pero napangiti ako dahil inaalala daw nya ako.
Pagkarating namin ng bus terminal ay wala naman masyadong pasahero kaya nagtabi kami sa upuan ng bus. Naninibago ako dahil kung dati ay nag iisa lang ako , ngayon ay may kasama na. Naiinggit ako dati sa mga nakikitang kong mag jowa na magkasandal. Napapa sana all na lamang ako doon. Ngunit ngayon may kasama ako pero hindi ko naman jowa. Hindi ko rin masasandalan!
Pinauna nya ako kaya ako sa tabi ng bintana, Pabor din naman sa akin dahil may masasandalan ako kahit papaano. Hindi alam ni Nanay na uuwi ako kya paniguradong magugulat sya ngunit mas magugulat sya pag nakita nyang may kasama ako at lalaki pa. Bahala na, wala naman akong problema kay nanay. Ang iniintindi ko lang ay ang mga kapitbahay naming chismosa.
Ako na sana ang magbabayad ng pamasahe namin ngunit naunahan nya ako dito.
"Uuwi rin ba tayo bukas?" He asked. Hindi ko pa rin alam kung uuwi kami ngunit kung ako lang mag isa ay baka bukas na ako umuwi pero dahil kasama ko si Isaac ay baka mamaya ay umuwi na rin kami. Nakakahiya naman kung sa bahay pa sya matutulog at baka umabsent pa sya dahil sa akin.
"Anong bukas? Uuwi rin tayo mamaya, May pasok tayo diba?" Sagot ko sa kanya
"Is that enough time for you? You should bond with your mother" he said. Alam ko naman ang ibig nyang sabihin ngunit wala naman akong magagawa, gusto ko lang ibigay sa nanay ko ang regalo ko. Hindi nga rin pala alam ni Isaac na birthday ni nanay ngayon, sabagay hindi naman na nya kailangan malaman.
"Wala naman akong magagawa eh, May pasok bukas. Di naman pwedeng um absent" natatawa kong sagot sa kanya sa sumandal sa bintana, Naghikab ako dahil nakaramdam ako ng antok. Normal na kasi sa akin ang pag tulog kapag nasa byahe ako, Kadalasan nga ay di ko namamalayan ang oras.
"Matutulog ka ?" He asked. Nakapikit na ang mata ko at tumango na lamang ako sa kanya. Sa sobrang lapit namin sa isat isa at naamoy ko na naman sya. Mukhang mas makakatulog ako ng maayos.
"Mmm. You should sleep too. Malayo pa tayo" sambit ko sa kanya at nanatiling nakapikit.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay Nakapikit lang ako ngunit hindi ako makatulog dahil masyadong mabilis ang andar ng bus kaya nauuntog ako sa bintana.
Maya maya lang ay naramdaman kong hinihilig nya ang ulo ko sa balikat nya. Nagkunwari akong tulog ngunit humahataw ang puso ko. Damn! A very simple act of him.
"Sleepyhead" bulong nya. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong matulog sa balikat nya. Mas kumportable tuloy ako.
Pagmulat ko ng mata ay naramdaman ko ang ulo nya na nakapatong na rin sa akin. Napangiti ako doon, siguro ay nangawit na rin sya. Sakto pala ang pag gising ko dahil malapit na kaming bumaba. Hindi maulan dito sa Bulacan hindi rin maaraw, makulimlim lang. Siguro ay may pasok ang mga estudyante dito hindi kagaya sa Manila.
BINABASA MO ANG
Being found
RomanceSienna Elora Alvarez, A girl with a strong personality. Inlove sa lalaking malaki ang koneksyon sa kanya Kaya hindi maaring maging sila. A lot of trials and challenges ang maghihiwalay sa kanila but their love is strong and powerful.