Nakapagdecide kami ni Alira na mag Padi's point sea side na lang kami, gusto na lang daw nya mag chill at ayaw nya masyadong mag party. Sumang ayon naman ako doon,Mas gugustuhin ko na lang din na uminom ng tahimik doon at makinig sa mga banda.
8pm ng naghanda kami ni Ali. Nagsuot ako ng denim skirt, Black fitted long sleeve at off shoulder pa ito, nagsuot din ako ng black boots. I curled my hair,then red lipstick. Lumabas na ako ng living room and i saw Ali wearing ripped denim shorts and White spaghetti strap, medyo makapal din ang make up nya ngunit bagay na bagay naman sa kanya,
"Picture tayo" Anyaya nya sa akin. Nilapitan ko sya doon at sinamahan mag picture, Ilang pose pa ang ginawa ko dahil nga hilig ko ang mag picture, Hindi kami umalis hanggat hindi nakakakuha ng magandang anggulo.
"Pwede ka talagang mag model, Tignan mo ang sexy mo dyan" Sambit nya habang tinitignan ang mga pictures.
" Hindi kita maililibre, alam mo naman poor ako kaya wag mo na akong bolahin" natatawa ko din sagot sa kanya at nakitingin na din ng pictures.
"Baliw. Hindi naman ako nagpapalibre, and ako ang taya ngayon" Sagot nya akin at hinila na ako paalis ng unit. Pagdating namin ng lobby ay may grab driver na kami doon, Nag book na si Ali. Malamang ay mahihirapan kaming mag commute dahil nga sa suot namin. Minsan lang naman kami lumabas kaya hinayaan na lang.
Pagkadating namin ay doon ay marami na ang tao ngunit hindi naman masyadong nagkakagulo kagaya sa bar. Kumain muna kami ni Ali bago uminom, Aniya'y ayaw daw nyang uminom ng walang laman ang tyan.
"Ghorl,Makakabingwit ba tayo dito?"Tanong nya sa akin. Natawa ako don,kung siguro ay sa bar kami nagpunta ay mayroon na, Dito ata ay malabo.
"We'll see" Natatawa kong sagot sa kanya. Mabilis na lumipas ang oras at umiinom na kami ni Alira, puro beer lang ininom namin dahil nadala na ako sa hard liquor, Ayokong mahirapan si Ali sa pag uwi sa akin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko.
Nakaka 2 buckets of beer na kami ni Ali, Wala pa naman sa amin ang tinatamaan ngunit nagpaalam sya para mag cr. Naiwan akong mag isa table namin, hindi nagtagal ay may lumapit sa table.
"Hi, Can I sit here?" Tanong nya ng nakangiti. Pinagmasdan ko sya mulo ulo hanggang paa. Naka khaki shorts lang sya at Black shirt, May itsura at maangas tignan, Pero mas maangas pa din si Isaac. Darn! Why do I keep thinking about him? Kinukumpara ko pa sya.
"Oh sure, you can sit" Ngumiti ako sa kanya, Ilang minuto na rin ang lumipas at marami na ang natanong nya, masarap naman syang kausap at alam kong he's hitting on me.
"So , You alone?"Tanong nya sa akin habang umiinom. Ngayon ko lang naalala si Ali, napakatagal naman nyang bumalik. Ano na kaya ang nangyari don? Winala ko sa isip ko na napahamak sya dahil alam kong hindi naman sya lasing, at mataas ang alcohol tolerance nya, Malamang ay naglibot lang sya.
"No, I'm not. I'm with my friend" Sagot ko sa kanya, kumunot ang noo nya. Malamang ay kanina pa nya ako kausap ngunit wala naman akong kaibigan na kasama.
"No one's here with you for a minute.Maybe wala ka talagang kasama? Gusto mo ako na lang samahan mo buong magdamag?" Nakangisi sya habang sinasabi iyon, Agad akong kinilabutan don. Yes i know to play with the guys kaya alam kong iba ang pakay nya sa akin. Kung kanina ay ayos pa ngayon May nararamdaman na akong hindi tama. Hindi pa naman ako umaabot sa paglalaro na naiisip nya.
"May kasama talaga ako, You can go now. I'm not interested" i said with a brave smile. Kailangan kong hindi ipahalata na kinakabahan ako sa kanya. Tumayo na ako para hanapin si Ali ngunit hinawakan nya ako sa braso, agad ko iyong hinawi.
BINABASA MO ANG
Being found
RomanceSienna Elora Alvarez, A girl with a strong personality. Inlove sa lalaking malaki ang koneksyon sa kanya Kaya hindi maaring maging sila. A lot of trials and challenges ang maghihiwalay sa kanila but their love is strong and powerful.