Chapter 4

13 1 1
                                    

Oras na tumalikod si Isaac agad ko syang sinundan. Malapit na sya sa faculty room at bubuksan na ang pinto.

"Isaac Wait!" Himihingal pa ako habang nagsasalita. Hindi nya ako pinansin at pumasok na sya sa loob. Dahil wala akong modo ay dire diretso rin akong pumasok. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Sir Buenavista. Marahil nagtataka sya kung bakit ako nandoon kasunod ng anak nya.

"Hello Sir!" bumati ako sa kanya. Natawa lamang sya

" Yes Ms. Alvarez. Ano  ang kailangan mo?" Tanong nya sa akin.

"Wala po sir. Sinamahan ko lang sya" Sabay turo ko kay Isaac.

"I did not asked you to come with me" Sagot nya. Bakit ba nagsusungit na naman sya. Napakamoody naman. Nagkibit balikat na lamang ako at umupo sa upuan kahit hindi naman ako pinapaupo doon.  Tumaas ang kilay ni Sir sa akin. Okay, Masyado akong walang modo, Baka kailangan nila ng privacy.

"Okay fine" Tumayo ako at Sinabit ang bag ko para umalis na. Pupunta na lang ako ng Mall ngayon. Kailangan kong aliwin ang sarili ko dahil nalulungkot ako agad para bukas.

Namimiss ko na ang nanay ko pero hindi naman ako makakauwi. Ngumuso ako. Wala naman akong aaralin pa naman ngayon. Agad akong bumalik ng may maisip ako.

"Sir. May kailangan pala ako sa inyo. Baka po may ipapagawa po kayong report? Or proposal?" Tanong ko. Gagawin kong abala ang sarili ko sa weekend.

"Sorry Ms. Alvarez pero wala eh, pero I'll  update you pag meron" Sagot nya sa akin. Bigo akong tumango sa kanya at tumalikod na. Paglabas ko ng faculty room ay umupo ako sa  bench doon, Aabangan ko na lang si Isaac.

Naghintay pa ako ng limang minuto bago sya lumabas ng faculty room. May dala syang medyo makapal na folder. Bakit kaya madalas sya dito?

"Isaac, Uwi ka na?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Nagulat naman sya ng bigla akong sumulpot. Akala nya siguro ay  umalis na ako.  I waited for you baby.

"No. Punta ako ng Mall" Sagot nya sa akin.  Sakto at doon din ang punta ko.

"Sama ako" Ngumiti ako sa kanya na para bang nang uuto.

"Why?" You don't have class?" Tanong nya pabalik. Umiling ako bilang tugon. Sa isip ko ay nagdidiwang na ako. Hindi sya sumagot, Ayaw nya kaya akong isama? De bale, Ako na lang talaga ang pupunta mag isa. Titingin lang ako ng pang regalo sa nanay ko. Malapit na kasi ang birthday nya.

Hindi ako sumabay sa paglalakad  sa kanya. May 2  meters kaming pagitan. Lumiko na sya sa parking lot,sinundan  ko sya ng tingin. Hindi nya sinabing"oo" , hindi nya rin sinabing "hindi". Hayaan ko na nga lang. Tumalikod na ako at naglakad pero..

"Kala ko sasama ka?" Tanong nya sa akin. Bigla akong napatigil sa narinig ko at lumingon sa kanya.

"Hindi ka naman sumagot eh" Sagot ko sa kanya pabalik. Totoo naman iyon.

"Let's go" Aniya

Ngumiti ako ng malapad at sumunod sa kanya. Pinatunog nya ang kotse nya, sabay kaming pumasok sa sasakyan nyang magara.  Pansin ko ang ugali nya. Minsan ay gago madalas gwapo. Char

"Mag de date ba tayo ?" Tanong ko sa kanya habang tumatawa. I saw him smirked.

"Depends" Natatawa nyang sagot. Anong ibig nyang sabihin ? Agad kumunot  ang noo ko.

"Depends on what?" Nakataas ang kilay ko sa kanya.

"You have a boyfriend  right? Bakit ka sakin sumama?" tanong nya. Oh gash, Nakita nya nga pala ang eksena kanina. Eto na naman ang pakiramdam ko na kailangan kong magpaliwanag sa kanya.

Being foundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon