Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinundan ko si Isaac. Mabait naman sya kaya sigurado ako na papansinin naman nya ako. Magpapasalamat ako ulit sa kanya , Iyon ang idadahilan ko kapag tinanong nya kung bakit ko sya sinundan.
"Wait. Isaac" Tawag ko sa kanya. Alam kong narinig nya ako dahil napatigil sya.
"What?" Nakakunot ang noo nyang tanong. Pakiramdam ko ay magsusungit na naman sya
"Saan ka?" Feeling close kong tanong. Na chachallenge ako sa kanya dahil tila ba ayaw nya talaga akong makausap. Mas lalong kumunot ang noo nya.
"Who cares?" Nakataas ang kilay nya
"Me" Nakangiti kong sagot. Makukuha rin kita Isaac
"Tssss" Pagsusungit nya
"I just want to say thankyou lang naman for saving me kagabi. Baka namatay na ako kung wala ka" Pagdadrama ko
"No problem" sabi nya sabay talikod. Napakunot ang noo ko, Bakit ko ba sya kinukulit? Eh may fiancé na nga pala sya.
"Bakit ba ang sungit mo? Bakit ayaw mo akong kausapin?" Sinabayan ko naman sya sa paglalakad habang nagtatanong
"I don't know you. Why would I talk to strangers like you ?" Malamig nyang sagot.
"You helped strangers like me" Natatawa kong sagot
"Because you need it." Sagot nyang muli, Nilabas nya ang panyo nya at pinunas sa pawis nya dahil sa init. Kung pwede lang ako ang magpunas ay ginawa ko na. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi tapos ang puti pa , makapal na kilay at nakakaakit na mata dagdag mo pa yung muscles nya pati yung amoy nya. Bakit hindi nya kamukha si Sir?
"Stop staring" aniya. Hindi ko namalayan ang pag titig ko sa kanya. Sya ata ang pinakagusto ko sa mga naging crush ko. Pa hard to get.
"Same pala tayo ng condo?" Tanong ko bilang pag iiba ng usapan
"Obviously" Sagot nya. Uuwi na kaya sya? Sumabay kaya ako. Agad akong napailing dahil may klase pa nga pala ako.
"Uuwi ka na ba?" Patuloy ko pa rin syang kinakausap. 30 minutes na lang may klase na ako pero wala pa rin akong napapala dito.
"Tsss. Oo bakit?" Masungit nyang sagot. Wow nagtagalog. Ang cute nya magtagalog, natatawa tuloy ako. Kung wala lang akong klase ay malamang sumabay na ako dito. Mag ko commute kaya sya?
"Pasabay" Kahit hindi naman talaga ako sasabay
"Don't wanna" Masungit nyang sabi at tinalikuran na ako. Hindi ko na sya hinabol.
Umakyat na akong room ngunit walang tao. Mag ta time na ah bakit wala pa sila? Nakita ko ang isa sa mga kaklase ko sa labas ng room
"Beeee, Wala tayong prof?" Tanong ko
"Wala. May sakit daw,Attendance lang" binigay nya sa akin ang attendance. Mabilis kong sinulat ang pangalan ko dahil balak kong habulin si Isaac. Wala naman na akong klase kaya pauwi na rin ako. Ayoko kasing makita si Helm, nag aaya kasing mag meryenda pagseselosin daw ulit namin si Natasha.
Mabilis akong tumakbo sa hagdan pababa baka sakaling maabutan ko sya. Nilinga linga ko ang paligid ngunit hindi ko na sya makita. De bale, baka mamaya ay makita ko sya sa condo.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Alira na hindi ako sasabay sa kanyang umuwi dahil tapos na ang klase ko. Lumabas na ako ng school at nagpunta sa sakayan ng jeep. Sobrang tirik na tirik ang araw kaya pumapatak ang pawis ko. Pumara ako sa jeep na nakita ngunit puno ito. Uwian nga pala ng mga senior high school kaya medyo mahirap sumakay.
BINABASA MO ANG
Being found
RomanceSienna Elora Alvarez, A girl with a strong personality. Inlove sa lalaking malaki ang koneksyon sa kanya Kaya hindi maaring maging sila. A lot of trials and challenges ang maghihiwalay sa kanila but their love is strong and powerful.