Chapter 12

15 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ofcourse im happy pero kagaya nya I'm afraid too. Takot ako sa maaring mangyari. Naka tadhana syang ikasal sa ibang babae at naniniwala akong iyon ang magiging hadlang sa amin.


"You can't. Hindi ka ba natatakot?"I said sa mahinang boses. Hinarap nya ako sa kanya.


" I know. Yes, Im afraid but ayokong may pag sisisihan ako sa huli." Tumatagos ang titig nya sakin



"Now, can we enjoy this for a while? Can we tolerate our feelings for now?" Patuloy na sambit nya. Yes Isaac. Ofcourse. Bahala na pero kung ano man ang mangyari, humadlang man ang Mama nya wala na akong pake. Hanggat nararamdaman kong ako ang gusto nya, Hindi ko sya isusuko.


Hindi ako sumagot. Niyakap ko lang sya at alam kong alam na nya ang ibig kong sabihin.


Nahiga akong may ngiti sa labi. Masayang masaya ako. Ganito pala ang pakiramdam non, Yung alam mo na may sasalo sayo. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog. Niyakap ko ang unan ko at tumili.


"Thankyou Lord! Magka kajowa na ata ako!" Impit ang boses ko. Sinisigaw ko iyon sa unan ko. Gumulong gulong pa ako sa kama ko. Well nagka jowa naman na ako dati pero iba kasi ngayon. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ko.


"Nay" Sambit ko at umayos ako ng upo. Tumatawa tawa pa ang nanay ko.


"Pwede ba akong makitulog dito?Nami miss na kitang katabi eh" malambing na sambit ni nanay. Ngumiti ako sa kanya at inayos ang ang kama ko.


"Masayang masaya ka ata?"sambit nya at hinawakan ang buhok ko. Nagsimula kong ikwento sa kanya ang naganap sa amin ni Isaac kanina. Masaya ako at naiintindihan ako ng nanay ko. Wala naman talagang makakaintindi sa akin kung hindi sya lang.


"Basta anak. Ingat ka pa rin ha? Buenavista 'yan, Mapanakit" Tumawa sya habang sinasabi iyon. Kumunot naman ang noo ko.


"Hugot ka Nay ah. Syempre naman po. Alam ko po ang ginagawa ko" Hindi ko pinansin ang sinabi nya tungkol kay Isaac.


Tabi kaming natulog ni nanay. Namiss ko talaga sya,Marami pa kaming napag kwentuhan nakatulugan na nga namin ang isat isa.


Kinaumagahan ay na late ako ng gising. Wala na sa tabi ko si nanay, Siguro ay nagluluto na sya. Dumiretso ako sa cr para maligo na. Ang plano ko ay babalik na kaming Manila. Sapat na siguro ang oras na 'to.


Nag suot lang ako ng ripped jeans and white tube top. Pinatungan ko iyon ng denim jacket. Bakit pakiramdam ko ay kailangan kong maging maganda at maayos sa harap sa nya? Nag apply pa ako ng light make up.

Paglabas ko ay nakita ko si Isaac sa kusina. May suot syang apron.

" Damn this egg. Ayaw mabaligtad" bulong nya sa kanyang sarili. Tumutulo ang pawis nya at hirap na hirap sa pag luluto. Tumawa ako.

"Kawawa naman yung itlog. Minumura mo" Natatawa kong sambit sa kanya at lumapit doon. Kinuha ko ang hawak nya at ako ang nagpatuloy noon.

"Anak. Ako na dyan. Nagpumilit kasi 'yan si Isaac. Gusto daw matutong magluto" Natatawang sambit ni nanay. Nawala naman na si Isaac sa harap ko, siguro ay naligo na. Hinintay ko sya sa hapag kainan. Maya maya lang ay naamoy ko na ang pamilyar na pabango nya.

Totoo ba talaga? Gusto ako ng nasa harap ko ngayon? Damn! His looks. Nakakagigil.

"Good morning" he said at hinawi ang buhok. Shit. Ang gwapo talaga.

"Good morning din" Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ang pag ngiti. Hindi na kami nag usap habang kumakain. Maya maya ay naghanda na rin kami ni Isaac para umalis. Mahigpit ang yakap sa akin ni Nanay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being foundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon