Hindi pa rin ako makapaniwala na binili nya lahat ng tinitignan ko kanina. Well, marami naman talaga syang pera at ang hindi lang maalis sa isip ko ay bakit nya ginawa iyon.
Nakapag decide kami na sa Sm Manila muna kami pupunta para kumain at doon ko na rin naisipang mag bihis. Aniya'y naiinitan daw sya at ayaw daw nyang sumama kung saan ko sya balak pakainin. Naisip ko pa naman na sa karinderya na lang kami kakain ngunit hinayaan ko na lang.
Pagkarating namin doon ay agad kaming nag usap na magkita na lang kami sa isang fast food chain habang ako'y nagbibihis. Pagkarating ko ng cr ay agad akong nagpalit ng damit. Napangiti ako sa sarili ko habang sinusuri ang damit. I really like it. Tumangkad pa ako ng kaonti dahil sa heels na suot suot ko, Nag retouch din ako ng make up at nag spray ng pabango dahil amoy divisoria pa ako at ang damit ko. I took a selfie before I go out at puntahan si Isaac.
Gusto nyang kumain sa isang mamahalin ngunit nagtext akong aa Chowking na lang kami.
Taas noo akong naglakad papunta sa kanya ng mamataan ko sya don,Masyado akong confident sa suot ko ngayon. I saw him staring at me. I know baby,I know I'm pretty.
Nagkunwari akong umubo ng makuha ko ang atensyon nya. Natawa ako don ng bumalik sya sa kanyang sarili.
"Tunaw na ako" Natatawa kong sambit sa kanya. He rolled his eyes. Nag order na pala sya ng food namin habang inaantay ako.
"Just eat Sienna. You look thin" Sambit nya. Agad na kumunot ang noo ko at nainsulto ako sa sinabi nya. Hindi naman ako payat! Sakto lang ang katawan ko, tingin ko nga ay sexy pa ako. Inirapan ko lang sya at hindi kinibo. Tumawa lamang sya doon.
Habang kumakain ako ay dinig na dinig ko ang kaunting tawa nya dahil maingay ang utensils ko habang kumakain at nakasibangot pa ako. How dare him? Sexy ako, hindi ako payat. Agad akong natapos kumain, tumayo ako para mag cr. Magpapalit na nga lang ako ng damit. Yung suot ko kanina kahit amoy pawis na iyon.
"Where are you going?" May kaunting tawa pa sya habang sinasabi ba iyon.
"Cr. Magpapalit, Sama ka?" Walang emosyon kong sagot sa kanya at kinuha na ang ang bag ko. Ngunit bigla nya akong hinila,Hawak hawak nya ang braso ko at seryoso na ang kanyang boses. Nakatalikod ako sa kanya, naramdaman ko ang unti unting paghila nya sakin at pilit akong hinaharap sa kanya. I look down. Hindi ko kayang ganito kami kalapit.
"Im just kidding okay? Don't change. You look gorgeous actually" Sambit nya sa akin. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at alam kong pinapamulahan ako sa sinabi nya. Gosh! Marupok!
Hindi pa sya nakuntento at hinawakan pa nya ang baba ko at pilit na itinaas iyon ng sa ganon ay magtama ang mga mata namin. Wag ganito Isaac. Nanginginig ang mga tuhod ko.
Nang magtama ang paningin namin ay hinawi nya pa ang takas na buhok ko. Hindi ako makapagsalita. Mag react ka Sienna! I need to react.
"Kainis ka.Kala ko pa naman bagay sa akin" Sambit ko sa kanya. Ang taas pa naman ng confidence ko na humarap sa kanya tas lalaitin nya ako.
"Im just teasing you okay? It's really suits on you. Now can we eat again?" Sambit nya at halatang pinipigilan ang pagtawa.
"Eh bakit ka tumatawa? Nakakatawa ba ako?" Hinampas ko sya sa dibdib at umiwas na sa kanya, umupo na lang ako ulit sa upuan ko at uminom ng tubig.
"Stop being cute Sienna" sabi nya sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag ngiti ko. Now I'm cute! Pansin ko din ang pag ngiti nya. Err. Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Being found
RomanceSienna Elora Alvarez, A girl with a strong personality. Inlove sa lalaking malaki ang koneksyon sa kanya Kaya hindi maaring maging sila. A lot of trials and challenges ang maghihiwalay sa kanila but their love is strong and powerful.