Tulala pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala. Nalungkot naman ako, kaya naman pala ayaw akong ipakilala ng prof ko ay dahil anak nya ito. Am I ugly? Ayaw nya para sa akin ang anak nya. Bukas ay magtatampo ako kunwari sa kanya. Sabagay alam ni sir na hindi naman ako ganoong kayaman at scholar lang ako.
"Aliraaaa! Guess what!" Humihiyaw kong salubong kay ali ng makarating ako sa condo.
"What?" Tamad nyang sagot.
"Yung bago kong crushhh! Anak pala sya ni Sir Buenavista!" Tumitili kong balita sa kanya. Agad syang tumigil sa ginagawa nya. I finally got her attention.
"How did you know?"gulat nyang tanong
"Nakita ko sya sa grocery! Nabangga ko pa sya then Sir Buenavista called him." Patuloy kong pagkukwento."Nakuha mo ba pangalan?" Tanong nya, Agad kong inisip ang sinigaw na pangalan ni Sir kanina.
"Isaac! 'Yon ang narinig ko" sagot ko sa kanya. Isaac huh? Nice name. Nilabas ni Ali ang cellphone nya at agad na nag stalk. Nakita kong Isaac Buenavista ang hinahanap nya sa Facebook.
"Etooo! Eto sya!" Himihiyaw na sabi ni ali
"Isaac Devin Buenavista" Bulong ko. Iisa lamang ang picture nya doon. Half body lamang iyon at naka polo sya ngunit nakabukas kaya kita ang magandang katawan nya. He is wearing a silver metal gray necklace and shades. Nakasandal sya sa yate at nasa gitna ng dagat. He's hot! Halatang halata na nag g- gym sya dahil sa abs.
Sayang at mukhang masungit."Kaya mo ba yan gurl?"nanghahamong tanong nya sa akin.
"We'll see. Suplado eh." Sagot ko. Kung ayaw naman nya sa akin ay hindi ko pipilitin. Hindi ko naman ugali ang maghabol.Nagluto na ako at nagsimula na kaming kumain by 8pm, si ali ang naghugas ng pinggan dahil ako ang nagluto. Pumasok na ako sa kwarto ko and get a shower dahil naiinitan ako. Nagsuot lang ako ng short shorts at t shirt na mahaba dahil doon ako kumportable. Nilabas ko na ang mga aklat ko at reviewer ko dahil mahaba habang gabi na naman ito. Lumabas ako sa living room at nag aral sa coffee table na nandoon.
Im a BS psychology student kaya puro terminologies ang inaaral ko, while Alira is Bs Accountancy that's why halos mabaliw sya kaka balance. May mga same subjects naman kami kaya doon kami nagtatanungan paminsan minsan.
By 11pm ay nagsimula akong antukin, hindi ko pa naman tapos ang inaaral ko dahil ang dami nito. Nahihilo na ako sa antok, sinilip ko si Alira at nakita kong nakadukdok na sya. Agad ko syang nilapitan at binatukan
"Hoy, Wag ka matulog. Nakakahawa ka! Arat kape" gising ko sa kanya
"Wake me up pag 12am na. Kukuha lang ako ng energy." Antok na antok nyang sagot . Napagpasyahan kong lumabas muna para makabili ng kape sa 7/11 . Hindi ako nagkakape pero im so sleepy na so i need to drink. Iinom na lang ako ng tubig para hindi ako magpalpitate. I put my hair into a bun and apply some liptint para hindi ako maputla.
Lumabas na ako ng unit at nag abang ng elevator, Nasa 30th floor kami which is pinakamataas, roofdeck na ang sumunod sa amin. Sa ground floor ay may 7/11 kaya hindi ko naman kelangan mag jeep pa.
Binati ko ang guard sa lobby dahil ka close ko na ito.
"Good evening maam. Gabi na ah"nakangiti nyang bati
"Magkakape lang kuya, nakakaantok eh" sagot ko sa kanya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at diretso na akong pumunta sa 7/11. Agad kong pinindot ang pinakamatapang na kape. Wala naman akong balak matulog dahil 7am ang klase ko. Malamang ay hindi na kaya dahil marami pa akong aaralin.Simimsim ako sa kape while waiting for the elevator. Agad naman itong bumukas. Nang makarating ako ng unit ay ginising ko na si Alira at binigay ang hot chocolate nya dahil hindi naman sya nagkakape. Sinamahan ko na sya sa dining area dahil doon sya nag rereview. Tahimik kaming dalawa tuwing nag aaral nang sa ganoon ay makapag focus kami.
BINABASA MO ANG
Being found
RomanceSienna Elora Alvarez, A girl with a strong personality. Inlove sa lalaking malaki ang koneksyon sa kanya Kaya hindi maaring maging sila. A lot of trials and challenges ang maghihiwalay sa kanila but their love is strong and powerful.