Chapter 7

7 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw, Wala naman masyadong ganap pero ramdam na namin na midterms na kaya abala kami sa pag aaral. Sobrang busy kami ni Alira, halos hindi na nga kami magkita sa school kung hindi kami magkaklase. Hindi na rin kami sabay mag lunch. Kung minsan kasi ay nag aaral na lang ako imbis na kumain, tinantanan naman na rin ako ni helm dahil nagkabalikan sila. Wala lang naman sakin 'yon dahil wala talaga akong pakielam sa kanya. 




I need to maintain my grades dahil scholar nga ako, Kaya aral na aral ako, kapag bumaba ang grades ko ay mawawala ito.Hindi na namin kakayanin ng nanay ko kung sakali.



Madalas ako sa faculty ni Sir Buenavista dahil abala ako sa research ko. Sya kasi ang research adviser ko. Hindi talaga biro ang pag aaral na ginagawa ko ngayon, dito nakasalalay ang scholarship ko.

Pagkababa ko ng jeep ay hindi ako halos makadala sa dami ng bitbit na papers at aklat, May long quiz ako ngayon sa Major, May defense naman sa isang subject at presentation naman sa hapon. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

Nagmamadali akong tumatakbo dahil male late na ako,Kelangan ko na ipakita ang research ko kay Sir Buenavista para makapag review na ako. Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan na naka bunggo na ako, Nabitawan ko lahat ng dala dala ko. Kung kailan ganito ang sitwasyon tsaka pa ako minamalas. Hindi na ako nag abalang tumingin sa bumangga sakin ngunit napansin kong tinutulungan nya ako sa pag pulot. Pamilyar ang amoy nya.


"Isaac" Sambit ko. Hindi na kami masyadong nagkikita dahil bukod sa abala ako ay mas madalas ako sa school ngayon. Sa elevator lang ata kami nagkita nung isang araw ngunit hindi ko pa sya pinansin dahil sa sobrang pagka pagod ko. I want to hangout with him again pero hindi kaya ng schedule.


"Im sorry. San ka ba? I'll help you" Tanong nya habang pinupulot ang gamit ko. Bumalik ako sa sarili ko at tinulungan ko sya muli doon.

" Kay Sir Buenavista" Maiksing tugon ko.

"Alright, Doon din ang punta ko" Sagot nya sa akin at naglakad na. Malamang,Iyon lang naman talaga ang sadya nya sa school ko.

Agad akong kumatok pagdating sa faculty room ni sir at binuksan iyon, kasunod ko si Isaac bitbit ang mga gamit ko. Tagaktak na ang pawis ko kahit umaga pa lang.

"Good morning Sir." Sambit ko at inilapag ang Makapal na folder para ipa- check ang research ko.

"Ayos ka lang Ms. Alvarez?, Bakit namumutla ka?" Tanong sa nya sa akin. Ang totoo ay masama na ang pakiramdam ko, ilang araw na akong walang tulog at hindi kumakain.

"Puyat lang po. Sir can you check po kung ano pa ang kulang? Idedefense ko na po kasi mamaya" sagot ko sa kanya. Kinuha naman nya ito at binasa na, Tumatango tango naman sya habang binabasa ang mga unang pages, ibig sabihin ay ayos lang. Nagbunga rin ang pinaghirapan ko.

Napansin ko si Isaac na pabalik balik ang tingin samin. Hindi ko pa pala sya napapasalamatan.

"Thankyou pala ha" Bulong ko sa kanya. Sasagot na sana sya ngunit..

"Miss Alvarez? You forgot the last part, Where's your Conclusions and Recommendation?" Tanong nya sa akin. Akala ko pa naman ay ayos na, Kakaprint ko pa lang non at naiwan ko ata, Hindi ko nabalikan sa sobrang pagmamadali.


"Hala sir. Naiwan ko po, hinabol ko lang po kasi iprint dahil nabasa po yung unang copy" Balisa kong sagot sa kanya. Kainis naman. Kailangan ko pa tuloy balikan, kulang nako sa oras. May long quiz pa ako sa major.


"Hala Sir? Aabot pa po kaya? May quiz pa po ako sa major" Tanong ko sa kanya.


"You look stressed Sienna, Ako na ang bahala. You can go now kung may klase ka pa" Sagot sa akin ni sir. Agad naman akong nakahinga ng maluwag, Mabuti na lang talaga at si Sir ang adviser ko , hindi nya ako pinapagalitan imbis ay tinutulungan nya pa ako.



Being foundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon