Simula

408 40 4
                                    

Simula

"Ano ba naman itong kuwarto mo Rafa ke babae mong tao kegulo gulo ng mga gamit mo," pangaral ni Corine saakin.

"Ikaw naman di ka pa nasanay sa babaitang yan," gatong pa ni Jonelyn.

"Malinis naman ang kuwarto ko aa? Sadyang may parte lang na magulo," depensa ko naman.

"Hay nako antatagal naman ng mga lalaking yun, natabunan na siguro ng mga pinamili yun," Singit ni Jane na kagagaling lang ng kursina ng apartment na tinitirahan ko.

Nagtawanan silang tatlo at may binanggit na kung ano ano si Jane kaya nalibang sila habang naglilinis. Ako naman'y nag patuloy sa pagaayos ng nilalagay kong maliit na box sa ilalim ng study table ko.

*Blag*

Nagulat ako sa pinanggaling ng tunog. Natagpuan ng mga mata ko ang nalaglag ng box ng sapatos galiing sa tuktok ng kabinet ko.

"Opps sorry diko na pansin," paumanhin pa ni Jonelyn na siyang nasa itaas at nililinisan ang kung anong meron doon.

"Ano to? Collection of trash? Pati mga bills mo kinukolekta mo gurl?" Mapangbuyong ani ni Jane saakin at tumawa pa.

Tumayo ako at mabilis na kinuha sakanya ang. box. Ngunit namali ako ng hawak kaya may ilang bagay na nahulog galing doon at nagsikalat. Mga papel na mahalaga maging ang isang libro ng Elementaryang di ko naibalik. Panyo at isang gawa sa itim na tali na bracelet may nakasabi na kalahati ng pick ng gitara. Agaran ko itong pinulot isa isa.

"You love collecting old stuff?" Biglang tanong ni Corine.

"Yeah," mahinang ani ko at pupulutin na sana ang bracelet na siyang huling gamit roon pero naunahan ako ni Jane.

“Pati ba nman ito? Sira na to aa," sabi niya ngunit hinablot ko ito.

“It's not the thing that I have, it's the memories behind it," sabi ko at inayos ang box. Siya naman ang pagdating ng mga lalaki naming kaibigan kaya agad na naiba ang attensyon namin.

Magulo, maingay pero masaya. Yan discripsyon ko sa nakikita ko sa kanila. Mga naging matalik na kaibigan ko simula ng lumipat ako rito sa Probinsya.

Nakita kong pumasok sila Nicholas, Lucas, JK at Carlo sa kusina. Nilagay nila ang mga pinamili nila.

Hinawakan ko naman ang bracelet. Napangiti ako na tila ba ito ang pinakamagandang bagay na nakita ko.

"Ano yan?" Nagulat ako sa presensya ni Lucas na hindi ko man lang naramdamang nakalapit na pala.

"Ahm wala collection lang nalaglag kanina," mahinang anang ko.

"Ang cute naman mahilig ka sa ganyan?" Nagulat ako sa tanong nito.

"Not really," maikling ani ko. Ayaw ko na rin naman pag usapan ang tungkol dito.

"May love birds nanaman hay nako,"  mataray na ani ni Corine na kumukuha ng kakainin nito sa lamesa.

"The bitter speaks again," mataray na sagot ko.

"I'm not bitter hindi lang ako fan ng love stories," depensa niya sa sarili habang naglalakad papalapit sa kama ko.

"Don't speak like you're in end may tao ding tatapat sayo sis," pagbabanta naman sakanya ni Jane na inaasikaso si Nicholas.

"Bakit kasi kayo nariyan sa gilid at kung mag siksikan ay parang maghahalikan naman," si Jonelyn naman ang umangal.

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now