Capítulo Quince

51 16 0
                                    

Hiling

Nakauwi ako na hindi ko namamalayan. Nagalit si mama pero ang mga salita niya ay hindi na naiproseso sa utak ko. Tanging mga salita nalang ni Mint ang nanunuot sa isip ko. Hindi ko alam pero bawat kataga niya ay tumatatak saakin.

'Antagal kong nag antay, Antagal kitang hinanap, Ngayong nandito kana Faye... Pakakawalan pa ba kita?'

Napailing ako habang nakaupo sa study table ko. Nakatingin sa kawalan. 'Bakit ba ganito? Mahal lang naman kita pero umabot sa puntong napakagulo na...'

Nanatili ang tingin ko sa labas. Gabi na nagstart na kanina ang celebration para sa birthday ni Jonelyn. Ngumiti ako kaninang dumating ako pero sinenyasan nalang nila ako na magpahinga ako. Hindi nako tumanggi dahil kailangan ko nga iyon. Para bang pagod na pagod nako. Sa lahat ng ginawa parang dito ako pinaka napagod. Yung pagod na pati puso ko ramdam.

Napahilamos ako ng mukha ko. Wala namang laman ang utak ko pero ganito ang nagiging epekto saakin ng mga nagyayari. Halos mapatalon nalang ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Pasok!"

"Rafa..." narinig ko ang tinig ni Jonelyn.

Napabuntong hininga at humarap sakanya. Ngumiti para gumaan ang pakiramdam niya.

"Happy New year..."

"Ye it's another year... Okay ka lang?"

"Oo naman."

She sigh. Napako ang tingin niya saakin.

"Magpagaling ka... Ayaw naming mawalan ng dalawa..."

"What do you mean?"

She just smile. "Regalo ko men?"

Dun ko naalala yung peste niyang regalo. Pahablot kong kinuha yun at halos ibato sakanya.

"Woah! Kalma!"

Natatawa niyang binukasan ang paper bag. Nakita kong manlaki ang mata niya maging ang ngisi niya.

"Pano mo nalamang kelangan ko to?"

"Si Jane nagsabi."

"Tss good job fren! Galing mo your the best!"

Natawa ako ng sumaludo ba ito. Nakita ko talaga ang saya sa mata niya. Kung dati ay hindi siya natutuwa sa ganitong bagay pero ngayon halos magwala ito. 'Anong pinagdadaanan mo Jonelyn?'

Natapos ang araw kong pagod. Alas dos na ng hapon ako nagising. Hindi ko nga inaasahan kung sino ang gigising saakin. Si mama. Malamig ang pakikitungo. 'Sino ba naman ang matutuwa kung malaman mong inahas ng panganay mo ang boyfriend ng bunso mo.'

Napailing ako. Tumayo nalang ako at nag ayos ng katawan.

"Kumain kana dyan." pantay ang tono na sabi ni mama.

Nasa hapag si Frose may ginagawa habang katabi ang babaeng nakakabatang kapatid. Nakita ko din na tahimik ang lahat. Seryoso tila walang magtatangkang bumasag sa katahimikan.

"Wattsup madalang pipol!" sarkastikong ani ko.

Narinig ko ang hagikgikan sa kuwarto marahil ay nanron ang tatlo.

"Jane! Ipagluto moko ng kahit na ano!" kapagkuway utos ko kahit na may pagkain sa hapag. 'Ayaw ko kainin ang luto ng may galit saakin.'

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkakunot ng noo ni mama saakin. Napailing nalang ito saaki. 'Kung suwail si Lucy mas lalo ako at kilala ko ang sarili ko...'

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now